CHAPTER SEVENTEEN

99 2 0
                                    

Monday. Hindi na nakakapagtaka kung bakit pakiramdam ko ay ang dami daming taong nakatingin sa akin ngayong kakapasok ko pa lang sa skwela. Malamang narinig na nila ang mga nangyari doon sa party. Ang iba pa nga ay nandoon. Naguguluhan pa din ako sa kung anong nangyayari o ano pa ang mangyayari sa ginawang pag amin ni Agapi. Pero ayokong pagbuhusan iyon ng atensyon.

"I like you, mortema. Nasasaktan ako kasi nagseselos ako. Pakiramdam ko kasi hindi pa ako nag sisimula, talo na ako. I'm just so scared na maagaw ka saken ng iba. You're not yet officially mine pero gusto ko, akin ka lang."

"I like you, mortema. Nasasaktan ako kasi nagseselos ako. Pakiramdam ko kasi hindi pa ako nag sisimula, talo na ako. I'm just so scared na maagaw ka saken ng iba. You're not yet officially mine pero gusto ko, akin ka lang."

"I like you, mortema. Nasasaktan ako kasi nagseselos ako. Pakiramdam ko kasi hindi pa ako nag sisimula, talo na ako. I'm just so scared na maagaw ka saken ng iba. You're not yet officially mine pero gusto ko, akin ka lang."

Paulit ulit na tumakbo yan sa isip ko sa nagdaang araw. Napaisip ako sa mga sinasabi niya. Gusto niya kaya talaga ako? o baka naman nakikita niya lang akong dahilan para makipagkompetensiya kay Pocholo? Yun kasi ang naging dating sa akin nung inalisa ko ng mabuti ang mga sinabi niya. Hindi kami magkasundo. Noong mga nagkasama kami mas lamang pa nga na nagsisigawan kami kaysa ang nagusap ng matino. Gayunpaman, sa tingin ko hindi naman masama na kahit paano ay pagduduhan ko ang mga sinabi niya. Masyadong mabilis ang naging takbo ng lahat. At isa pa, hindi ko alam ang ganoong bagay. Paano ba magmahal sa mundo ng mga mortal? Kaya ko nga bang magmahal gayong alam kong anumang oras ay lilisanin ko ang lugar na ito. Nalilihis ako sa mga naging plano ko. Gusto kong mamuhay bilang normal upang maranasan ang mundong ito, mundong malayo sa meron ako. Huwag naman sana akong pikutin ng tadhana baka kasi hindi ko kaya.

Pagpasok ko sa silid namin ay ganon pa din.. Usap usapan pa din ako. Pambihira! Iba talaga! Hindi ko na lamang pinansin at nagderecho sa upuan ko agad ko namang narinig ang matinis na boses ni Rex

'Mortemaaaaa!!!'

'Uyyy ang ingay mo!'

nangingiti kong sabi sa kanya. Ngumuso naman siya. Kahit kelan parang bata.

'Kamusta naman ang star of the night?'

tanong ni Jurilyn.

'Ano bang sinasabi mo?'

'Hahahaha, talk of the town ka nanaman!'

Hindi na ako umimik.

'Kayo na ba ni Agapi?'

Agad na tanong ni Jurilyn ng natahimik ako. Siguro naman ay mapagkakatiwalaan ko sila kaya ikinuwento ko ang nangyaring pag amin ni Agapi at kung anong naging tingin ko doon.

'Sabagay, may point ka naman. Pero feeling ko din gusto ka niya talaga. Mahirap kasi basahin si Agapi eh. Sa mga actions niya sayo, hindi kasi siya ganon dati kay Sam. Iba eh, ibang iba kaya hindi ko ma confirm den.'

Bumuntong hininga ako matapos sabihin yon ni Jho.

'Eh paano si Pocholo?'

Tanong ni Rex.

'O, ano si Pocholo?'

'Hoy, maganda ka pero wag kang pa catriona ha! Alam kong ramdam mo din te na may gusto sayo yung tao.'

'Ewan, wala naman siyang sinasabi eh. Saka isa pa, nakalimutan niyo na ba? Ayaw sakin ng isang yon. Sinapak pa nga ako. I don't think he's interested.'

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now