CHAPTER TWENTY FOUR

106 2 0
                                    

Halos mapaigtad ako sa lakas ng katok sa pinto ng kwarto ko kaya naman napilitan akong bumangon at nakita ko si Anna na nakapamewang sa labas non.

'Kanina pa ako katok ng katok, napakatagal mo namang gumising! Ilalagay ko pa ang mga ito sa bag mo, kumilos ka na nga!'

Napatingin ako sa orasan at tumataginting na alas kwatro palang ng madaling araw. Binalingan ko ng tingin si Anna at nandoon na siya sa kama ko habang inaayos ang mga gamit na dadalhin ko para sa outing.

'Ma, alas kwatro? Seryoso ka ba?'

Sarkastiko kong tanong dito. Kakatapos lang ng semestre at naging abala ako sa mga naging requirements kaya naman ngayon lang ako magkakaroon ng kumpletong tulog SANA at heto siya napaka agang naninigaw. Hindi niya inalis ang paningin sa mga inaayos niya saka ako sinagot.

'Aba, mag aayos ka pa, bibilinan pa kita ng mga kailangan mong tandaan, tatlong araw kayo don kaya naman hindi ka pwedeng basta basta! Saka kakain ka pa ng almusal diba? Alas sais ang call time niyo.'

Bumalik ako sa kama at akmang hihiga muli ng hilahin niya ako patayo.

'Ano ba! Bumangon ka na nga! Sisinturunin kita diyan! Isa!'

Pambihira! Mukhang wala na akong magagawa kaya naman tumayo na ako at tinulungan siyang mag ayos ng gamit. Kung anu ano ang mga pinadala niya sa aking gamit at syempre ang walang katapusan na mga bilin niya. Nakinig na lamang ako dahil alam ko naman na para din sa akin yon, kita ko rin naman sa kanya na nag aalala siya dahil ito ang unang beses na pinayagan niya akong mapalayo sa kanya ng medyo matagal.

'Ma, magiging ayos lang ako. Pangako.'

sambit ko dito saka ito tumahimik sa pagsasalita at napa buntong hininga. Hindi nga ako nagkakamali kaya ito ganito ngayon ay dahil nag aalala ito sa akin.

'Just make sure, itatawag mo sa akin kung may problema, susunduin kita agad doon.'

Tumango lamang ako at matapos ang halos isang oras ay iniwan na din niya ako kaya naman nag ayos na din ako saka bumaba para mag agahan. Maya maya lang ay dumating an din si Agapi, agad naman siyang sinalubong ng bati ni Gab at gayun din nila Anna. Kinuha niya ang gamit ko saka iyon dinala sa sasakyan niya ng makabalik siya ay saka nagsalita si Anna.

'Ipagkakatiwala ko sa'yo ang anak ko Agapi. Just make sure na walang mangyayaring masama sa kanya dahil pag nagka taon hindi ka na makaka apak sa pamamahay ko.'

Napatingin ako kay Anna at hindi niya naman ako pinansin. Kahit kelan talaga!

'I will definitely remember that, tita.'

Nag paalam na kami at akmang lalabas na ng maalala ko na nasa akin pala ang ID ni Agapi kaya naman pumasok muli ako para balikan sana at agad naman akong hinarang ni Anna.

'O, bakit? May nakalimutan ka?'

'Ma, naiwan ko yung ID ni Agapi sa kwarto.'

'Ako na ang kukuha, nasaan ba?'

'Nasa bedside table po.'

Agad naman itong tumalikod at umakyat sa kwarto ko, pumasok naman kami muli ni Agapi at hinintay siya sa living room. Nang nakababa si Anna ay hawak na nito ang Id pero parang balisa ang itsura nito at malalim ang iniisip.

'H-heto'

abot niya sa akin ng ID at nakita kong mukhang may problema si Anna.

'Ayos ka lang ba, mama?'

Tumingin ito kay Agapi, ganon pa din ang ekspresyon ng mukha niya saka nagsalita.

'Agapi Dela Cruz? Dela Cruz ang apelyido mo?'

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now