CHAPTER THREE

128 2 0
                                    

Mortema's POV

Nandito kami ngayon ni Anna sa Ospital. Nakakapanibago. Ang kasuotan at ang lugar na ito ay bagong lahat sa akin. Ang sabi sa akin ni Anna ay dito daw dinadala ang mga taong nagkakaroon ng sakit upang mas humaba pa ang kanilang buhay at pananatili sa palati ng buhay. Nakakatawa. Paano sila nakakasiguro na may nagagawa sila upang pigilan kami? Upang pigilan ang kamatayan ng isang tao? Ang sabi ng aking ama ay nakatadhana daw ang bawat pagdating at pag alis ng tao sa mundo nila. Hindi napipigilan at hindi naiiwasan. Darating at darating. Mangyayari ang mangyayari. Panay lamang ang paglibot ko ng aking paningin sa ospital ng hindi sinasadya ay may nabangga ako. Nahulog ang mga gamit nito.

'Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo, Miss?! Nakakabunggo ka na oh!' Sabi ng isang lalaking nakabunggo ko. Nakatungo lamang ako at hindi ko siya matingnan dahil kakaiba ang pakiramdam ko sa pag taas ng boses niya. Bigla ko namang naramdaman si Anna sa tabi ko.

'Pasensya ka na, iho. Hindi ka niya napansin.' bahagya pa itong yumuko at nagmadali akong hinila papasok sa isang silid. Mabuti na lamang at ginawa ni Anna 'yon dahil kung hindi, baka nasaktan ko siya. Hindi ako sanay na pinagtataasan ng boses ninuman. Dapat ipagpasalamat ng lalaking yon na hindi kami nagkaharap. Nakatingin kami ngayon ni Anna sa isang batang mahimbing na natutulog. Maya maya ay ginising  niya ito at nagmulat ng mata. Agad na sumilay ang isang matamis na ngiti ng bata nang nakita niya si Anna.

'Ang akala ko po ay mamaya ka pa dadating.' sabi nito habang inaayos ang sarili sa pagkakaupo.

'Namiss ko agad ang gwapo kong anak kaya hindi pwedeng matagalan ang mama.' sinabi niya ito sa anak ng may matatamis na ngiti sa kanya. Saglit na napatitig ang bata sa kanya at inilipat ang tingin sa akin may halong pagtataka.

'Ahh, Siya nga pala si ate Mortema mo, kaibigan ko ang mga magulang niya at sa atin na muna siya makikitira.' paliwanag ni Anna. Ngumiti naman agad ang bata sa akin at sinenyasan akong lumapit sa kanya.

'Hi ate mortema! I'm Gabrielle. 8 years old. Bantayan mo muna ang mama ko habang wala pa ko sa tabi niya ha?' Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may pinipigang parte sa puso ko. Ano ito? Bago ito sa pakiramdam ko. Kita ko ang saya at lungkot sa mata ng bata. Hindi ko alam pero hinawakan ko na pala ang kamay niya at ngumiti sa kanya gaya ng pag ngiti ni Anna.

'Oo gagawin ko 'yon. ' Lalo naman siyang napangiti.

'Ang saya saya ko dahil may ate na ako! Matagal ko ng hinihiling na magkaroon ako ng kapatid'

Matapos 'non ay pinakain na siya ni Anna at masaya silang nagkwentuhan. Napakaganda nilang tingnan, parang wala silang problema at hindi nanganganib ang buhay ni Gabrielle. Nang mga sandaling iyon, naiisip ko nalang na salamat sa kung sino man ang kumokontrol ng buton para kay Gabrielle at hindi niya pa ito kinukuha. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hindi pwedeng mawala si Gabrielle dahil alam kong masasaktan ng sobra si Anna. Nakaramdam naman ako ng pagkulo ng sikmura ko at agad na sinabi iyon kay Anna. Binigyan niya lamang ako ng pera at itinuro ang daan papunta sa bilihan daw ng pagkain. Nagtungo naman ako doon at sinunod ang lahat ng kanyang naging bilin. Sumunod lang ako sa pila at may nauna sa aking babae. Kausap niya ang tiga-silbi ng lugar na iyon.

'Miss, chicken spaghetti at coke.'

Tiningnan ko lamang ang pagkaing ibinigay sa kanya. Biglang kumulo muli ang aking sikmura. Mukhang nagugutom na talaga ako. Matapos magbigay ng bayad ng babae ay umalis na ito at ako na ang sumunod sa pila niya. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano ang gagawin ko?

'Ano sa'yo, Miss?' Tanong ng nagsisilbi.

'Ahh' Hindi ko talaga alam ang tawag, nakalimutan ko...

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now