CHAPTER TWENTY EIGHT

100 2 0
                                    


'Class dismissed.' ani ng propesor namin at agad ko namang inayos ang mga gamit ko.

'Nasan kaya si Elle no? Simula nung lunes ay hindi pa siya pumapasok, isang linggo na.' ani rex. Huling klase na namin ngayon at major subject kaya naman magkakaklase kaming tatlo. Napansin nga namin na madalas wala sa klase si Elle.

'Ang sabi ni Zoe sa akin kanina ay hindi din daw kumo contact sa kanila si Elle.' sagot naman ni Jho.

'Sana maayos lang siya.'

'Teka, nagtext ba sa inyo ang mga boyfriend niyo?' tanong ni Rex.

'Ahh, ang sabi ni Agapi ay magkita daw kami sa parking lot.' sagot ko sa kanya.

'Ganon din ang text ni Oliver.' pag sang ayon ni Jho.

'Doon din kami magkikita ni Jiz. Siguro ay magkakasama sila.'
Lumabas na kami ng silid at tinungo ang daan papuntang parking lot pero hindi pa kami nakakalayo ay narinig namin ang matinis at makulit na boses..

'Girlsssss!!!' si Pat.

'O?' bagot na tiningnan naman siya ni Jho.

'Sungit mo naman! Makikisabay sana ako. Ginamit kasi ng kuya ko ang kotse ko.'

'Nakauwi na ang kuya mo?' tanong ni Jho.

'Oo nga diba? Ginamit nga yung kotse ko diba?'
May kasama pang pag irap kaya natawa nalang kami ni Rex dahil tiyak na magbabangayan nanaman ang dalawang yan ng walang tigil.

'May kuya ka pala?' tanong ko kay Pat.

'Ayy, gwapo ang kuya niyan ni Pat. Kilala 'yon dito sa Laguna paano ay magaling sumayaw.' si Rex ang sumagot.

'Ganon ba?' tanging nasabi ko.

'Yeah but he's annoying. Actually sa Manila siya nakatira ngayon at doon nag aaral. Ewan ko kung bakit nandito ngayon sa Laguna. Late na yon nakapag college kaya halos ka year lang natin tas nanggaling ng states. Paano ay mas inuna ang grupo niya sa pag sasayaw kesa pag aaral.' kwento ni Pat.

'Teka bakit mukhang kabado ka, Rex? Anong meron te?' tanong niya kay Rex ng napansing bigla itong nanahimik.

'Ngayon kasi nakipag usap ang rulers sa magulang ni Miggy. Sinubukan nilang makipag areglo. Hindi ko alam kung anong nangyari. Ngayon pa lang natin malalaman kasi kagagaling lang nila doon.'

'Ngayon ba 'yon?' tanong ko at tumango lamang si Rex. Nawala na sa isip ko na ngayon pala 'yon hindi din naman nabanggit ni Agapi sa akin kanina.

'Sana maging maayos na ang lahat.' muling dagdag ni Rex na bakas ang pag a alala.
Nang makarating kami sa parking lot ay parang lahat kami ay natigilan at hindi nakagalaw sa nakita namin.

'Please tell me I'm not dreaming.'

saad ni Pat habang nakatingin sa nagtatawanan at nagkukulitang sila Agapi kasama ang rulers.

'End of the world na ba?' tanong ni Jho

'Gaga, huwag kang ganyan may pangarap pa ako.' sagot naman sa kanya ni Pat.

Napatingin ako sa paligid at mukhang hindi lang kami ang may ganoong reaksyon
Maging ang ibang studyante na napapadaan at nandoon ay nakasulyap lang sa kanila at para bang gulat na gulat sa nakikita.

'Finally.' tanging sambit ni Rex at saka ngumiti.

Napatigil naman sila sa pagtatawanan ng napansin nila kaming nakatayo lang at parang ewan na nakatanga sa kanila.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now