CHAPTER SIXTEEN

103 2 0
                                    

Sabado na ngayon. Mabuti na lamang at wala ang propesor namin dahil may seminar daw ito kaya naman hindi ko na kailangan pumasok sa skwela dahil siya lang naman ang subject ko ngayon. Nakauwi na si Anna kahapon galing sa kung saan saang bansa at masaya kami ni Gab dahil sa wakas ay nandito na siya. Nabanggit ko na din sa kanya ang tungkol sa party mamaya. Siya na daw ang bahala sa susuotin at mag aayos sa akin. Kahit papaano ay nakatulong yon ngunit hanggang ngayon ay problemado ako. Iniisip ko pa din kung paano mamaya. Makikita ng lahat na magkasama kami ni Agapi at siya pa ang susundo at maghahatid sa akin. Kung bakit ako ang date niya? hindi pa din nasasagot ang tanong kong yon. Sa nakalipas na dalawang araw ay hindi ko naitanong kay Agapi kung bakit ako ang niyaya niya at hindi si Sam. Nagkakasama kami sa klase pero tumatabi lang ito sa amin ng magkapatid at hindi naman ako iniimik. Naisip ko nga na wag na lamang pumunta at magpanggap na may sakit kaso laging sumasabay sa amin mananghalian ang rulers kaya naman palagi naming napag uusapan ang tungkol doon kaya alam kong malulungkot at magtatampo si Jiz. Mas naging malapit ako sa kanila. Nararamdaman ko masaya ako sa tuwing kasama ko sila pero syempre wirdo pa rin si Pocholo. Kada uwian ay hinihintay niya pa ako na makasakay. Kitang kita ko na tinatanaw niya ako saka sasakay sa sasakyan niya. Si Elle? Madalas pa rin ang pagtingin niya ng masama pero hanggang doon na lang naman.

Nabalik ako sa realidad mula sa pag iisip ko ng may narinig akong katok. Agad ko din naman itong binuksan.

'Mortema.'
Si Anna pala. Dumeretso siya sa aking kama at naupo dito. May dala dala itong tatlong klase ng gown.

'Nagpahanap ako sa mga kaibigan kong designers, hindi ko kasi nalaman agad edi sana pinasadyaan kita. Pero nagbigay naman sila ng mga gawa na. Heto at mamili ka.'

sabay pakita sa akin ng mga gown. Tatlong klase iyon. Ang isa ay mahaba at alam kong body fit iyon. Kulay pula at tube ang itaas. May slit din ito. Masyadong sexy ang isang iyon. Ang sunod naman ay kulay asul at silver na ball gown. Off shoulder naman ang disenyo non at napakaganda din. Ang huli ay kulay itim. Body fit ito pero turtle neck. Abot hanggang ilalim ng tuhod ang haba at bukas ang likod. Lahat ng gowns ay magaganda at sopistikada sa paningin. Nilagay ko ang aking hintuturo sa baba ko na animong nag iisip.

'Heto na lang po ang susuotin ko.' turo ko sa kulay itim. Ito kasi ang pinaka simple at hindi masyadong revealing.

'Sabi ko na nga ba at ayan ang pililiin mo. Anyway, ayaw mo nitong pula? panigurado ang lahat ay mapapalingon sayo pag sinuot mo to. Bagay na bagay to sayo.'

'Mama, hindi ako ang may kaarawan para maging sentro ng atensyon no! At isa pa, nakakahiya isuot yan.'

'At bakit naman? Ako ang kilalang mama mo at dahil don, maganda ka, mabait at sexy. Mana ka saken no!'

Natawa na lamang ako sa inasta niya. Napaka swerte ko kay Anna.
Maya maya ay may naitanong na siya at natigilan ako.

'Ipapahatid kita kay Mang Bert ha? Anong oras nga pala ang party?'

Pambihira! Hindi ko nga pala nasabi sa kanya!

'Ahh, ma. Ano, may susundo kasi saken.'

'Sino? yung magkapatid? Sabay sabay ba kayong pupunta?'

'Ahh hindi. Si A-agapi.'

Kumunot ang noo ni anna. Pero agad din naman siyang naka recover.

'Bakit siya ang susundo sayo? Pwede naman kita ipahatid.'

'Ano kase, niyaya niya akong maging date niya.'
Matapos non ay nag iwas na lang ako ng tingin. Kinuha ko ang gown at kunwaring sinisipat yon na kunwaring hindi big deal ang sinabi ko pero sa loob loob ko kinakabahan ako sa iisipin ni Anna at sa maaaring itanong niya.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now