CHAPTER TWELVE

99 2 0
                                    

'Tomorrow is another day.' basa ko sa isang quotation sa likod ng pinto ng aking kwarto.

Tama. Ngayong araw ay panibagong pakikipag sapalaran nanaman. Sana ay wala ng problema o gulo na masangkutan ko. Nang makauwi ako kahapon ay agad na tumawag si Anna sa akin at sangkatutak na sermon ang inabot ko sa kanya. Kaya naman kanina ay kahit ang aga aga ay tumawag itong muli para sa walang katapusan niyang mga bilin. Matapos kong mag agahan ay nag paalam na ako sa aming mga kasama sa bahay at saka nagtungo na sa skwela. Hinatid ako ni Manong Bert dahil parang wala pa akong lakas na sumakay ngayon at mag commute. Ngayon ko lamang naramdaman ang sakit at pagkakabugbog ng likod ko buhat kahapon. Hindi naman ako maka liban sa klase sapagkat nalalapit na ang preliminary namin. Mas lalong magagalit si Anna kapag bumagsak ako. Maaga pa naman ng makarating ako sa skwela. Malayo pa lamang sa silid ay natatanaw ko na si Elle at ang kaibigan nito na nag uusap sa may pintuan. Nakatingin sila sa akin saka maghahagikgikan. Gustuhin ko man dumaan sa kabilang pinto ay sarado naman ito. Kaya nagtuloy lang ako. Hindi ko na lamang papansinin. Tama Mortema. Wag mong papansinin. Wag mong papatulan at hindi ka sasali sa kahit na anong gulo. Habang sinasabi ko yun sa utak ko ay tinahak ko na ang daan. Patuloy pa rin sa pagtatawanan sila elle habang tinitingnan ako na para bang ako ang pinaka katawa tawa na tao sa paningin nila. Lalagpas na sana ako ng

*boog!*

Natalisod ako at plakda. Mali, tinalisod nila ako. Nakadapa ako ngayon sa sahig ng aming silid. Naging matunog naman ang hagalpakan na tawa ng aking mga kamag aral. Naramdaman ko na masakit ngunit tumayo na lamang ako. Hindi ko na sila pinansin at derechong tingin na maglalakad na lang sana ako upang puntahan ang aking upuan sa pinaka likod kung saan nakikita ko sila Jurilyn na nakaupo habang naka bantay ang iba kong kaklase na animong sinasabi na wag silang makikielam. Batid kong sa mga mata nila ang pagpapalakas nila ng loob ko. Akmang hahakbang na muli ako ng may pagmamadali pa dahil gusto ko na maupo. Masakit talaga ang pagbagsak ko ng sa di ko muling inaasahan..

*boog!!!

Mas malakas na lagapak ang narinig ng lahat. May tali pala sa dalawang magkabilang upuan kaya lang ay hindi ko yon napansin. Muli akong sumubsob at tumama pa ang mukha ko sa kanto ng upuan.

'Hahahaha, lampa ampota'

'Magandang basahan!'

'Serves you right, bitch!'

Dinig kong komento ng nga kaklase ko at dinig ko din ang malalakas nilang tawanan. Napatingin ako kay Elle na ngayon ay malaki ang ngisi sa akin.

'Tama na, please!!!' nagmamaka awang sigaw ni Jurilyn. Nagbalikan na sila sa kani kanilang mga upuan.
'Ano, diyan ka nalang?' sambit ni Claire. Tiningnan ko lang siya. Napansin ko na ang mga kaklase kong lalaki ay hindi nakikisali. Nanatili lang sila sa isang tabi Bagama't pa minsan ay nakikitawa lang. Sinubukan kong tumayo ngunit sa unang subok ay nahirapan ako. Masyadong masakit ang pakiramdam ko ngayon. Nag ring na ang bell na hudyat na magsisimula na ang klase kaya naman pinilit ko pa ang sarili ko na tumayo. Kinapa ko ang noo ko ng may naramdaman akong tumutulo at don ko napagtanto na dumudugo ito. Iika ika akong naglakad at nagpunta na sa upuan ko. Pagdating ko doon ay niyakap ako ng magkapatid. Pinunasan din nila ang aking mukha at ibang parte ng aking uniform sapagkat nadumihan ito. Ipinunas ko nalang din ang aking panyo sa noo ko upang maalis ang dugo doon. Mabuti na lamang at tumigil din ang pagdurugo. Kung anong dahilan ng ginagawa nilang ito ay hindi ko alam pero babaliwalain ko nalang at siguro ay lilipas din ang pang aasar nilang ito. Pagod at nanghihina akong sumandal sa upuan ko. Panay naman ang pag hingi ng tawad sa akin ng magkapatid dahil tinatakot daw sila ng mga kaklase namin kung sakaling makielam pa sila. Maya maya ay napansin ko na namimigay ng cupcake si Rachel sa mga kaklase namin. Halos lahat naman ay nagkuhaan noon. Tutungo na sana ako ng magtama ang paningin namin ni Rachel at gulat na gulat ako ng ibato niya sa akin ang mga kahon ng cupcakes na iyon.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now