Pathway~[06]

608 22 10
                                    


BRIDAL SHOWER

Dylan's POV,

Maaga ako nagising para makapaglinis na kami sa bakuran ng bahay nila Hazelle. Paalis na ko ng bahay at nasa loob na ko ng sasakyan, nasa likod narin ang mga gamit na pang dekorasyon sa bakuran.

Mabuti at hindi uuwi ngayon si Hazelle sa bahay nila dahil makikita niya ang surpresa. Nakatulog daw kasi siya sa apartment ni Lia.

Kaagad naman ako nakarating ng bahay nila, pinarada ko na ang kotse sa tapat ng gate nila.
Nag doorbell na ko at si Mama ang nagbukas ng pinto.

"Dylan ang aga mo ah, nagsisimula na kami maglinis sa bakuran, halika at pumasok ka" Anyaya niya sakin at pumasok na ko sa loob.

Dumaretso kami agad sa bakuran at nakita ko si Papa na nagwawalis na ng mga dahon.

"Magandang umaga ho Papa" Pagbati ko.

"Magandang umaga din iho, halina at magsimula na tayo" Pagbati niya rin sakin.

Dinidiligan na ni Mama ang mga halaman niya at ako naman ay naglalagay na ng dekorasyon, mga ilaw, mga letters na nakalagay na Will You Marry Me, at isang malaking hugis puso kung saan ako mismo mag po-propose sakanya.

"Ang ganda naman ng mga dekorasyon mo, baka mahal yan?" Puna ni Mama.

"Hindi po Ma, mura lang po pag papagawa ko diyan" Sagot ko.

"Mahal nalinis ko narin ang lamesa, dito rin tayo kakain, alam kong ikaw ang magluluto" Sabi ni Papa.

"Oo naman Mahal, tsaka maraming dadalo sa proposal nilang dalawa kaya kailangan marami ako mailuto" Aniya.

"Mukhang mabilis tayo natapos, tanghalian na Dylan dito ka na mag tanghalian. Mahal alam kong magluluto ka na" Sabi ni Papa.

"Sige, Dylan may dala ka bang extra na damit? Pinagpawisan ka masyado" Tanong ni Mama.

"Meron po Ma, kunin ko nalang po sa kotse" Sabi ko.

Lumabas muna ko ng bahay at kinuha ang damit ko sa kotse, duon narin ako nagbihis at nagpabango. Bigla naman tumunog ang cellphone ko at nagulat ako ng si Hazelle ang tumatawag.

"Hello Hazelle napagawag ka? Miss mo nako Hon?" Biro ko sakanya.

"Syempre naman Hon, kamusta ka naman? Baka busy ka nanaman sa trabaho ah? Hindi nga pala ako makakauwi ngayon sa bahay kasi nakatulog ako sa apartment ni Lia, ikaw nasaan ka ba?" Tanong niya.

"Nasa bahay lang din, tsaka hindi ako busy sa trabaho ngayon, hinayaan ko muna na si Ate ang mag handle ng company" Sagot ko.

"Okay, bukas uuwi na ko sa bahay pumunta ka ah. Si Grayson nga pala kailan siya uuwi?" Tanong niya.

"Mamayang gabi daw, susunduin nila Jonathan" Sagot ko.

"Nako si Pauline din ata ngayon ang uwi, may pa Bridal Shower pa sila nalalaman eh hindi ka pa nga nag po-propose" Sagot niya.

"Malay mo mag propose na ko sayo, Oo ka ba?" Tanong ko.

"Bakit naman ako tatanggi? Depende sa singsing tsaka kung saan ka mag po-propose, tsaka kung masarap yung pagkain, at ang pinaka importante yung sasabihin mo sakin" Aniya.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon