CHAPTER NINE

103 2 0
                                    

Mortema's POV

Kakapasok ko lang sa aming silid. Pilit ko mang ipasawalang bahala ang mga napapansin ko ay kapansin pansin talaga. Nagsisimula na rin akong mairita sa kanila. Magmula kasi ng pumasok ako ay naramdaman kong pinagtitinginan ako ng mga tao dito sa skwela. Pakiramdam ko ay pinag uusapan nila ako at pinagbubulungan. May mga iba pa ngang masama kung tumitig. Hanggang dito sa aming silid ay hindi nakaligtas sa akin ang mga pasiring siring na mata ng mga kaklase ko. Ano bang nangyayari? Hindi ko alam kung ako ba ang may problema o nahihibang ako pero hindi eh. Pakiramdam ko talaga ay may iba. Mga kamajor ko ang mga kaklase ko ngayon. Wala pa sila Jurilyn at Rexielle kaya naman wala akong makausap. Dati naman ay sanay akong hindi ako kinakausap ng mga kaklase ko ngunit hindi ganito na batid kong lahat sila ay naiinis sa akin. Tumungo na lamang ako sa aking upuan at sinubukang umidlip dahil maaga pa naman ngunit natigilan ako ng may mga yabag ng nagtataasang mga takong ng sapatos ang narinig kong papalapit sa upuan ko. Maya maya lamang ay narinig kong may nagsalita na at batid kong nasa harapan ko na siya ngayon.

'So, kamusta naman ang first lady natin?!' Nag angat ako ng aking ulo ngunit hindi ako kumibo. Ano bang sinasabi nito ni Elle? Kasama niya pa yung iba pang mga babae kong kaklase. Hindi pa rin ako umimik ng muli siyang nagsalita.

'Kaya pala panay ang dikit mo kay Sammy! Manggagamit ka pala! Hindi ka na naawa. Alam naman nating lahat na hanggang ngayon ay may feelings pa siya kay..' Natigil siya sa sasabihin niya dahil biglang pumasok sila jurilyn at rexielle na agad namang lumapit sa amin.

'Mortema!' sigaw ni Jurilyn at agad namang tumabi ang mga kaklase namin.

'Kasabwat ba kayo ng babaeng 'yan ha?!' Nanlilisik na mata ang ibinigay ni Elle sa kanila.

'Hindi ah! Pwede ba, mamaya niyo na tanungin si Mortema at nandiyan na si Prof!' Saka kami nagtinginan sa pinto at ayun ngang kakapasok lang ng professor namin. Tumingin naman ang mga ito at sumensyas ako na ayos lang ako at mukhang nakuha naman nila 'yon.

Matapos ang tatlong oras ng klase ay agad akong hinila nila Jurilyn at Rexielle palabas ng silid. Nauna pa kaming lumabas sa prof namin dahil sa sobramg pagmamadali nila. Napansin kong nakatuon ang atensiyon ng iba sa akin at saka magbubulungan na animo may ka interes interes na bagay na pinaguusapan. Ang iba ay masama talaga kung tumitig.

'Ano bang nangyayari?' Tanong ko sa magkapatid ng tuluyan nakong hindi nakatiis.

'Kami nga dapat ang magtanong niyan eh. Bakit ang bilis naman atang maging kayo ni Agapi?'

'ANO?!!!' halos sumakit ang mata ko sa laki nito ngayon dahil sa gulat.

'Halika, kailangan mo itong makita.' Sabi ni rexielle habang patuloy sila sa paghila sa akin at pumunta sa.

Announcent hall? Anong gagawin namin dito?

'Ano bang ginagawa natin dito?' tanong ko sa kanila ng tumigil kami sa isang kulay itim na bulletin board na hindi ko alam kung bakit mukhang creepy ang itsura. Agad namang may itinuro si Rexielle sa bulletin board na yun at laking gulat ko ng makita ang isang larawan. Larawan namin yon ni Agapi na magkayakap habang nasa kalasada kami. Kuha ito noong niyakap ko siya matapos naming makipaglaban sa mga nagtangkang kumuha sa akin noong nakaraan. Bakit naman nandito ito?

Tiningnan ko yun ng mabuti at may nakalagay sa pinakataas ng bulletin board.

'NEW PROSPECT OR NEW PROSTI?' Nakaramdam ako ng galit sa nabasa kong iyon. Sino ang kumuha ng larawan na iyon! Napakalaki ng larawan parang tarpaulin sa isang kaarawan na napuntahan namin ni Anna.

'Kayo na ba?' tanong ni rexielle habang hindi inaalis ang tingin sa larawan. Akmang tatanggalin ko ang larawan na iyon ngunit agad na hinawakan ng magkapatid ang mga kamay ko.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora