CHAPTER FIFTY

71 3 0
                                    

Ganon pala talaga kapag masaya ka, 'no? Mabilis ang oras. Hindi mo namamalayan ang bawat pagtakbo nito. Tama nga sila, dapat hindi natin sinasayang ang bawat araw, oras o miski minuto na kasama natin ang mga taong mahal at nagmamahal sa atin. Kahit gaano ka perpekto ng kasal namin at ng araw namin, kinailangan pa rin nitong matapos.

Alam mo yung kakamulat mo pa lang ng mata mo sa isang magandang umaga, katabi ng lalaking pinaramdam sa'yo ang tunay na kahulugan ng pagmamahal pero tumulo na ang luha ko. Tumingin ako sa bintana at nakita kong mataas na ang sinag ng araw. Naririnig ko na ang mumunting pag awit ng mga ibon at dama pa rin ang malamig na simoy ng hangin sa Tagaytay.

Ikatlong-araw

Huling araw

Naramdaman kong gumalaw sa aking tabi si Agapi kaya dali dali kong pinunasan ang luha ko. Pinapangako ko na mula ngayon hanggang sa sandali ng pag alis ko ay hindi ko hahayaang tumulo ang aking luha. Baka sakaling sa paraan na 'yon ay mabawasan ang sakit para kay Agapi.

'Good morning,' bati niya ng mapagtantong gising na ako. Ngumiti ako bilang sagot sa kaniya.

'I love you, my wife.' muling aniya.
'I love you, Agapi.' sagot ko saka kami bumangon para yakapin ang isa't isa. Napapikit ako habang dinadama ang sensasyon ng yakap niya. Alam kong may kakaiba. Nararamdaman ko na ngayon pa lang ang pangungulila hindi lang niya pero naming dalawa. Ngunit hindi niya binaggit ang kahit ano tungkol doon. Hinintay kong buksan niya ang usapin ukol doon pero hindi 'yon ang nangyari.
'You don't know how grateful I am to wake up next to you.' malambing niyang sabi.

'Ako rin.' hinawakan ko ang mga kamay niya saka ito dinala sa aking mukha,
'Let me be your wife, today.' dagdag ko.

'You're my wife and will always be my wife.'
saka niya siniil ng halik ang labi ko. Punong puno ng buhay at pagmamahal ang halik na 'yon. Nang parehas kaming huminto para kumuha ng hangin ay pinanatili niyang magkadikit ang mga noo namin. Nakatingin lang kami sa isa't isa at kahit walang nag sasalita sa amin ay alam kong nararamdaman namin pareho kung anong laman ng puso at isip namin.

'Kung ganon, hayaan mong umpisahan ko sa paghahanda ng almusal mo.' sa wakas ay pagbasag ko sa tinginan namin.

'I would definitey love to eat breakfast na ikaw ang nag prepared' sagot niya kaya naman bumaba na kaming dalawa. Nagulat ako nang makitang nandoon pa rin ang mga kasama namin at tahimik na nag aalmusal.

'Good morning!' nang makita nila kami ay para banag nataranta at biglang naging masigla ang lahat at bumati sa amin. Malayo sa kaninang malulungkot at tila malalim ang iniisip.

'Kamusta ang honeymoon?' mapang asar na tanong ni Jiz. Inapiran lang naman siya ni Agapi at pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko dahil sa mga tanong at pang aasar nila.

'Kumain na kayo, siguradong napagod kayong dalawa.' pang aalok ni Patricia na agad ko namang sinimangutan.

'Nope.' pagtanggi ni Agapi at umiling iling pa na para bang bata.

'Ipagluluto ako ni misis.' pagyayabang niya sabay paghapit pa sa aking bewang. Mas lalo tuloy napuno ng asaran sa mesa. Nagtungo ako sa kusina at doon ko naabutan si Mama na nagliligpit ng ibang kubyertos.

'Ma,' pagtawag ko sa kaniya. Napalingon siya at itinigil ang pag liligpit.

'Anak,' lumapit ito sa 'kin saka ako niyakap.

'Good morning, Mama.' malambing kong sabi sa kaniya.
'I love you, mama.' Mas lalo siyang hunagulgol ng iyak. Inilayo ko siya sa akin saka ako tumingin sa kaniya.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now