CHAPTER TWO

133 3 0
                                    

Maaga akong nagising at iginala ang paningin ko sa aking silid upang hanapin si Acacia. Ngunit wala na ito sa aming higaan kaya naman tumayo na ako at akmang lalabas nang biglang pumasok si Acacia dala ang aking pagkain at kagamitan sa pag aayos.

'P-Paumanhin prinsesa, Akala ko ay natutulog ka pa kaya hindi na ako humingi ng pahintulot sa pagpasok.'
Sabi niya habang may takot sa kanyang tinig.

'Wala kang dapat ikabahala, Acacia.'

Natapos ko ang pag aayos at pagkain. Kasalukuyan na akong sinusuklayan ni Acacia ngayon habang nakatapat sa isang malaking salamin.

'Ikaw ang pinaka magandang binibining nakilala ko, Prinsesa.  Kaya hindi na makapaghitay ang Duke Ibaro sa inyong pag iisang dibdib'
sabi niya ng nakangiti pa.

'Ang lahat ng nilalang, mortal man o imortal ay may taglay na kagandahan, Acacia. Kagandahang panlabas, kagandahan ng talento, kagandahan ng galing at kagandahan ng puso.'

'Mukhang nasa iyo ang lahat, prinsesa.'

'Acacia, maging ikaw ay maganda. Kinakailangan mo lamang maniwala.' saad ko matapos niyang ayusin ang aking buhok.

Lumabas na si Acacia at marami pa daw siyang aasikasuhin kaya naman napagdesisyunan ko ding lumabas muna upang magpahangin. Habang naglalakad ako sa kakahuyan ng aming palati ay may naaninag akong anino. Anino ng isang babae, kataka-taka na parang nagmamatyag ito sa akin. Hinawakan ko ang aking pana at naghanda sa maaari nitong pag atake. Sinundan ko lamang ito hanggang sa namataan ko ang aking sarili na tumatakbo papasok sa isang masukal na kagubatan. Patuloy lang ang pagtakbo ko habang nilalamon ng kaba ang dibdib ko. Napakaraming tanong ang bumabagabag sa isip ko at laking gulat ko nang biglang nawalang parang bula ang anino. 'San nagpunta yon? Napakabilis.'

Pumihit ako patalikod at umastang lalabas na ng lugar na iyon nang bigla na lamang akong nahulog sa isang balon. Wala akong nagawa kung hindi ang sumigaw. Napakalalim nito at hindi ko alam lung saan ako dadalhin. Napakatagal ng naging paglalakbay ko sa balon na ito hanggang sa maramdaman kong nasa lupa ako at naramdaman ko ang sakit ng aking pagkakasubsob at tumama ang aking ulo sa isang matigas na bagay. At nagdilim na ang buong paningin ko.

ANNA'S POV
(Palati ng buhay o Earth)

Namamalengke ako nang bigla akong makaramdam ng pagtaas ng balahibo ko. Nanginig bigla ang kamay at tuhod ko. Bagay na matagal na panahon na bago ko naramdaman muli. Nagmamadali kong tinapos ang pamamalengke dahil kinakailangan ko makabalik ng ospital para sa aking anak. Pero natigil ako ng sa gilid ng mata ko ay nakita kong may nagmamatiyag sa akin. Sinulyapan ko ito at nakita ko ang pamilyar na anino. Sinundan ko ito. Pabilis nang pabilis ang mga naging galaw nito hanggang sa nawalang bigla at nagulat ako sa isang dalagang nakahandusay sa aking harapan at tila walang malay. Nakita ko ang pagkislap ng kwintas na suot nito. 'Sino ka? Ano ang ginagawa mo sa palati namin?'

Mortema's POV

Nagising ako sa kakaibang liwanag na tumatama sa balat ko, pakiramdam ko ay kaya nitong lusawin ang balat ko. Liwanag? Bagay na wala sa aming palati. Napabalikwas ako ng tayo at pinilit na buksan ang aking mga mata at hindi nga ako nagkakamali, wala ako sa aming palati. Inilibot ko ang aking paningin at nakakita ako ng mga puno ngunit sa halip na itim ay berde ang kukay nito, maraming mortal na naglalakad at maiingay na sasakyan. O-O Paanong nangyaring nasa palati ako ng buhay?!

'Ano ang ginagawa mo dito? Sino ka?'
Agad kong nilingon ang isang babae na tila kanina pa ako pinagmamasdan. Sa tancha ko ay magkasing edad sila halos ng aking Ina. Kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig niya. Nagtatanong. Nagtataka. May nalalaman.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now