CHAPTER TWENTY THREE

102 2 0
                                    

"Relationship aren't always easy, but they're strongest when both people are willing to support and learn from each other through good and bad times."

Iyon ang naaalala kong quotation sa likod ng pinto ng kwarto ko kanina bago ako umalis ng bahay at sa tingin ko ay tama yon, hindi magiging madali ang lahat para sa amin ni Agapi pero kailangan naming suportahan at maging malakas para sa isa't isa. Tama nga sila, mabilis na lumilipas ang mga araw kapag masaya kayo, halos hindi namin namalayan na mag sesembreak na kaya naman eto kami at nakikipag sapalaran sa hell week kung tawagin nila. Nagiging maayos din ang adjustment ko dito, tinuturuan pa rin ako ni Anna ng maraming bagay tungkol sa palati ng buhay. Sa nagdaang mga linggo ay mas nakilala ko pa si Agapi, nalaman din niya na nagka amnesia ako kaya naman may mga bagay na hindi ko naaalala pero bukod doon ay wala na kaming sinabi pa sa kanya, naging maayos naman ang lahat kay Anna ng sabihin namin sa kanya ang tungkol sa aming relasyon. Nais din akong makilala ng magulang ni Agapi kapag nagkaroon ng pagkakataon, sa ngayon ay nananatili ang kaniyang ama sa Maynila habang ang kaniyang ina naman ay nasa ibang bansa.

'Okay, that's it for today. Basta ayun ang story line natin at syempre hindi na ako mamimili ng lead actress natin dahil si Mortema na iyon, ang problema natin ay ang ibang main casts at ang leading man.'

Saad ni Patricia sa amin. Nandito kasi kami ngayon sa Theater room, nagpatawag siya ng meeting dahil mayroon na daw na aprubahan na story line at on process na ang writing ng script nito, ang problema nalang ay ang mga gaganap, para naman sa ensayo ay baka sa susunod pang semestre dahil next year february pa naman ang arts month.

'Bakit hindi nalang si Gelo? Bagay naman sila ni Mortema, gwapo at magaling din naman siya.'

suhestyon ni Kaye na isa naming ka myembro narinig naman namin ang pag sang ayon ng iba, tumingin pa sa akin si Gelo at bahagyang ngumiti.

'Pero dahil musical nga ito, kailangan ay maganda ang boses.'

Namomroblemang saad ni Patricia.

'Eh teka, kumakanta ba si Mortema?'

Agad naman na dumako sa akin ang atensyon ng lahat. Ngumiti lang ako at bigla akong nahiya.

'Well, let's see.'

sabay kindat pa ni Patricia saken. Pambihira! Kahit kelan talaga tong babaeng to! Magsasalita sana ako pero nagpatuloy siya

'Anyway, matagal pa naman. Actually, may kino convince pa ako, for sure suit na suit sa kanya yung role at napaka ganda ng boses niya kaya lang ayaw pa pumayag, titingnan ko din kung papayag si Mortema sa idea. Bweno, next time nalang ulit tayo mag usap mga ka-teatro, that's all for today!'

Kanya kanya naman silang usap at ayos ng gamit saka naglabasan na ng theather room. Hinintay ko muna si Patricia dahil sasabay siya sa amin na mag snack. Nang makalabas kami ay agad siyang nagsalita.

'Ano kayang napag usapan sa assembly? sayang at first assembly mo yon pero absent ka!'

natatawa niyang sambit. Nagkataon kasing napasabay ang meeting ng SATG at ang pagpapatawag ni Agapi ng assembly kaya hindi kami pareho naka sipot, ayos lang naman daw iyon. Dumeretso na kami sa Cafeteria at nag tungo sa lamesa kung saan nandoon na ang mga kaibigan namin.

Agad na lumapit sa akin si Agapi at humalik sa aking pisngi saka niya ako iginiya sa upuan at rinig na rinig naman namin ang nga pang aasar ng ibang mga studyante sa amin kaya agad na nag init ang mukha ko, kahit ilang linggo na ang lumipas ay hindi pa rin ako sanay sa mga ganitong atensyon kaya naman nahihiya pa rin ako.

'Kamusta ang meeting?'

tanong ni Jurilyn sa amin ng maka upo kami si pat naman ang sumagot sa kanya.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now