Shot

3.3K 168 19
                                    

CHAPTER 6

RAMCEL

In the next few weeks, Ramcel and Victoria both became busy. Kaliwa't kanan ang shooting ng teleseryeng ginagawa nya at nasa creative team din sya ni Direk Remy para sa superhero movie na ginagawa nito. Last year pa ito inumpisahan but since it's a big budgeted movie, masusi ang paglikha nito. Gusto ng batikang direktor at ng Studio 11 na pulido ang pagkakagawa bago i-release sa public.

Nagstart na rin ang Culinary Arts class ni Victoria. Kapag nasa bahay sya, she got to enjoy her wife's dishes. Minsan weird looking ang hitsura dahil unfamiliar sa paningin nya pero masarap ang lasa kapag lakas nang loob nya itong tinitikman. If there was something that would cause her death, it would be food poisoning. Kinakain nya kahit anong ipatikim sa kanya ni Victoria.

Minsan nahuhuli nyang mukha itong malungkot, marahil naiisip nito ang Daddy nito. Never na kasing nakipag-communicate si Vi sa Dad nito. Hindi rin nito sinasagot ang mga tawag ni Maristela.

Kahit gusto nyang makasama ito lagi, hectic rin ang schedule nya kaya kapag may time na pwede syang umuwi, ginagawa nya to be with her wife. Madalas na ilang araw syang wala sa bahay. Alam nyang nami-miss sya ni Victoria, who'd always been very understanding and supportive, kaya lagi nilang sinusulit ang mga oras na magkasama sila.

Ramcel was so exhausted when she entered the condo, but it vanished when she saw her gorgeous wife busy plating what looked like a crepe. She's so focused she didn't notice Ramcel, who gently circled her arms around Vi.

"Hey gorgeous," Ramcel whispered in her wife's ears and kissed her neck. Nagulat ito nagliwanag ang mukha nang humarap sa kanya at makita sya. "This is for you." Ibinigay nya rito ang dala-dalang bouquet of purple irises and white roses.

"They are beautiful. Thanks, Baby!" Ginawaran sya nito nang halik sa labi. "Nagdinner ka na ba?"

"Hindi pa." Nagyayang magdinner si Direk Remy but Ramcel declined. Mas gusto nyang umuwi agad kay Vi. Two days din silang hindi nagkita. Buti na lang wala itong pasok dahil weekened kaya mas gugustuhin nyang makasama ito.

"Why don't you change your clothes and I'll prepare dinner," sabi ni Victoria.

Sumunod naman si Ramcel. Naligo muna sya saka nagbihis ng shirt at shorts. Maya-maya's pumasok si Victoria sa kwarto at naabutan sya nitong nagtutuyo ng buhok gamit ang tuwalya. Yumakap ito sa kanya nang mahigpit.

"I miss you," sabi nito saka siniksik ang mukha nito sa leeg nya. Gumapang ang kuryente sa katawan ni Ramcel nang halikan nito ang teynga nya. "Matutulog ka ba rito?"

Medyo na-guilty si Ramcel. Noong isang araw pa ito naglalambing sa kanya sa text. "Yes and I'll cuddle you the whole night."

Dahil sa narinig, siniil sya nito ng halik sa labi. "Come on, eat your dinner." Saka ito nagmadaling hinila sya pabalik sa dining area.

Victoria shared stories about her class with Chef Alejandro while Ramcel enjoyed her baked spaghetti. May ningning sa mga mata nito as always habang nagku-kwento. Cooking was really her passion. Ramcel was glad her wife was on her way towards her dream.

After eating and washing the dishes, they went straight to bed and snuggled. Ramcel fought the urge to sleep because Victoria was still excitedly sharing about her class. Sinisigurado nilang nakikinig sila sa kwento ng bawat isa kapag magkasama sila.

"Hindi mo ba sasagutin yung phone mo?" Tanong ni Ramcel sa asawang nakaunan sa balikat nya at kasalukuyang nagku-kwento pa rin. Nag-ring kasi ang cellphone nitong nakapatong sa bedside table. "It's your sister." Malungkot itong napatingin sa kanya saka umiling. Yumakap lang ito nang mahigpit sa kanya.

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now