CHAPTER ONE

159 4 0
                                    

Kadiliman ang maaaninag
sino ang gustong magpabihag?

Ramdam ko ang pagkakatulala ko sa aking silid habang patuloy na pinagmamasdan ang mga itim na puno na nagkalat sa paligid ng hardin ng aming palati. Patuloy din ang pag daan ng mga Diamoni na abala sa kani kanilang ginagawa. Palati ang tawag sa lugar na ito. Palati ng kamatayan. Ang kalawakan ay may tatlong dimensyon, tatlong palati. Ang palati ng kamatayan. Dito napupunta ang kaluluwa ng lahat ng mga namatay na..depende sa kanilang magiging destino. Maaaring manatili na sila dito upang maging tagapagsilbi namin o maaaring maipatawag sila sa susunod na dimesyon. Ang palati ng kalangitan. Doon ay payapa silang mananatili at may pagkakataong muling makabalik sa ikatlong dimensyon. Ang palati ng buhay. Doon mabibigyan ng pagkakataon silang maging tao, nabubuhay, humihinga, at magagawa ang mga bagay na naisin nilang gawin. Ito ang palati na kinaiinggitan ng lahat at gustong matunton. Dahil lahat ng klase ng emosyon ay mararamdaman mo at mararanasan mo. Hindi katulad dito.. Negatibong emosyon ang madalas na kalamangan at kagalakan sa mga bagay na tanging kailangan lamang ang kaya naming dalhin.

'Prinsesa Mortema, Ipinapatawag ka na sa iyong Othoni.' saad ni Acacia isang Diamoni.

'Pupunta na ako, Acacia'

Dali dali siyang yumuko at umalis sa aking silid. Ako ang prinsesa ng Palati ng kamatayan. Anak ako nila King Thanatos at Queen Mitera. Sila ang nakatalaga na namumuno sa Palati ng kamatayan nagmula sila sa ninuno naming si Haring Darkon na nag taguyod ng palating ito. Siya ang itinituring diyos sa lugar na ito at aming sinasamba. Patuloy akong naglakad hanggang sa narating ko na ang aking othoni. Ito ang monitor kung saan nakikita namin ang bawat kilos, kaganapan at tao sa palati ng buhay o "earth" kung tawagin nila. Kami ang magdedesisyon kung kailangan ng wakasan ang buhay ng isang tao. Kami ang pipindot sa bawat buton ng buhay nila kapag nakita namin oras na ng katapusan nila. Hindi ko gusto ang gawaing ito lalo na't nakikita ko ang epekto ng kamatayan sa bawat nilalang na nabubuhay. Kinatatakutan. Inaayawan. Bagay na hindi kailanman naging maganda para sa kanila. Sa totoo lamang, naiinggit ako sa mga taong nabigyan ng pagkakataon na isilang sa palati ng buhay. Nakikita ko ang kasiyahan sa bawat mukha nila. Hindi katulad namin na isinilang ng may katungkulan at nabubuhay para sa mga tungkulin at responsibilidad.

'Oras na ng lalaking iyan. Pindutin mo na.'  Ani ng aking ama habang nakatingin sa isang lalaking nakahiga sa ospital mula sa aking othoni.

'Ama, minsan po ba ninais niyo ring maramdaman ang sayang nararamdaman ng mga mortal?' Hindi mapigilan kong naitanong sa kanya

Kumunot ang noo ng aking ama at batid ko ang pag igting ng kanyang panga. Nagkamali ka Mortema, hindi mo dapat siya kinausap ukol sa bagay na yon.

'Ito ang mundo mo, Mortema. Yan ang bagay na wag mong susubukang alamin. ' madilim na ang kanayang itsura habang isinasatinig ang bawat salita.

'Pero, ama-'

'TIGILAN MO! MATUTO KANG MAKUNTENTO. ITO ANG MUNDO MO.' pigil niya sa sasabihin ko at saka ako tinalikuran. Napabuntong hininga na lamang ako. Lumabas muna ako para magpahangin. Naglakad ako sa paborito kong hardin, ang hardin ng mga itim na bulaklak. Madalas akong manatili dito kapag hindi maganda ang pakiramdam ko o kaya naman ay nais kong mag isip-isip. Hindi ko alam kung bakit ako nagtanong sa aking ama ng ganoon at batid kong magagalit siya.

