CHAPTER EIGHTEEN

101 2 0
                                    

Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko.

'Hey.'

Nakangiting sambit ni Agapi.

'Nasaan tayo?'

'Come on, I want to show you something.'

Bumaba siya ng sasakyan para pag buksan ako. Pagkababa ko pa lang ay sinalubong agad ako ng malamig na samyo ng hangin. Tiningnan ko ang paligid. Isang parke, maraming halaman may isang malaking arko bago ka tuluyang makapasok sa loob.

"The Place for Agapi"

Agad ko siyang nilingon at nakita kong nakangiti siya sa akin.

'Sa'yo to?'

'Sa family namin but they named it after me.'

Tumango lamang ako at saka kami pumasok. Mas namangha ako nung makapasok kami. Napakaganda sa loob. Maraming iba't ibang klase ng puno at bulaklak at tanaw na tanaw mo ang napaka kalmado at napakagandang bulkang taal. Maraming mga bench doon at mga kubo na maaaring tuluyan.

'Anong lugar ito?'

'Nasa tagaytay tayo.'

Muli kong nilibot ang paningin ko at ramdam na ramdam ko ang pagkalma ng sistema ko. Para bang ang lugar na ito ay lugar kung saan ang sarap sarap huminga at magpahinga.

'Bakit walang tao?'

'Pinasara ko to before. Nung unti unting gumuho ang mundo ko at hindi ko na alam kung paano maaayos, pakiramdam ko gusto kong mapag isa at eto ang lugar na pinupuntahan ko.'

Wala akong makapa na salita na pwede kong sabihin sa kanya kaya naman tiningnan ko lang siya.

'Noong araw na pinili ni Sam si Pocholo, halos hindi ko alam kung anong gagawin ko. Si Sam lang ang babaeng para sakin ay minahal ko ng totoo at buo. Siya lang yung alam kong kahit anong mangyari, meron ako. Wala mang atensyon sa akin ang mga magulang ko, nandiyan naman siya para alagaan ako. Halos sambahin ko siya dahil sa pagmamahal ko sa kanya.'
Nakaramdam nanaman ako ng lungkot at sakit sa sinabi niya.

'Noong araw na yon, nagpakalasing ako. Hindi ko kayang manatili sa hideout kasi kitang kita ko kung gaano kasaya si Pocholo. Alam ko kung gaano niya ka gustong i celebrate yon na finally, yung babaeng mahal niya, mahal din siya. Hindi ko kayang makita kasi kaibigan ko siya, gusto kong maging masaya para sa kanya pero hindi kaya ng puso ko. Bumibigay ako.'

Nakatanaw lang siya sa mga puno habang sinabi niya ang mga bagay na iyon.

'Nung gabing iyon din, na ospital ang kapatid ko. Sa sobrang pagkabulag ko sa pagmamahal kay Sam at sa sakit na dinulot niya, napabayaan ko ang kapatid ko. Inapoy siya ng lagnat at kinumbolsyon, ni hindi ko manlang alam na nilalagnat na pala siya. Kaya kahit langong lango ako sa alak ay dumeretso ako sa ospital. Takot na takot ako non kasi hindi ko alam ang gagawin ko sa sarili ko kung may mangyari kay Solana. Magdamag kami sa ospital, pero hindi nagawang bumisita ng parents namin dahil pareho silang nasa ibang bansa para sa business. Nakausap ko lang sila sa phone at pinagalitan pa nila ko dahil kasalanan ko daw ang nangyari.'

Nakatingin na siya sa mga mata ko, gusto ko siyang yakapin dahil nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.

'Doon kita unang nakita.'

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

'Huh?'

'Sa ospital kita unang nakita. Umaga na non, bababa ako para bumili ng gamot ni Solana, nang makita kita. You were so occupied that time. Napatitig ako sayo, parang wala ka sa sarili mo tapos ay napatingin ako sa mata mo. Napaka ganda ng mata mo. By just looking at your eyes, parang ang sarap kumalma. Hindi mo ko napansin kaya nabunggo ka sa akin.'

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now