CHAPTER TWENTY FIVE

107 2 0
                                    

"If you truly love and care about someone as much as you claim, you never give up on them. No matter how difficult things might get, you will not get up and leave the second you don't like something."

Nang makabalik kami galing sa mga water activities ay dumeretso kami sa silid upang maligo at magbihis. Matapos namin kumain ng hapunan ay pinapunta kami ni Manaseh sa dalampasigan at sa ginawa nilang bonfire. Nakapalibot doon ang lahat ng miyembro ng mataas na antas. Magkakatabi naman kami nila agapi at ng mga kaibigan ko habang kaharap naman namin ang rulers. Masaya naming pinalipas ang oras sa kwentuhan at kantahan habang nag iinuman ang iba sa kanila. Kadalasan ay naging topic nila ang mga nakaraang taon nila sa skwela at ang masasayang karanasan bilang mataas na antas. Habang patuloy ang kantahan ay naramdaman ko na isinubsob ni agapi ang kanyang mukha sa leeg ko. Hindi naman sa ayaw ko ng ganito kami ka sweet pero kanina ko pa kasi napapansin ang nga tingin ng mga kasama namin. May mga naka ngiti lang dahil sa pagiging sweet ni Agapi, may ibang walang pakielam at nandoon naman yung tumitingin pero alam mong may iniisip kagaya ni sam, ni Pocholo at ng ibang rulers.

'Agapi, hindi ka ba iinom?'

Tanong sa kanya ni Oliver ng mapansin na hindi ito nakiki inom ng alak sa kanila.

'No.' sagot niya na hindi pa rin umaayos ng upo at nakayakap ang mga braso sa bewang ko.

'Why?' tanong ni Jake nang aasar

'Duh! Nasa iisang kwarto ang dalawang yan kaya bawal malasing si Agapi.'

Biglang singit naman ni Pat. Tanging kaming magkakaibigan at malalapit lang ang nakakarinig sa pinag uusapan namin dahil nagkakantahan ang ibang nandoon.

'It's okay, pwede naman ako doon kila Pat.'

Sabi ko kay Agapi.

'No.'

Yun pa rin ang naging sagot nito. Maya maya ay siniko ako ni Pat na nasa kanan ko.

'Bakit?'

Tanong ko habang bahagyang lumalapit pa sa kanya dahil hindi kami masyado magkaka rinigan.

'Ayos ka lang?'

Tanong niya.

'Oo, ayos naman.'

'Kanina pa kayo tinitingnan eh.'

Bigla ay sumingit si Jho na nasa tabi naman ni Pat.

'Hayaan nalang natin.'

Nang mas lumalim na ang gabi napansin namin na biglang nag aalisan na ang ibang miyembro.

'Teka, saan sila pupunta?'

Tanong ni Pat ng napansin na iilan na lang kaming natira. Umayos naman na ng upo si Agapi at doon napansin ang pag kaunti namin.

'May pupuntahan silang beach party sa bandang dulo ng isla.'

'And why is that hindi kami kasama?'

Maarteng sambit ni Pat na tinawanan at sinagot ni Zachy.

'Bawal daw doon ang tactless.'

Tila napikon naman si Pat sa komento niyang 'yon at tumayo pa ito saka siya hinarap ng naka pamewang pa.

'Excuse me, hindi ko kasalanan na alam kong nakipag break sayo yung ex mong akala mo naman sobrang ganda dahil kalat na kalat yon sa Campus.'

Natahimik si Zachy ng sabihin yon ni Pat. Minsan ay may ganyang ugali talaga siya, hindi nakakapag preno ang bibig niya pero mabait naman. Napaka kulit at may pagka taklesa nga lang talaga. Umupo naman siya ulit matapos mapansin na natahimik si Zachy.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now