CHAPTER FORTY NINE

118 2 0
                                    

Nagpatuloy ang kasiyahan sa loob ng masyon sa The place. Patuloy ang kwentuhan, asaran, tawanan, kantahan at kainan na para bang wala kaming palugit. Mabilis na pinlano ni Agapi ang lahat ng ito at kahilingan niya na dito sa Tagaytay kami mag lagi hanggang sa matapos ang tatlong araw. Sinabi na din niya sa mga kaibigan namin ang tungkol sa sitwasyon ko. Pilit man nilang itago sa mga ngiti at kwento nila ay alam at nararamdaman ko ang lungkot nila. Punong puno ang mga mata nila ng mga bagay na na nais nilang itanong pero dahil ayaw masira ang masayang sandali ay hindi muna nila nabanggit ang tungkol sa aking pag alis.

'Tomorrow is your big day.' saad ni Pocholo saka inabot sa akin ang isang inumin.

'Pinangarap kong maikasal pero hindi ko inakala na mangyayari 'yon at sa lalaking pinakamamahal ko pa.' nakangiting sagot ko.

'Ouch!' sagot niya habang hawak pa ang kaniyang dibdib na animong nasaktan talaga. Napanguso ako.

'Joke lang!' saka sabay kaming natawa.

Tinitigan ko si Pocholo at pinagmasdan ang kabuuan niya.

'Hindi ka na basag ulo gaya ng dati. Ibang iba ka na ngayon ah! Lalo kang gumwapo.' pamumuri ko sa kanya.

'Kahit naman gaano ako ka gwapo ay hindi ako magugustuhan ng babaeng mahal ko.' nagulat ako sa bigla niyang pagseseryoso.

'Pocholo..'

mahinang ani ko.

'Alam mo ba kung bakit hindi ka mahirap mahalin?' tanong nito. Hindi ako naka sagot at mataman na tumingin lang sa kaniya.

'Kasi kahit hindi ka perpekto at marami kang kakulangan ay hindi naging hadlang sa'yo 'yon para ipakita kung sino ka talaga.' sinabi niya 'yon habang titig na titig sa akin.

'Mahal kita, Pocholo.' naka ngusong sagot ko.

'Pero mas mahal mo siya,' saka tingin kay Agapi na abala ngayon sa pag hahanda sa magaganap na kasal bukas.

'Tanggap ko na naman. Masayang masaya ako para sa inyo, lalo na para sa kanya. Ang tagal niyang nasaktan dahil sa maling pag ibig. Ang tagal niyang naghintay para sa tamang pagmamahal, ang tagal ka niyang hinintay.' naka ngiti niyang sambit.

Ininom ko ang juice na ibinigay sa akin ni Pocholo at saka ibinalik ang tingin kay Agapi na eksaktong nilingon ako at nagbigay ng matamis na ngiti.

'Ang tagal naming hinitay ang mga ngiting 'yan. Ikaw lang ang nakakapag paligaya sa kaniya ng ganyan.'

tumango ako sa kaniya.

'Siya din naman ang kaligayahan ako.' siya naman ang tumango saka muling nang salita matapos ang mahaba naming katahimikan.

'Dalawang araw nalang ang mayroon kayo. Sana sa dalawang araw na 'yon ay maituro mo sa kanya ang ngumiti pa rin kahit wala ka na.' Muli akong tumango.

'Pocholo, kumain ka na.' hindi namin inasahan ang paglapit ni Elle na may dalang pagkain at inabot kay Pocholo. Tinanggap naman niya 'yon saka lumingon sa akin si Elle at ngumiti.

'Thank you, Elle.' baling sa kaniya ni Pocholo. Tumango lang si Elle saka umalis din.

'Wala ba siyang pag asa talaga?' tanong ko nang makalayo na ito sa amin. Napa buntong hininga siya habang nilalaro ang pasta na nasa pinggan.

'I don't want to be unfair with her, Mortema. Elle is perfect. She's kind, beautiful and smart. She doesn't deserve someone like me. But I'm always praying to the Lord to let her meet the right man for her.'

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now