"I Surrender"

4.2K 186 21
                                    

CHAPTER 43

2016
VICTORIA

"Happy New Year!!!!"

Kasabay nang sabay-sabay nilang pagsigaw pumailanlang sa langit ang mga makululay na fireworks, nagputukan ang mga fire crackers, at napuno ang paligid ng ingay galing sa mga turotot na hinihipan ng bawat isa.

Niyakap ni Victoria isa-isa ang mga kapamilya sabay bati sa mga ito. Nakisabay rin sila sa ingay ng mga paputok sa labas. Nakialam pa sina Ramcel, Jenny at Victoria na magsindi ng mga kwitis sa harap ng bahay kahit para silang mga batang sinasaway ng mga matatanda.

"Nami-miss ko ang ingay ng paputok at amoy ng pulbura," natatawang sabi ni Jenny habang nagkasya na lang na pinanonood ang driver ni Eleanor kasama ang guard ng bahay na magsindi ng kwitis.

"I miss celebrating New Year with you two," sabi naman ni Victoria. Noong mga bata pa sila, lagi silang magkakasama tuwing pasko at bagong taon. Sumasabay sa ingay ang sigaw ng mga Mommy nila kakasaway na huwag silang maglaro ng paputok.

"Me too," naluluhang sabi ni Jenny at yumakap sa beywang ni Vi.

"Huwag ka ngang umiyak. Baka umiyak ka buong taon," sita ni Ramcel rito at inirapan ang kaibigan. "Bakit hindi ka tumalon kanina at nang tumangkad ka naman kahit konti."

Pinukpok ito ni Jenny sa braso

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pinukpok ito ni Jenny sa braso. Natatawa naman itong niyakap ni Ramcel.

"Ram, naalala mo ba nung na-Principal's Office tayo?" Jenny asked. It made Ramcel and Victoria smile. "Galit na galit sina Nanay. Ang sakit ng puwet ko nun dahil sa palo."

Hindi rin makakalimutan ni Victoria yun. Nahuli kasi ng teacher sina Ramcel at Jenny na naglalaro ng watusi sa school quadrangle nung Grade 5 sila kasama ng mga ibang estudyante kaya pinatawag ang magulang ng mga ito. Sinaway nya ang dalawa noon kaso hindi nagpaawat.

Dalawang linggo silang malungkot dahil hindi sila pinayagang makipaglaro sa isa't-isa bilang parusa. Kahit hindi sya naglaro ng watusi, para na ring naparusahan si Victoria dahil hindi nya pwedeng makausap ang dalawa after school at tuwing weekend. Miss na miss nya ang mga ito.

"Ram, Jenny, Vi!" Tawag sa kanila ni Tita Jo mula sa gate. "Pumasok na kayo para makakain na. Kayo din Macoy, Jimmy. Tama na yan. Kumain na tayo sa loob."

Salo-salo silang kumain sa mahabang hapag-kainan ng bahay. Unang naubos ang Porchetta ni Victoria. Natatawa ang lahat dahil saway ng saway sina Tita Jo at Eleanor kina Lolo Leonardo at Tito Rey dahil napaparami ng kain ang mga ito.

Lumipat sila sa living room para mas maging kumportable sa kwentuhan habang umiinom ng tea ang mga matatanda at champagne naman kina Victoria, Ramcel, Jenny, Joshua, Monica at Reese, na nagrequest na kumanta ang nakababatang kapatid.

Tumayo mula sa tabi nya si Ramcel para iset-up ang videoke sa TV. Tuloy lang ang kwentuhan nila nina Jenny nang magsalita si Ram.

"Happy New Year sa lahat," nakangiting bati ni Ramcel. Napatigil ang lahat at napunta rito ang atensyon lalo na ng nagstart ang Intro ng I Surrender. Bumaling ito sa kanya at tinitigan sya mata. "Vi, this is for you."

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now