CHAPTER TWENTY SEVEN

102 2 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong gumising upang mag handa sa pag pasok. Ngayon ang unang araw ng ikalawang semestre at may naisip akong gawin kaya naman maaga akong bumangon kahit tanghali pa ang klase ko ayon sa bago kong schedule. Nagpatulong ako sa mga kasama namin sa bahay na mag luto ng spaghetti. Nagpabili din ako ng cake kay Mang Bert. Wala namang okasyon pero gusto kong bumisita sa rulers. Matagal na ang naging huli kong bisita sa kanila at gusto ko sana na pagaanin ang loob nila kahit sa ganitong kaliit na paraan lamang. Nang maiayos namin ang lahat at mailagay sa maayos na lalagyan ay umakyat na ako upang makapag handa. Eksakto lamang ang oras na natapos ako. Wala ngayon si Anna dahil may pasok ito sa trabaho.
Maya maya lang ay kumatok na si Manang Rosa.

'Mortema, Iha. Nasa baba na si Agapi.'

'Bababa na po ako.'
Isang simpleng pantalon at t-shirt naman ang sinuot ko na tinernuhan ko ng paborito kong boots. Hinayaan ko na lamang ang buhok ko na nakalugay saka ko kinuha ang bag ko at bumaba. Habang pababa sa hagdan ay nakita ko si Agapi na naka plain black shirt at pants lang pero naghuhumiyaw ang ka gwapuhan niya. Isang linggo muna kaming mag cicivilan bago kami muling required na magsuot ng uniporme.

'Hey, beautiful.' bati niya saka humalik sa labi ko. Hindi na ako nakapag react dahil sa gulat.

'Mortema, ipapalagay ko na ba ang mga ito sa sasakyan ni Agapi?'
Tanong ni manang kaya naman nabaling ang atensyon namin sa kanya.

'Ayos lang ba?' tanong ko kay Agapi.

'Ahh, Sige po manang.' siya na ang sumagot.

Magkahawak kamay kaming sumunod kay Mang Bert na dala ang mga hinanda namin.

'Ano 'yon?'

tanong niya habang binubuksan ang pinto sa likod ng sasakyan niya.

'Ahh, may pagbibigyan lang ako.'

Hindi na naman siya nagtanong pa at pinagbuksan na ako ng pinto. Maya maya lang ay nagmamaneho na siya papunta sa skwela.

Gusto ko sana siyang tanggihan kasi gusto kong manatili ng matagal sa hideout pero hindi ko kayang sabihin sa kanya ng personal dahil baka hindi niya ako payagan at pag awayan pa namin. Siguro ay mag tetext nalang ako sa kanya mamaya.

'Sige.'

Nang makarating kami sa skwela ay panay nanaman ang lingon sa amin ng mga studyante. Siguro ay kailangan ko ng masanay lalo na kapag ai Agapi ang kasama ko. Nang marating ang silid ko sa unang klase ay humarap ito sa akin. Kinuha ko naman sa kanya ang mga dalahin ko.

'Mag text ka kung may pagkakataon ka ha?'
Tumango lang ako at saka niya ako hinalikan sa noo. Nahiya naman ako kasi alam kong may ibang mga nakatingin sa amin.

'See you later, mahal ko.'
Nang maka alis siya ay pumasok ako at marahang nilagay sa mesa ko ang mga dala ko. Inilibot ko ang tingin ko sa silid at doon ko napagtanto na hindi ko kaklase ang isa sa magkapatid o kahit manlang isa sa kakilala ko. Dumating ang propesor namin at saglit na nagpakailala. Ang tanging ginawa namin ay isa isa ding ipakilala ang sarili namin. Tatlong oras dapat ang klase na 'yon pero wala pang isang oras ay dinismiss na kami kaya naman dali dali kong kinuha ang ang aking cellphone at nag padala ng mensahe kay Jiz

To Jiz:
Na saan kayo?

Mabilis din namang tumunog ang cellphone ko.
From Jiz:
Hide out, princess. :)

Tinago ko na ang cellphone ko saka kinuha ang mga dalahin ko at mabilis na lumabas sa silid. Hindi ko alam pero sabik na sabik akong makapunta muli sa hideout. Namiss ko talaga doon at pati na rin sila. Masaya para sa akin ang mga naging ala ala namin doon. Marami kaming bagay na napagkwentuhan at kung anu anong pagkain ang ibinibigay nila sa akin na nagustuhan ko naman. Kapag nandoon ako ay ramdam ko talagang prinsesa ang turing nila sa akin. Tinahak ko ang daan patungo sa hideout at walang ibang inisip kung hindi ang pananabik kong makita sila. Sana ay matuwa sila sa munting pagpapalakas ko ng loob nila.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now