CHAPTER THIRTY FOUR

103 2 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang trahedya at hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakapag usap ni Agapi. Nakalabas na din siya ng ospital tatlong araw na ang nakakaraan at ang balita ko ay pumapasok na siya. Hindi kami nagkikita. Kapag pumupunta ako sa opisina niya ay sinasabi ni Manaseh na wala siyang tinatanggap na bisita kahit sino dahil subsob daw ito sa trabaho. Wala na din kaming subject na magkaklase. Kapag uwian ay umuuwi ako mag isa o di kaya ay sumasabay ako sa magkapatid.

'Manaseh, pwede ko bang makausap si Agapi?'

Nahihiya kong tanong sa kanya. Pangatlong pagkakataon na kasi na bumalik ako dito.

'Pasensya na, mortema. Wala dito si Agapi.' mahihimigan ang awa sa tinig niya.

'Ahh, ganun ba? Saan siya pupunta at anong oras siya babalik?'

Bakit mo ako iniiwasan, Agapi? Bakit ngayon kung kelan kailangang kailangan kitang makausap?

'Hindi niya sinabi pero importante saka busy 'yon sa acads, Mortema.'

'Ganon ba? Pwede mo bang sabihin sa kanya na kapag may oras siya ay baka pwede kaming mag usap?' ngumiti ako para maitago ang sakit ng kalooban ko.

'Mortema, mukhang may problema kayo.' malungkot niyang sagot.

'Huh? Wala naman kaming problema. Hindi naman kami nag talo nung huli naming pag uusap.'

Siya nga itong hindi nagpaparamdam, tumatawag o nag tetext manlang.

'Ang sabi kasi niya ay pag pumunta ka daw dito ay huwag ka daw muna papasukin at ayaw ka daw muna niya harapin. Pinapasabi niya din na huwag ka na munang bumalik dito.'

Bakas ang pag aalala sa boses niya.

'G-ganon ba?'

Nanlulumo ako sa mga naririnig ko. Anong nagawa ko, Agapi?

'Sorry, mortema.'

'Ayos lang, Manaseh. Sige, salamat.'

Matapos non ay lumabas na ako. Pagbalik ko sa silid namin ay mukhang inaantay ako ng magkapatid. Nag tungo ako sa upuan ko at tahimik na umupo.

'Di ka pa rin kinausap?' tanong ni Jho.

Umiling nalang ako.

'Ang sabi ni Oliver mukhang may problema nga daw si Agapi. Madalas wala daw sa sarili at palaging mukhang malalim ang iniisip.' paliwanag ni jho.

Hindi na rin sumasama sa amin si Agapi. Kapag kumakain, nasa hide out o aalis kami ay siya lang palagi ang wala at ni isa sa amin ay wala siyang masyadong kinakausap.

'Hayaan mo muna, baka may problema nga lang talaga.' sambit naman ni rex sa paraan na nagnanais pagaanin ang loob ko pero sa puntong ito, hindi 'yun tumatalab sa akin.

'Kung may problema ay maaari naman sana niyang sabihin sa akin o kaya ay kausapin ako, hindi yung ganito na bigla nalang niya akong hindi kinausap at pinansin. Pakiramdam ko, may nagawa akong kasalanan.'

Malungkot kong tugon.
'Actually, tama siya Rex. Parang ang labo naman kasi bigla nalang iwasan ang drama niyang si Agapi.' sambit ni Jho.

'Pero kilala mo si Agapi, mahal ka non. Siguradong may dahilan kung bakit siya nagkaka ganyan. Pagkatiwalaan mo muna yung tao.' sagot naman ni Rex.

Bumuntong hininga ako. Tama. Hindi ko dapat sukuan lang si Agapi.

Noong araw na 'yon ay matiyaga akong nag hintay kay Agapi. Kahit wala siyang sinabi. Alas siyete na ng gabi pero nandoon pa rin ako sa parking lot at nag hihintay sa kanya. Baka sakaling pag naabutan niya ako ay kausapin niya na ako. Kailangan ko ng sagot. Kailangan kong kamustahin siya. Miss na miss ko na siya. Hindi ako mapapakali na ganito kami.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now