CHAPTER FIVE

124 2 0
                                    

After four years...

Mortema's POV

'Mortema, anak! Wag mo kalimutan mag almusal bago ka umalis ha!' dinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng aking kwarto kaya naman lumabas na din ako.

'Aalis ka na?' tanong ko habang inaayos ang aking uniporme.

'Oo, kailangan ko ng mauna at naghihintay ang mga ka-meeting ko. Take care, okay? 'Wag na 'wag mong kalimutan lahat ng bilin at usapan natin, mortema. Naintindihan mo ba?' Nakapamewang pa ito.

'Opo.' sabi ko habang umiikot pa ang mata. Paulit-ulit kasi siya sa lahat ng mga sinasabi niya. Nung nasa Us naman kami ay mag isa din ako na pumapasok at nakisalamuha sa ibang tao at wala namang naging problema. Kahit paano. Matapos non ay umalis na siya at bumaba na din ako para dumerecho sa kainan. May nakahain na dito at ang bango bango ng pagkain. Nandoon din si Gabrielle at masayang kumakain ng kanyang sausage at sinangag.

'Ate, excited ka na ba sa pagpasok mo?' tanong nito habang pilit na nagsasalita nang may laman ang bibig.

'Medyo, kinakabahan nga ako. Kasi panibagong pag a-adjust nanaman ang kailangan kong gawin. Sana makita ko si buboy sa skwela para may mapagtanungan na din ako.' saka ako sumandok ng sinangag at tocino na nakahain.

'Wag kang masyadong magpapagod ha? Wag kang laro nang laro, Gab. Baka mapano ka pa.' paalala ko sa kanya.

'Para ka na rin palang si mama eh. Paulit ulit ka na din te.' natawa ako at hindi na umimik pa. Matapos ko kumain ay nagsepilyo lang ako at dumeretso na sa labas at nagpatawag ng tricycle. Ayaw ko na magpahatid pa sa driver kasi isang jeep at trike lang naman at nasa skwela na'ko. Mabuti na lamang at napa aga ang alis ko dahil hindi ako naabutan ng traffic. Pagkarating ko ay marami na ring mag aaral ang nagdadatingan. Kalimitan ay mga naka sasakyan. Nasa harap ako ngayon ng napakalaking gate ng aking iskwela. "North Western College" Sana maging mabuti ang kapalaran ko dito.

'Kuya, pwede magtanong?' sabi ko sa guard na naka tayo malapit sa gate.

'Ano po iyon, ma'am?' magalang naman na sabi nito.

'Saan po ang building na ito?' itinuro ko naman sa kanya ang maliit na papel na may nakalagay na "east wing blg 4"

'Ma'am, deretso lang po kayo tas sa gitna sa may pinaka malaking building ayun po ang east wing. Hanapin niyo nalang po ang room 4, may nakalagay naman po sa bawat pinto.' nagpasalamat ako sa kanya at umalis na. Nag deretso na'ko sa silid na dapat kong puntahan.

Pero bago pa ko makapasok napatigil ako dahil may nakita akong grupo ng mga babae na parang nagtatalo.

'Pwede ba Sammy! Wag kang feeling queenbee!!! Tapos na ang pagrereyna reynahan mo dahil hindi na ikaw ang reigning queen! Hindi ka na din gusto ni Agapi!' sabi ng isang pumuputok ang pisngi sa blush on. Akma namang susugod ang isa pang babae na tinawag niyang sammy pero napigilan siya ng dalawang lalaking tila umaaawat sa kanila.

'Hoy intrimitidang panget na feeling maganda, para sabihin ko sa'yo! Wala ka pa sa kalyo ko. Eh wala akong kalyo so wala ka talagang binatbat saken! Jennifer, tanggapin mo nalang, you are pathetically looser!' sigaw niya dito at saka sila nagrambulan. Pinabayaan na sila ng mga umaawat dahil tila wala naman silang balak tumigil. Kaso lang malalate na'ko. Nakaharang sila sa daanan ko. Nang mahimasmasan silang pareho ay tumigil sila at nagtitigan ng masama.

'Ughm, excuse me?' sabi ko matapos kalabitin ang babaeng blush on. Lumingon naman ang lahat sa akin at masamang tumitig sakin si blush on. Si Sammy naman ay parang nagulat na nakatingin sa akin.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz