CHAPTER THIRTY THREE

106 2 0
                                    

Agapi's POV
Nakatayo ako ngayon sa labas ng classroom nila Mortema para sunduin siya. Nang makita niya ako ay ngumiti siya.

Ang mga ngiting nagbibigay ng lakas sa akin. Simula nang maging kaming dalawa halos walang paglagyan ang saya sa puso ko. Halos araw araw ay ipinagpapasalamat ko sa taas na nakilala ko siya. Binuo niya ako, tinanggap niya ako at minahal kung sino ako. Lahat sa kanya ay gusto ko. Mahal na mahal ko siya kaya kahit magulang ko ay handa kong kalabanin.

'Kanina ka pa?' malambing niyang tanong.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya sa labi. Mabilis lang pero sapat para mag umapaw ang tuwa sa kaloob looban ko.

'Agapi!' singhal niya sa akin at pulang pula na ang mukha niya.

Hahaha Mortema ko!

'What?' Maang maangan kong tanong. Tama lang ang ginawa ko dahil kanina ko pa napapansin ang mga lalaking kanina pa siya tinitingnan lalo na nung naglalakad siya.

Sexy ang girlfriend ko at alam na alam ko 'yon kaya naiinis ako sa tuwing naka uniform ito dahil kitang kita sa skirt niya ang hubog ng katawan niya. Ang sasarap nilang suntukin!

'Ang daming tao dito! Nakakahiya!'
Namumula pa din ito at hindi makatingin sa akin ng deretso.

'So anong gusto mo? Yung tayo lang dalawa?' mapang asar kong tanong kaya lalo itong nainis.

'Nakakainis ka! Hinintay mo ko para asarin? Nakakatuwa!'

Hindi ko na napigilang tumawa at nauna naman siya sa aking maglakad kaya humabol ako.

'Mahal ko!' sigaw ko at marami ang napatingin sa amin.

Napansin niya 'yon kaya dahil sa hiya ay tumigil siya sa paglalakad at hinintay ako.

'Nakakainis ka talaga!'

'Sorry na, mahal ko. Ikaw kase eh! Ayaw mo akong hintayin.'

Umirap lang siya saka kami naglakad ng sabay. Hinawakan ko ang kamay niya at magka holding hands kaming naglakad habang mas taas noo pa ako. Bakit ba? Gusto kong ibalandra ang girlfriend ko. Gusto kong ipagmalaki na akin lang siya. Habang naglalakad kami ay hinahaplos ko pa ang daliri niya na suot ang sing sing na kaparehas nung akin.

'Masyado kang masaya ngayon ha! Wala kang sumpong?'

Mapang asar niyang tanong

'Kasama na kita kaya wala na.'

'Tss.'

'Totoo nga, mahal ko!'

'Hinaan mo naman ang boses mo!' sita niya sa akin habang lumilinga sa paligid niya.

'Bakit ba? Wala akong pakielam sa kanila, mahal ko. Basta mahal kita at alam na nila 'yon.'

'Tumigil ka na nga!'

Tumawa lang ako. Gustong gusto ko ang inaasar siya at mapipikon.

'Saan tayo?'

'Doon ka muna sa office ko, may tatapusin lang ako.'

Bwisit kasing mga paper works! Hindi na natapos tapos! Sagabal siya sa babe time namin!

''Seryoso ka ba? Sinundo mo ako para pag hintayin sa opisina mo? Pwede naman akong sa umbrella nalang o sa library.'

'Ayaw ko! Doon ka sa loob ng opisina ko para nakikita at nababantayan ko.'

Tumawa naman siya at musika 'yon sa tenga ko. Napaka ganda niya at parang wala akong ibang nakikita pag siya na ang tumatawa para bang minsan lang 'yon kaya kailangan mong lubusin.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now