'Itim na bulaklak, bakit ganon? pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa lugar na ito. May kakaibang enerhiya sa aking katawan na nagnanais kumawala. Ayokong malungkot ang aking mga magulang pero pakiramdam ko ay hindi ko kayang pamunuan ang palati natin.'

Ugali kong kausapin ang mga itim na bulaklak, bukod kasi kay Acacia ay wala akong kaibigan sa aming palati dahil ang lahat ay nirerespeto at tinitingala ako. Nahiga ako at tuluyang hinila ng antok sa pag-iisip.

'AYOKO DITO! KAILANGAN KONG MAKAPUNTA SA LANGIT! HINDI KO KAYANG MANATILI DITO SA LUGAR NA ITO!' saad ng isang lalaki

Nagising ako sa sigawan na aking narinig di kalayuan sa aking tinutulugan kaya naman nag mamadali akong lumapit dito.

'Hindi ka maaaring umalis dito dahil hindi ka naman pinapatawag sa langit, kaibigan.'  saad ng aking ama.

'Parang awa niyo na. Makikiusap ako sa panginoon, ayoko dito. Gusto ko makasama ang mga namayapa kong ka-anak maaaring nasa kalangitan sila dagil wala sila dito. Gusto ko ng umalis. Ayoko dito.'  Ani ng lalaki habang nag pupumiglas sa mga millitibus na nakahawag sa kanya. (millitibus ang tawag sa mga mandirigma ng kamatayan)

'Kung dito ang nakatakdang destino mo, wala ka ng magagawa pa kung hindi ang tanggapin.'
Sabi ng ama at umalis naman sila tinitigan pa ako ng ama bago tuluyang umalis. Galit pa rin siya sa akin. Hindi na bago ang ganitong eksena. Karamihan ng napupuntang kaluluwa ay mas ninanais na mapunta sa kalangitan kaysa ang manatili sa palati ng kamatayan.

'Prinsesa Mortema, kanina ka pa hinahanap ng iyong ina.' Si Acacia

'Tayo na, Acacia.'

Pagdating sa palasyo ay nakita ko ang aking ina na nakaupo at tila naghihintay sa aking pagdating.

'Ina
tawag ko upang makuha ang kanyang atensyon.

'Maupo ka, Mortema. Saan ka nanggaling?'

'Nagpahangin lamang sa hardin Ina, hindi ko po namalayan na nakatulog ako.'

'Ganoon ba? Nais kong ibigay sa iyo ito, anak.'
Sabi niya habang isinusuot sakin ang isang kwintas na may bilog na palawit. Itim na bilog, iyon ang simbolo ng Palati ng kamatayan ngunit kapansin pansin din ang maliit na bilog na nasa gitna ng malaking bilog. Maliit na bilog na kulay berde at may dahon na nakapaloob dito. Ito ang simbolo ng palati ng buhay. Napakaganda ng kwintas. Agad akong nag angat ng nagtatakang tingin sa aking ina matapos niyang isuot sa akin iyon.

'Napaka ganda anak. Bagay na bagay sa'yo. Ikaw ang pinaka magandang dalagang nakita ko.'

'Salamat Ina, ngunit para saan po ito? Bakit ganito ang istura niya?'

'Dumating na ang tamang panahon anak. Ito na ang oras para mapa sa'yo ang kwintas na 'yan.' aniya.

'Tamang panahon? Para saan ina?'

'Legal na ang edad mo. Kaya naman ibinibigay ko yan sa iyo anak, alam kong hindi ka pa handa sa mga responsibilidad at pamunuan ang ating palati pero wag mo sanang kamuhian ang mga magulang mo. Ito ang mundong ibinigay sayo, Wag mo sana iyong kakalimutan. '

'Patawad ina. Hindi ko po sinasadyang sabihin iyon kay Ama. Nadala lamang ako.'

Niyakap ako ni Ina. Isang yakap na parang noon ko lang naramdaman mula sa kanya. Yakap ng pamamaalam, yakap na nakakapanibago. Agad kong hinawakan ang kwintas at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda nito. Para saan kaya ang isang 'to?

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon