Pathway~[15]

210 10 0
                                    


20:00

Hazelle's POV,

Maaga ako nagising kaya naisipan ko na mag jogging muna sa labas. Tulog pa sila Mama dahil alas sinko palang umaga, mga alas sais pa kasi sila nagigising.

"Dylie mag jo-jogging si Mami, tara sama ka para makapag exercise ka rin" Yaya ko kay Dylie. Tumakbo naman siya palapit sakin ng nakaway pa ang buntot niya. Sabay kaming lumabas ng bahay, hindi ko na siya tanalian dahil nasunod naman siya sakin at hindi siya nalayo sa tabi ko.

Naka earphones ako habang tumatakbo. Sa sobrang abala ko sa trabaho ay inaamin ko na bihira na ko makapag ehersisyo ng ganito, tumataba na ba ko? Syempre gusto ko sexy ako sa kasal namin ni Dylan. Hindi rin naman gaano ka healthy kumain, mahilig pa nga ko sa junk foods at sweets.

Isang linggo na nga pala ang nakalipas mula ng magbukas ang shop ko, sa mga nagdaang araw ay masasabi kong maganda ang takbo ng negosyo. Marami ang nagugustuhan ang mga disenyo ng damit, noong isang beses nga may dalawa pa ang nag agawan sa isang paris ng sapatos dahil last pair na yon, medyo limited pa kasi ang stocks namin dahil nga kakabukas palang ng shop, tinatantsa pa namin kung mabenta ito sa marami. Ngayong araw na rin pala lalabas ng ospital si Elyzza kaya bibisitahin ko siya sa bahay nila, may mga dala din akong regalo para sa baby niya. Masaya ako na malaman na lalaki pala ang anak niya, may sinend siyang picture sakin ni baby Eloah nung isang araw at kamukhang kamukha ito ni Levi.

Kapag nagka anak kami ni Dylan, gusto ko lalaki muna tapos yung pangalawa namin ay babae, gusto ko kasi may kuya siya na mag po-protekta sakanya, parang sakin. Natawa nalang ako sa sarili ko dahil sa mga pinag iisip ko, hindi na talaga ako makapag hintay na pakasalan ang lalaking yon. Hindi ko na makikita ang bukas ko kung wala siya sa tabi ko, mahal na mahal ko siya.

Bumalik na kami ni Dylie at saktong nagluluto na ng almusal si Mama.

"Oh Hazelle lumabas pala kayo. Ngayon lang kita ulit nakitang nag ehersisyo ah, mukhang hinahanda mo ang katawan mo para sa kasal niyo ni Dylan at syempre... sa honeymoon" Ani sakin ni Mama kaya nanlaki ang mata ko.

"M..Ma syempre naman po, p..pero yung sa honeymoon-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Ano ka ba anak dumaan din ako sa ganyan, kinasal at nag honeymoon din kami ng Papa mo, naiintindihan kita. Natural lang yang nararamdaman at ginagawa mo, pero anak maayos naman ang pangangatawan mo, maganda ang hubog mo... sigurado akong pansin naman yan ni Dylan" Kinindatan pa ko ni Mama.

"M..Ma, sa totoo lang kinakabahan talaga ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko oh may dapat ba ko gawin? Inaamin ko po hindi iyon ang unang beses na may mga 'intimate moments' kami p..pero iba naman po yung sa mag jowa at sa mag asawa diba po?" Pag amin ko kay Mama at umupo sa upuan.
Lumapit naman siya sakin at tinabihan ako.

"Anak hindi talaga maiiwasan na kabahan ka, pero palagi mo lang iisipin ang tiwala niyo sa isa't isa. Tandaan mo, sa gabing yon, ipaparamdam niyo sa isa't isa kung gaano niyo kamahal ang bawat isa. Yoon ang magiging simbolo na kayo ay legal ng mag asawa at kayo ay iisa na. Hindi magtatagal, magbubunga ang pagmamahalan niyo, siya ang angel na pananatilihing matatag ang pagmamahalan niyo at ang pamilya niyo"

"Kayo ng mga kuya mo ang nagpapatatag ng samahan namin ng Papa niyo, gaya ng sa inyo ang mga anak ninyo ang mag gagabay sa inyong dalawa at hindi hahayaang masira ang pamilya niyo" Paliwanag ni Mama kaya napangiti ako.

"Salamat Mama, hindi ko po kakalimutan ang mga payo niyo" Pasasalamat ko.

"Tungkol naman sa payong paghahanda, wala naman akong masyadong ginawa sa sarili ko noong gabi ng honeymoon namin ng Papa mo. Basta mag shave ka at mild lang na sabon ang gamitin mong panligo, sa shampoo naman yung hindi matapang na amoy, mag lotion ka rin at mag lip balm para malambot labi mo. Ang pinaka importante sa lahat... satisfy your husband" Payo ni Mama kaya nanlaki ang mata ko sa huling sinabi niya.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon