CHAPTER FORTY FOUR

127 1 1
                                    

"The pain will leave once it has finish teaching you."

Nagising ako sa magkakasunod na tunog ng aking cellphone. Pagkatapos naming kumain kanina ay hinatid nila ako agad sa aming bahay. Nakipagkamustahan ako kay mama at sa mga kasama namin sa bahay bago ako nagpaalam na magpapahinga.

Napatingin ako sa bintana at doon ko lang napansin na madilim na bago ko sinagot ang tawag.

'Hmm?' Sagot ko nang hindi tinitingnan kung sino 'yon.

'Hey.' Boses 'yon ni Sam.

'Uy, Sam?' Tuluyan akong na upo sa kama ko saka itinuon na ang atensyon sa kausap.

'Yeah. Kanina ka pa namin tinatawagan. I guess kagigising mo lang?' Tumatawa niyang sagot. Medyo maingay sa background niya.

'Oo nga eh.'

'Well, tumawag lang ako kasi Pat is asking if you can make it tonight? Sa Party nila?' Parang doon lamang ako nagising nang tuluyan. Pambihira, bakit nawala sa isip ko 'yon!

Pupunta ba ako? Nandoon kaya siya?

'Mory, still there?'

'Ahh, y-yeah.' Namasahe ko na lamang ang sarili kong noo dahil sa mga iniisip ko.

'So, ano?' Pag uulit niya sa tanong na bahagya pang natawa.

'Yep, I'm coming.' Sagot ko sa kanya.

'Great! You want me to get you there?' Pag aalok ni Sam.

'Hindi na, magdadrive nalang ako.' Alam kong si Sam ang nag aasikaso sa party na 'yon at ayaw ko ng maka abala pa.

'Take care!'
Matapos 'non ay binaba ko na agad ang tawag at saka ako nagmadaling naligo at nag ayos. Isang black na loose crop top na long sleeves ang napili kong suotin na pinaresan ko ng fitted leather skirt na itim din. Hinayaan ko lamang na nakabagsak ang buhok ko at saka naglagay ng lip gloss. Halos hindi ko mabilang kung ilang beses akong bumuntong hininga habang naghahanda. Ganon na lamang ang pag simangot ko nang natingnan ko ang sarili sa salamin. Kasi naman ay dapat ang excitement ko ay para kila Pat at Zachy ngayong gabi pero hindi ko naman kayang lokohin ang sarili ko na umaasa akong makikita ko si Agapi doon.

Kinuha ko ang clutch ko saka nag tungo sa pinto nang tumunog ang cellphone ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinuha ko ang clutch ko saka nag tungo sa pinto nang tumunog ang cellphone ko.

'Hmm?' Pag sagot ko.

'Hey love, where are you?' Si Marco.

'Papunta na sa party nila Pat. Are you there?' Nagpatuloy ako sa pagbaba habang kausap ko si Marco sa cellphone.

'Yup. Huwag ka na kaya mag drive? Sunduin nalang kita ako na rin ang maghahatid sa'yo.'

'Hindi na. Kaya ko naman. Sayang din yung kotse dito, hindi nagagamit.' Nagpakawala siya ng malalim na hininga saka lang pumayag.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now