Uncertainty

3.7K 191 18
                                    

CHAPTER 33

RAMCEL

“Okay, CUT!!!” Sigaw ni Ramcel mula sa kanyang Director’s chair. “Finally, nakuha rin nya,” inis na sabi nya sa isip at sinamaan ng tingin ang gwapo at matipunong aktor na si Jacques Santino, na nakailang take bago nito madeliver nang maayos ang linya nito sa teleseryeng ginagawa nila.

Kung sya ang masusunod, gusto nya itong palitan dahil hindi nito masabayan ang galing ni Alea Santos, ang pinakamagaling na aktres sa kanyang henerasyon at isa sa mga kaibigan nya sa showbiz. Inis na inis na rin si Alea sa kapareha nito ngunit pareho silang walang magawa dahil gusto ng management na magtambal ang mga ito.

Nasa Pililla, Rizal sila kung saan naroon ang mga windmills. Kahit papano humuhupa ang iritasyon nya kay Jacques dahil napapangiti sya paminsan-minsan pag naiisip si Victoria. Bukod sa may maganda silang memory dito, seryoso nga ito sa panliligaw sa kanya. Kung panliligaw nga ang tawag sa ginagawa nito dahil daig pa nito ang tunay na girlfriend sa pagiging demanding.

Kesyo bawal daw syang makipaglandian o makipagdate sa iba. Hindi rin daw sya pwedeng magpaligaw sa iba at dapat lagi daw nyang sasabihin dito kung nasaan sya.

“She’s your wife,” her mind said. Well, hindi pa sila nagkakabalikan. “Hindi pa ba?” Tudyo ng isip nya.

“I’m starving, R.M,” nakasimangot na reklamo ni Alea at lumapit sa kanya.

“We can eat somewhere if you want,” singit ni Jacques na kasunod ni Alea, who rolled her eyes secretly. May gusto ang lalaki sa dalaga ngunit hindi ito pinapansin ni Alea dahil iba ang preference nito. Isa itong closet lesbian na hindi makapagladlad dahil baka masira ang career nito.

“May alam akong restaurant nearby na masarap,” sabi pa ng lalaki.

“No, thanks,” medyo may annoyance sa tonong sabi ni Alea. “I mean, there’s no need.” May relief na gumuhit sa mukha nito. May kung anong nakita ito mula sa likuran ni Ramcel. “Masarap na pagkain na ang lumapit satin. The Food Goddess went down from Mount Olympus to save me from Hades.”

Nagpigil nang tawa si Ramcel dahil si Jacques naman ang nairita sa tinuran ni Alea, na nakipagbeso sa kadarating na diyosa nyang manliligaw.

“Hi Ram!” Masiglang bati sa kanya ni Victoria, na yumuko para bumeso sa kanya. “Hi, Baby,” she whispered and it made Ramcel’s heart almost stopped. Lalo at naamoy nya ang mabangong shampoo, perfume at natural scent nito. “I brought lunch for everyone,” she added on her normal voice tone.

Napansin nyang may dala itong malaking paperbag pero alam nyang hindi sapat ang dala nito para sa lahat. Unless…

“Oh my god, food truck!” Bulalas ni Alea.

Kung dati-rati, kinaiinisan ni Victoria si Alea dahil sa paghalik ng huli kay Ramcel noon, ngayon magkasundo ang mga ito. Bukod kasi sa masasarap ang dinadalang pagkain ni Victoria sa set, si Alea mismo ang nagre-report kay Victoria kung nasaan si Ramcel.

“What?” Napalingon si Ramcel sa tinitignan ni Alea. Nasa taas sila ng burol at kita nya mula roon ang isang truck na may tatak ng Victoria’s Kitchen sa gilid. Unti-unting umangat ang pinto sa gilid ng truck and revealed Monica behind the kitchen with two of their staff ready to serve.

Nag-invest si Victoria recently sa food truck para mas mailapit ang niluluto nito sa mga tao. Tuwing M-W-F nito nilalabas ang truck at pumupwesto sa iba’t- ibang lugar sa Metro Manila. Sa Instagram nito ina-announce ang next location at dinudumog ito ng mga tao. Bukod sa masarap, mura din ang presyo.

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now