Pathway~[09]

313 16 1
                                    


BEADS OF FOREVER

Hazelle's POV,

Nakangiti ako habang pinag mamasdan ang bulaklak na ibinigay sakin ni Dylan. Ako nga dapat itong babawi sakanya pero siya parin ang gumagawa ng mga ganitong bagay. Siguro ayaw niya iparamdam sakin na nagtatampo siya. Lumalalim na ang gabi at hanggang ngayon ay hindi parin ako tapos sa ginagawa ko.

"Maam, hating gabi na po hindi pa po ba kayo uuwi?" Tanong sakin ng isa kong empleyado.

"Tatapusin ko lang ito tapos uuwi narin ako, mauna na kayo ingat kayo sa pag uwi" Sagot ko. Ngumiti naman siya at sinara na ang pinto.

Napamasahe ako sa sentido habang nakatingin sa monitor. Alam kong mahirap talaga ang pagpapatakbo ng negosyo pero naisip ko na mas aasenso ako pag ito ang tinahak ko, mas matutulungan ko pa sila Mama at pati na rin pag nag ka pamilya na kami ni Dylan. Marami rin akong nagastos sa pagpapatayo ng shop, halos naubos ang savings ko sa bangko pang puhunan. Hindi ito alam ni Dylan at sigurado akong aalokin niya sakin na tutulungan niya ko, alam kong abala din siya sa kompanya at hindi rin biro ang ginagastos nito. Napatingin ako sa limang tasa ng kape sa lamesa ko, mukhang kulang parin ito dahil wala pa sa kalahati ang natatapos ko.

Kailangan ko pa nga pala dumaan kay Ate Drianne. Pinatay ko na ang computer at kinuha na ang bag ko para umalis. Bukas ko nalang ipagpapatuloy, sabi ko nga ayokong maging sobrang workaholic. Sumakay na ko sa kotse ko at kaagad dumaretso sa bahay nila Ate Drianne. Matagal tagal narin mula ng pumunta ako sa bahay nila. Hindi naman gaano kalayo ang bahay nila mula opisina kaya mabilis ako nakarating. May susi din ako ng bahay nila kaya nakapasok ako agad. Pagpasok ko ay naabutan kong naglilinis sa may salas ang isang kasambahay. Ngumiti siya sakin at binati ako ng magandang gabi.

"Good Evening po Manang, nasaan po si Ate Drianne?" Tanong ko.

"Nasa nursery po sa taas Maam nag bre-breast feed po kay baby Darius, tawagin ko nalang po siya maupo muna po kayo dito" Aniya kaya tumango ako. Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko ng bumababa si Ate Drianne ng hagdan, grabe ang ganda parin niya kahit bagong panganak na... kaya hindi na ko magtataka na nagustuhan siya ni Kuya Ethan.
Ngumiti siya sa kin umupo kami ni Ate Drianne sa sofa at naglapag naman siya ng tsaa sa side table.

"Uminom ka muna ng tsaa, alam kong pagod ka sa trabaho" Aniya kaya ngumiti ako at inabot ang tasa ng tsaa. Mainit pa ito kaya masarap inumin.

"Kamusta ka naman, mukha ngang busy ka sa negosyo mo malapit na ang opening ng shop mo diba? Sigurado ako marami ang pupunta, your apparel is really unique and interesting... pasok na pasok sa mga trends and suggested cloths ng mga sikat na designers and you added twists" Puri sakin ni Ate Drianne.

"Opo Ate, and sana nga marami ang pumunta sa grand opening, dugo at oras ang binigay ko para lang maipatayo ang negosyo na 'yon. Its also my dream to have this type of occupation, aside that I know that I will benefit a lot from it financially. Kahit naman I almost spend half of my life in this work, I'll try my best to still have most of my time for you guys and especially to Dylan... alam ko rin this past few months wala na kaming masyadong time sa isa't isa, sa tuwing magkakaroon naman ako ng oras siya naman ang hindi available. Naiisip ko tuloy na nagtatampo na siya sakin" Ani ko at bumuntong hininga, hinawakan naman ni Ate ang kamay ko.

"Hazelle, I know that Dylan knows kung gaano ka importante sayo ang trabaho mo kaya huwag mo iisipin na hindi ka niya naiintindihan. Dylan is also a hardworking person just like you, kaya nga bagay na bagay kayo, you have a lot of similarities that even yourselves didn't know. Kahit kami ni Ethan, we were both busy on our jobs but we find ways to have time for ourselves with Darius" Sabi naman ni Ate Drianne. Pagdating talaga sa ganitong bagay magaling siya magpayo.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon