CHAPTER FORTY SEVEN

116 1 0
                                    

'Anak, parating na ang tamang oras.' may pangamba sa boses ng aking ina.

'Pero Ina...' naluluha kong sambit. Lumapit  ang ama sa akin at marahang hinaplos ang aking mukha.

'Nangako ka sa kanila at ibinigay nila ang hiniling mong kapayapan. Huwag mong baliin ang iyong mga salita.' seryoso at puno ng pagbabanta ang tinig ng ama. Pinalis ko ang aking mga luha saka bumuntong hininga.

'Alam kong nahihirapan ka na anak, pero kailangan mong gawin ang tama at dapat.' pang aalo ng aking ina. Tanging pag tango lamang ang naisagot ko.

'Hihintay ka na namin.' bulong ng ama.

Nang imulat ko ang aking mata ay mataas na ang sikat ng araw. Agad kong tiningnan ang paligid, inaalam kung totoo ang mga nangyari o panaginip lamang pero nang ibaling ko ang tingin sa lalaking mahimbing na natutulog sa aking tabi ay agad din akong napa ngiti. Marahan kong hinaplos ang kaniyang mukha saka siya pinagmasdan. Totoong napaka gwapo niya. Kahit saang anggulo o kahit tulog ay talagang mapapahanga ang kahit na sino. Dahan dahan akong gumalaw saka akmang babangon na. Naramdaman ko pa rin ang pananakit ng aking katawan.

'Where are you going?' agad akong napatigil sa pag galaw at nilingon siya.

'Please don't leave me.' naluluha niyang sambit. Para naman akong sinaksak sa sakit na makitang ganon na lang siyang makiusap na para bang takot na takot na iwan ko siyang muli.

Agapi, I can't promise.

'Hindi ako aalis. Umaga na, Agapi.' nahihiya kong sambit. Hindi ako makatingin sa kanya ng matagal dahil naaalala ko ang nangyari kagabi.
Napatingin siya sa bintana bago muling bumaling sa akin at niyakap ako. Damang dama ko sa yakap niya ang kaligtasan at pagmamahal na tanging siya lang ang may kakayanan na magparamdam sa akin.

'Thank you, my Amare. Thank you for coming back to me.' madamdamin niyang saad.

'Thank you for accepting me, again.' sagot ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya saka siya hinalikan sa noo, sa pisngi, sa ilong at sa lahat ng parte ng mukha niya na hahanap hanapin ko pag dumating na ang panahon.

'Thank you for not giving up.' aniya. Matamis ang mga ngiti saka kinuha ang aking kamay at banayad na hinalikan.

'Thank you for choosing me, always.' saka niya ako muling niyakap.

Naunang lumabas si Agapi para maghanda ng almusal namin. Nang matapos ako sa pag aayos sa aking sarili ay pa ika-ika pa akong naglakad dahil masakit pa rin ang nasa pagitan ng mga hita ko. Suot ang malaking t-shirt ni Agapi na nagmistulang bestida sa akin ay lumabas ako ng kaniyang silid.  Pinagmasdan ko ang kaniyang condo unit at malaki ang pinagbago nito mula nung huli ko itong nakita. Mukha yatang pina ayos niya talaga ito.

'Tumawag na ako sa inyo. I told Tita Anna that you're with me.' sinabi niya 'yon habang iginigiya akong ma upo.

'Salamat.'
Pinag masdan ko siyang ayusin ang pagkain namin at saka ako masuyong pinagsilbihan. Maingat niyang inilapag ang plato ko na may lamang kanin, pancakes, bacon at hotdogs na para bang ganon ako kalakas kumain para maubos ang lahat ng iyon, napa ngiti na lang ako. Hindi naman niya napansin ang mga reaksyon ko dahil napaka seryoso niya at mukhang pinag iigihan ang giangawa. Ganon na lang  ang pag kunot talaga ng noo niya habang tinatantya ang paglalagay ng syrup sa isang saucer.

'Hey, ayaw mo ba ng food?' may pag aalala niyang tanong ng mapansin na hindi ako kumakain at naka tingin lang sa kanya.
Umiling ako saka sinimulan na din na kumain.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now