CHAPTER THIRTEEN

95 2 0
                                    


Matapos kong magpalit ay nagpaalam na din ako sa kanila na aalis na. Ayaw ko na muna magtagal doon kahit pa aaminin kong masaya ako sa tuwing kasama sila. Isa pa ay magtatanghalian na ayaw kong mag alala nanaman ang magkapatid at baka hanapin nanaman nila ako lalo pa't alam nilang sabay sabay kaming kakain. Nagtungo ako sa baba ng building namin kanina at saktong kabababa lamang ng mga kaklase namin. Nakita naman ako agad ni Rexielle kaya nagtungo din sila sa akin.

'Ayos ka lang? Mabuti na lang nakapagpalit ka na.' Nakangiti nitong sambit ng tuluyang makalapit sa akin.

'San ka nakakuha ng uniform?' tanong ni Jurilyn

'Ahh, sa locker ko. May extra pa pala doon.' Tiningnan naman ako ni Jurilyn ng mapang asar.

'Hahahaha. Sabihin mo na, nagpunta ka nanaman siguro sa hideout ng rulers no?'

'Huh?'

'Ang laki laki ng pe mo! Halatang panlalaki at isa pa,Nakalimutan mo na bang may apelyido ang mga pe shirt natin? Ayan o! Abueva!'

sabay turo nito sa gilid ng pe shirt na suot ko. Parang binuhusan nanaman ako ng tubig. Hindi ko naisip iyon. Baka may makakita sa akin iba nanaman ang iisipin nila.
Nakayuko ako. Nakakahiya nag sinungaling ako sa kanila.

'Sorry.' nahihiya kong sambit sa kanila.

'Alam namin na nagpunta ka doon nung nakaraan. Hindi mo kailangan itago saamin. Kumalat yon sa buong campus kaya kung anu anong issues ang lumabas tungkol sayo, te. Wala kasing kahit na sino ang nakapunta doon na babae. Kahit sino kahit si Sammy.'

paliwanag ni Rexielle. Wala silang tinatanggap na babae don?

'Eto oh. Sayo muna itong blazer ko. Para matakpan yang apelyido sa gilid.' sambit ni rexielle saka isinuot sa akin ang blazer niya.

'Thank you, Rex.'

Matapos non ay natungo na kami sa Cafeteria upang kumain. Pagka upong pagka upo namin ay tumahimik ang paligid. Lahat sila ay nakatingin sa akin ngayon. Naguguluhan naman ako kung bakit bigla silang naging ganon.

'Ahh, wag nalang natin pansinin, Mortema. Ako na ang oorder. Ano ang sa iyo?' tanong ni Jurilyn

'Kung ano ang bibilhin mo, ayun na din ang sa akin.' pilit na ngiti na sambit ko naman dito.

Pagka alis niya ay akala ko magiging maayos na at babalik na sa pagkain ang mga studyante sa loob ng Cafeteria. Maya maya ay niglang nagsalita ang isang babaeng punong puno ng make up ang mukha at maiksi ang palda. Sa asta niya ay mukhang tourism student siya.

'Guys, do you wanna have some fun, while eating?' malakas na tanong nito habang naka tungtong sa upuan at nakapamewang. Naghiyawan naman ang lahat sa tanong niyang iyon.

'Okay, Hit the target!'

Nagulat ako ng bigla nilang ipagbabato ang lahat ng klase ng pagkain na meron sila sa akin. Agad naman na umiwas ako sa mga ito. Napaka kalat na ng buong paligid at nakikita kong inihaharang din ni Rexielle ang kanyang sarili sa akin. Nanlalagkit naman ako sa ibang pagkain na tumatama sakin at agad na isinasalag ang aking kamay. Maya maya ay naramdaman naming dumating si Jurilyn sa tabi namin.

'Hey, STOP!'

sigaw niya sa mga ito. Naalala ko, mataas nga din pala ang antas niya. Tumigil naman ang mga ito.

'Tama na, pwede ba? Pakainin niyo na ng matiwasay yung tao. Nakabato na kayo!' inis na sigaw niya sa mga ito.

'Okay ka lang?' tanong sa akin ni Rex at tumango lamang ako bilang sagot.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now