Pathway~[02]

1.3K 53 35
                                    


《THE NEWBORN MENDOZA》

Hazelle's POV,

Papunta ako ngayon sa bahay nila Ate Drianne at Kuya Ethan para bisitahin sila, nabanggit kasi ni Dylan nung isang araw na gusto ako makita ni Ate Drianne.

Pinarada ko na sa tapat ng bahay nila Kuya Ethan ang kotse ko at agad bumaba ng sasakyan at nag doorbell sa bahay nila.

Malaki ang bahay nila Kuya Ethan, sinadya talaga nila na malaki ang ipagawang bahay dahil baka daw higit sa limang anak ang gawin nila. Si Kuya Ethan talaga hindi na naawa kay Ate Drianne.

"Hazelle! Mabuti naman at naisipan mo ko dalawin halika pasok ka ikaw talaga may susi ka naman ng bahay namin hindi ka pa dumaretso pumasok" Bati sakin ni Ate Drianne, ang laki na ng tiyan niya mukhang malapit na talaga siya manganak.

"Nakalimutan ko dalhin yung susi sa bahay niyo kaya nag doorbell nalang ako, pasensya na lumabas ka pa tuloy" Sagot ko.

Sabay kami pumasok sa bahay nila at umupo kami sa may salas.

"Nako ayos lang, ayoko rin naman yung palaging naka upo at nakahiga dito sa bahay. Manang dalhan mo kami ng makakain at maiinom dito sa salas" Utos niya sa isa niyang kasambahay.

Tatlo ang kasambahay nila dito sa bahay, ayaw na nga sana ni Ate Drianne na kumuha pa ng katulong pero mapilit si Kuya Ethan at para hindi rin daw mapagod si Ate dahil buntis siya.

"Mukhang malapit ka na talaga manganak ang laki na ng tiyan mo, may naisip na ba kayo ni Kuya na ipapangalan sakanya?" Tanong ko at napangiti siya habang hinihimas ang tiyan niya.

"Darius Aziel Mendoza, ano sa tingin mo maganda ba?" Napangiti naman ako ng marinig ang pangalan.

"Sobrang ganda Ate, bagay lalo na at mukhang lalaking suplado yang pamangkin ko katulad ng Tatay niya" Biro ko na ikinatawa ni Ate.

"Sinabi mo pa kahit ako napapansin ko na ngayon pa lang na mamamana niya ang ka supladohan ni Ethan, bihira kasi siya sumipa sa tiyan ko at kapag kinakausap ko siya o kinukulit walang kibo nung pinagbubuntis naman daw nila Delaney at Elyzza ang mga anak nila kulang nalang mabutas ang tiyan nila kakasipa ng mga anak nila" Kwento ni Ate Drianne.

"Hayaan mo na Ate siguro naman mamamana niya parin sayo ang pagiging mabait at mapagmahal" Sagot ko.

Hinain na samin ng kasambahay nila ang hinanda niyang pagkain at inomin para samin ni Ate Drianne.

"Salamat po Manang"

"Si Kuya Ethan nga pala nasa opisina nanaman siya? Anong oras na siya umuuwi dito sa inyo?" Tanong ko habang kumakain ng tinapay.

"Ano pa nga bang bago sa Kuya mo palagi naman subsob sa trabaho yon, halos madaling araw na siya nakaka uwi at palaging katwiran maraming inaasikaso sa kompanya paano naman yung pagiging asawa niya sakin may oras pa ba siya para doon? Paano pa kapag nanganak na ko, kailangan niya maging ama sa anak namin" Ani ni Ate Drianne kaya napa buntong hininga ako.

"Pasensya ka na Ate pero ganyan talaga si Kuya Ethan, priority niya ang pagtatrabaho dahil para sa inyo rin naman daw yon. Alam ko naman na hindi niya rin gusto na nawawalan siya ng oras sayo, hayaan mo susubukan ko siya kausapin basta huwag ka mag paka stress makakasama sa pamangkin ko" Paalala ko kaya ngumiti siya at tumango.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon