Offer

3.1K 153 23
                                    

CHAPTER 22

VICTORIA

After the dinner she had with Hector, she was imprisoned again inside the dark cell. Bibigyan daw sya ni Hector nang pagkakataon para umayon sa kagustuhan nito. Paano nya magagawang makapag-isip nang malinaw kung punong-puno ng kaguluhan ang isipan nya?

Nang magsink-in ang mga nalaman nya tungkol sa Daddy nya, umiyak lang nang umiyak si Victoria. Ito nga siguro ang parusa sa kanya sa pag-aasam ng mga bagay na wala sya. Masama bang maghangad na makilala ang totoo nyang ama? Masama bang pangarapin nyang mahalin sya nang sariling ama?

No wonder her mother looked at her that way…like she was the biggest mistake. Hindi nya ito masisisi. Pinagsamantalahan ito ng taong pinagkatiwalaan nito. Victoria felt guilty too. For resenting her mother before. If she would have known about what happened to her, she would have been more understanding.

Hindi na naman nya alam kung ilang oras na ang lumipas sa madilim na lugar na yun. Wala syang magawa kundi umupo sa isang sulok at maghintay. Sinubukan nyang maghanap ng pwedeng matakasan ngunit bigo sya dahil kahit maliit na bintana ay wala.

She had to get out of there. Kahit masakit pa rin sa kalooban nya ang mga nalaman, kailangan nyang isantabi iyon. Mas mahalagang i-reserve nya ang lakas para makatakas. Walang mangyayari sa kanya if she’d let herself wallow.

Nakatulog si Victoria habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa malamig na pader. Nagising na lang sya nang maramdamang may humaplos sa mukha nya.

“Hey Baby,” Ramcel whispered.

Hindi na nag-atubili pang yumakap rito si Victoria. Warmth slowly covered her body as she took in her Lightblue scent. Kung pwede lang na huwag na lamang bumitaw rito.

“I miss you,” sambit ni Victoria habang nakatitig sa mga mata nito. “I wanna go home, Baby.”

“I know.” Ramcel gave her a warm smile. “But for now, let me keep you warm.”

Hindi na nagtanong pa si Victoria kung paano sila napunta sa apartment ni Ramcel sa New York. Ang mahalaga magkasama silang muli. Humiga sila sa sofa and Victoria snuggled against Ramcel, who held her tight and sang Sun and Moon.

When Victoria woke up, she was a litte disappointed that it was only a dream but she felt renewed. Nanatili sya sa kulungang iyon nang hindi namamalayan kung ilang oras o araw na ang lumilipas. Pinapalabas rin sya once in a while to use the restroom. She assumed it was once a day. Kung bibilangin, it was 4 times. Ibig sabihin ba apat na araw na syang nakakulong? Paminsan-minsan syang pinupuntahan ng magandang babae para dalhan ng tinapay at tubig.

Noong una’y ayaw kainin ni Victoria sa takot na baka kung anong nilagay ni Hector sa pagkain. Nang kalauna’y napagtanto nyang kailangan nyang panatilihing maging malakas kung nagbabalak syang tumakas. Hindi nya alam kung paano but she would sure be on alert for any chance of running away from Hector.

He’s a dangerous man. Nagawa nitong saktan ang Daddy nya pero hindi rin sya makakapayag sa gusto nitong mangyari. She was stupid for having feelings for him. He was a fraud. She mistaken him as good samaritan when he was in fact the devil himself. Kailangan nyang makaalis sa lugar na ito.

“Monica, right?” Minsang tanong ni Victoria nang muli syang binigyan ng pagkain ng magandang babaing may pilat sa mukha. Tanging ang liwanag na nanggagaling sa emergency light na dala nito ang naging tanglaw ni Victoria pansamantala. Ibinaba nito ang isang maliit na water bottle at tinapay sa sahig sa labas ng metal gate. “Tulungan mo ko. Alam kong hindi ka masamang tao.”

Tumingin ito sa kanya. “Hindi ka na makakaalis rito,” marahan nitong sambit saka na ito lumayo kasama nang liwanag.

Nadismaya si Victoria. Malakas ang kutob nyang hindi masamang tao si Monica. Pakiramdam nya biktima rin ito ni Hector. But her own self reminded her that she’s a poor judge of character. Napaniwala nga sya sa mga ipinakita ng lalaki sa kanya di ba?

Since Nine Book 3: ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon