CHAPTER NINE

107 2 0
                                    

Nagising ako sa mahigpit na mga yakap ni Agapi. Maging ang mga paa niya ay nakadagan sa akin na para bang tatakasan ko siya. Napa ngiti ako at maingat na gumalaw paharap sa kanya. Bahagya din siyang gumalaw pero hindi tinanggal ang pagkakayakap at ipit sa akin. Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha at hindi ko mapigilang napangiti kapag nakikita kong napaka gwapo niya. Kahit natutulog ay mukhang masungit pa rin.
Hindi ako inatake ng panaginip ko kagabi kaya ang saya saya ko na magising. Napatingin ako sa bintana at napansin kong maliwanag na. Inangat ko ang kamay niya ng dahan dahan upang bumangon sana ng hindi siya nagigising pero nabigo ako.

'Saan ka pupunta?' tanong nito sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at niyakap niya naman ako pabalik para bang ayaw akong paalisin.

'Agapi. Umaga na.'

Hindi pa rin siya gumalaw kaya tinapik ko ang kamay niya.

'Sandali lang.' pumikit siyang muki kaya hinayaan ko nalang at isiniksik din ang sarili ko sa dibdib niya.

'Magandang umaga, Agapi.'

Nabigla ako ng hinalikan niya ang noo ko.

'Good morning mahal ko.'

'Hindi pa ba tayo tatayo?'

'Nakatayo na, kagabi pa.' pilyong sambit niya at nang tuluyan kong maintindihan ang nais niyang sabihin ay pinaghahampas ko ang kanyang dibdib

'Napaka bastos mo!' singhal ko sa kanya at tumawa lang siya ng tumawa. Maya maya pa ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko para matigil ang pag hampas ko sa kanya saka ako hiniga sa kama at pumaibabaw sa akin.

'H-hoy Agapi. Tatamaan ka talaga sa'ken.' pananakot ko dito pero alam kong binigo din ako ng sarili kong boses.

'Talaga? Sinong tinakot mo?' mapang asar pa ring aniya habang naka silay pa rin ang pilyong ngiti. Pambihira!!!

Maya maya ay biglang lumamya ang mga mata niya at tumitig sa akin saka unti unting ibinaba ang tingin sa labi ko. Hindi ko na mabilang kung naka ilang lunok na ako at kung gaano ako kinakabahan sa posisyon naming ito.
Magsasalita sana ako pero pinigil na ko ng labi niya. Ilang segundo ang tumagal bago ko tugunan ang mga halik niyang iyon. Sa umpisa ay banayad at maingat ang halik niya. Ngunit hindi nagtagal ay naging malikot ang mga kamay niya at naramdaman ko ang kakaibang intensidad ng nga halik niya. Bumaba ang halik niya sa pisngi ko hanggang sa maramdaman ko 'yon sa leeg ko. Gustong gusto ko siyang pigilan dahil may kakaibang emosyon sa akin na gustong kumawala.

'A-agapi'

gusto kong takpan ang bibig ko dahil imbes na pagtutol ay iba ang naging dating ng daing na 'yon.

Nang bumaba sa dibdib ko ang mga halik niya ay tumigil siya. Nakita kong kumuyom ang mga kamao niya. Saka isinubsob ang mukha niya sa leeg ko.
'Agapi.'

muling tawag ko sa kanya at ilang segundo ay umalis siya sa pagkakaibabaw sa akin at naupo. Nakita ko kung paano niya ginulo ang buhok niya.

'I'm sorry, Mortema.'

Umupo na din ako sa tabi niya. Maaaring bago ako sa mundong ito pero mulat ako sa ganoong klase ng emosyon. Alam ko at naramdaman ko ang gusto niyang mangyari at nagpapasalamat ako dahil hindi niya tinuloy. Hindi ko alam kung handa na ako sa bagay na 'yon.

'A-ayos lang.' sagot ko sa kanya.

'Did I scare you?' bakas sa mukha niya ang pag aalala at takot.

Umiling lamang ako bilang sagot.

'Come on, I'll cook for you.' saka siya tumayo at pumasok sa banyo. Mang makapasok siya sa banyo ay saka ako naka hinga ng maluwag. Gusto kong tampalin ang sarili ko. Ano bang ginagawa namin?!

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now