Broken Hearts Tour

3.5K 165 25
                                    

CHAPTER 15

RAMCEL


Tirik na ang araw nang magising si Ramcel. Nakahawi ang kurtina kaya kitang-kita ang mga puno at mga ibong nagpapalipat-lipat sa mga sanga. Tila naglalaro ang mga ito at nagkakasiyahan. Ilang beses na ba nyang naisip na sana sing-payapa rin ng isla ang puso nya.

Napabuntong hininga sya nang maalala ang nangyari sa kanila ni Victoria kagabi. Nagpadala sya sa bugso nang damdamin. “But you wanted that,” her mind said accusingly. Yes, she did but she couldn’t trust Victoria anymore. What happened last night was a mistake.

Pero tumibok na naman nang malakas ang puso nya nang maamoy ang vanilla. Nakatalikod syang nakatulog kay Vi. Dahan-dahan syang humrap rito para hindi ito magising but to her dismay the space beside her was empty. Baka nasa kusina na ito at nagluluto ng breakfast.

Kinabahan sya nang mapansing wala na ang mga gamit ni Vi na usually nakapatong sa bedside table. Agad syang tumayo at nagbihis. Binuksan nya ang floor to ceiling na closet and it was empty.

Patakbo syang lumabas sa kwarto at bumaba. Kapapasok lang ni Jenny, na galing sa labas.

“Si Vi?” Tanong nya rito.

“Hinatid ko sya sa port. Paalis na siguro ang boat papuntang mainland.”

“Bakit hindi sya nagpaalam?” Inis na sabi nya kaya seryoso syang tinitigan ni Jenny.

“Bakit pa sya magpapaalam sayo? Di ba pinagtatabuyan mo nga?” May iritasyon sa boses ng kaibigan. Naka-cross arms itong nakasimangot sa kanya.

“That’s true,” sabi sa kanya ng sarili.

Hahakbang na sana si Ramcel para tumakbo palabas ngunit hinawakan sya nang mahigpit ni Jenny sa braso para pigilan. Nagtatanong ang mga matang tumingin sya rito.

“Don’t! Huwag mo na syang habulin pa,” Jenny said sternly. “If you’re not ready, don’t go after her.”

Natigilan si Ramcel. Yan nga ba ang gagawin nya? Ang habulin si Vi?

“Do you know why I kept hoping you two would reconcile?” Jenny asked. Hawak pa rin nito ang braso nya. “Its because I know you still love her. You came alive the moment you saw Victoria again. Nagkaroon muli ng buhay ang mga mata mo. But you are not ready. You said so yourself and Victoria knows it too. Huwag mo syang habulin kung hindi mo pa sya kayang patawarin at tuluyang tanggapin dahil magkakasakitan lang kayo. If you can’t free yourself from your anger, you’ll end up hurting each other.”

Hindi sya nakasagot.

“Victoria didn’t leave because she’s letting you go. Mahal ka nya, Ram, sa maniwala ka man o hindi. She’s letting you be for now pero umaasa pa din syang mamahalin mo syang muli. She’s going to wait for you, even if it takes a lifetime. That’s what she told me,” pagpapatuloy ni Jenny. “Pero kung hindi mo sya kayang maging kaibigan man lang, huwag mo syang sundan.” Binitawan na sya nito at saka ngumiti. Marahan nitong hinaplos ang pisngi nya. “Pasensya ka na kung pinilit kong magkaayos kayo ni Vi. For a moment I forgot that you’ve been through a lot.  Hindi mo kailangan magmadali. Why don’t you take some time off from everything? You’ve been working a lot and you barely had time for yourself.”

“I’m sorry for ruining this vacation,” nagi-guilty nyang sabi.

“Don’t say sorry. Joshua is coming over this afternoon.” Nagningning ang mga mata nito nang mabanggit ang pangalan ng mapapangasawa nito.

Before Lunch, sakay na si Ramcel ng helicopter pabalik sa Studio 11, kung saan sya susunduin ng coaster na sasakyan nya going somewhere she didn’t know. Olivia refused to tell her. Secret daw. Napailing na lang sya.

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now