Chapter 1: Working Girls

13.1K 214 7
                                    

Chapter 1

Dennise’s POV

    Alas-seis palang gising na ako at naghahanda ng pumasok sa trabaho ko. Nagtatrabaho ako sa company ni Dad as the C.E.O. Palabas na ako ng room ko nang mag-ring ang phone ko. And it’s Carl; my boyfriend.

    “Good morning babe,” he said on the other line.
    “Good morning,” I replied. 4 years na kame ni Carl. But we haven’t decided to get married yet. Hindi naman sa tumututol ang mga pamilya namen, pero I think I’m not yet ready for… Marriage, that is.
    “Gettin’ ready for work?” he asked. “Ingat ka ha? Love you,”
   “Yeah. Sure, babe. Love you too,” atsaka ko binaba ang phone.

    I got on my office suit atsaka na bumaba para kumain. Nadatnan kong kumakain ang dalawang kapatid ko at nagmamadali rin para sa pagpasok nila.
    “Good morning, hons,” isa-isa ko silang hinalikan ko sila sa noo at sumabay na din sa kanilang kumain. Wala nang mas sasaya pa kaysa sumabay kumain sa mga ‘to. Maaga kami naulila sa pangangalaga ng ina. Mum died when I was 12 years old. At sa maagang edad na iyon, ako na ang tumayong ina ng pamilyang ito.
    “Good morning ate,” sabay nilang sambit. Kambal si Milo at Mila. Kaya kahit na opposite ang gender nila sa isa’t isa magkamukhang magkamukha pa rin sila. Psh sino bang niloko ko? Kambal nga ee!

    Biglang natahimik lahat nang marinig ang dahang-dahang yapak sa hagdang pababa.

 

It’s dad.

 

    Wala ni isa man sa aming magkakapatid ang nagging close kay dad. Palagi siyang wala sa bahay dahil sa mga business trips. At kung nandito man siya; sandaling-sandali lang.
    “Good morning dad,” salubong namin sa kanya. Base sa suot niyang Americana; aalis nanaman siya.
    “Good morning,” he coldly replied. “Three weeks ako sa Singapore so, Emilia? You’re incharge, ok?” utos niya sa akin. I nodded. Mula ng mamatay si mum, naging malamig na si dad sa aming tatlo.

From the day mum died, dad also died.

Ros’ POV

   “Huy, paru-paRos. May customer ka nanaman,” hay nako. Sigurado ako, yung mataba na anchaka ng mukha nanaman ang customer ko.
   “Hay nako. Yung mataba nanaman ba yan? Pakisabe day off k-“ natigilan ako ng may biglang sumapok sa aken. Diyahe, anchaket!
   “Aray naman mama butterfly. Kailangang manapok?” umirap ako.
   “Hay nako Ros, kung ganyan ka lage wala kayong makakain mamayang gabi,”

    Si mama butterfly ang amo namen. Hindi naman siya ganoong kastrikto pero kung tatamad-tamad ka sa trabaho, magdasal ka na sa lahat santong alam mo. Ako si Ros Mendoza a.k.a  Paru-PaRos. Yan ang stage name ko para sa mga customers. Ano nga ba ang trabaho ko? Isa lang naman akong call-girl sa isang escort agency. Sosyal na tawag sa mga sex workers, bayarang babae, pok-pok, G.R.O ano pa bang gusto niyo? Hindi naman sa gusto ko ang trabaho ko, pero para sa mga salat sa pera at walang pinag-aralang tulad ko, kailangan kong gawin ito para mabuhay ang pamilya ko. Atsaka isa pa, si mama butterfly din ang itinuring ko ng ina simula ng yumao ang nanay namen. Kinupkop niya kami at pinapakain ng three tomes a day, teka tomes? Tomes nga ba? Ay times pala sarreh. Ako ang panganay sa sampong magkakapatid at siyempre ang pinaka-maganda, chos! Iba-iba ang ama naming magkakapatid. Pero kahit na ganoon, mahal na mahal namin ang isa’t isa.

    Nagkataon ata na porenjer ang tatay ko kaya natural ang pula kong buhok, kumikislap na asul kong mga mata at makinis at maputing balat. Kailanman hindi ko inasam na makita ang tatay ko, at kapag nakita ko, baka masipa ko na lang siya sa mukha at maging ang mga iniingatan at pinaktatago niyang mga kayamanang itlog ay mabasag. Mag-isa kong pinag-aaral ang mga kapatid ko, lahat ng pwede kong pasukang trabaho ay pinapasok ko. Siyempre hanggang sex worker lang ako, ayoko namang pumatay o mangidnap, ano? Hindi pasok ang feslak ko sa mga iyon. Hindi ko hinahayaang malaman ng mga kapatid ko ang trabaho ko kapag gabi.

    “HUY! ASAN NA ANG KALULUWA MO ROS? SAAN NAPAD-PAD ANG KALULUWA MO?” sabi ni Diane. At nilagay ang palad niya sa noo ko na para bang binabasbasan ako at nasaniban.
    “Diyahe naman ‘to, hindi ako sinaniban, bakla! Ang ganda ng drama-rama sa hapon ko dito ee, sinira mo!” sigaw ko sa kanya.
    “Alam mo, ghurl. Lahat tayo dito may kaniya-kaniyang storyang mala-MMK. Kaya mamaya ka na magdrama at heto meeting mo!” atsaka ako inabutan ng papel na may nakasulat sa address ng isang hotel at ang hotel number. Inirapan ko na lang siya at saka na ako umalis.

Para sa pamilya mo ‘to. Kaya mo yan Ros!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

Guys, sorry dahil alam kong sensitive at medyo offensive ang iba sa mga content dito. I mean no harm and offense sa mga maaaring magbasa nito. Lahat po ng isusulat dito AY LIKHANG ISIP LAMANG hindi po ito base sa mga totoong tao. I repeat sorry sa mga maaaring ma-offense and all these are FICTIONAL. Thank you :)

Anyway, comment below kung anong mga opinion niyo :)
READ VOTE COMMENT BE A FAN ♥

Harthart ♥
Author :D

Meet Ros Mendoza -------> :D

Kiss me (GxG)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt