Sunrise

3.1K 168 5
                                    

CHAPTER 17

RAMCEL

Kinabukasan, 6AM pa lang kumakain na si Ramcel kasama ng mga fellow tourist ng breakfast buffet. Inaantok pa sya dahil past midnight na sila nakabalik sa hotel ni Dominique. After loading her plate with lots of fried rice, crispy bacon, hotdogs and baguio longganisa, she chose a table far from everyone that was also overlooking the hotel’s vast well-tended garden.

Her heart skipped a beat when she recognized the colorful Blue Irises beside the red roses. She told Dominique she wanted a new beginning but her mind kept drifting over Victoria whenever she see things that reminded of her. Just the sight of those flowers made her smile.

“Parang iba ang aura mo ngayon,” narinig nyang tukso ng isang boses. Pagtingin nya, nakalapit na pala sa kanya si Faith, na mukhang fresh na fresh dahil marahil sapat ang tulog nito hindi kagaya nya. Nakangiti ito sa kanya at wala na syang nagawa nang inilapag nito ang plato sa mesa saka umupo across from her. Ramcel didn’t smile back which made Faith laughed. “Ayan na naman yung tingin mong, bakit ako iniistorbo ng babaing ito? Lilipat na lang ako sa ibang table kung gusto mo.”

“Just stay there,” sabi na lang ni Ramcel. “Others may not be forgiving. They might stab you for being talkative.”

“Hindi kaya! Kilala ko na nga lahat ng mga kasama natin sa tour,” pagmamalaking sabi nito. “Hi, Mary!” Kumaway ito sa isang pretty girl na may mahabang buhok at nakasuot ng half sleeve sweater and jeans. Ngumiti kay Faith ang babae. Napadako ang mga mata nya sa katabi ng babae, si Dominique, who smiled when she saw Ramcel. Ngumiti sya rito. “Sya yung ka-date mo kagabi di ba?”

“Stalker ka ba?!” She hissed. “At hindi yun date.”

“I know. Niloloko lang kita,” natatawang sabi ni Faith saka sumubo ng french toast nito. “Pero iba ang aura mo ngayon.” Napakunot ang noo ni Ramcel. “Ang sungit mo pa rin pero parang nabawasan ang lungkot mo.”

“Psychologist ka na rin ngayon?” Naiiling na sabi nya saka uminom ng mango juice.

“Nabuhay ba ulit ang puso mo?” Tukso nito. “Sino yan ha?”

“Sabi mo nga may date ako kagabi. Dominique is beautiful and smart. Ideal girlfriend,” sagot na lang nya.

“Hindi eh. Hindi sya. Kung sinuman yung iniisip mo kanina habang nakatingin sa labas, sya ang nagpapatibok sa puso mo,” Faith said knowingly. “Sino yun?”

“Feeling close ka, alam ko ba yun.” Inirapan nya ito. Kung anu-anong sinasabi ng Faith na to, naisip nya. Pero bakit nag-iinit ang mukha nya?

“Nag-blush ka! Tama ako!” Medyo napalakas ang boses na sabi ni Faith kaya napatingin ang iba sa gawi nila maging sina Dominique.

“Isasaksak ko tong cellphone sa bibig mo,” panakot nya rito kunwari. Nabigla sya nang hinablot nito ang cellphone nya mula sa kamay nya. Bumukas ang cellphone nya at saktong naka-open din sa Instagram nya. Hindi na nya naagaw pabalik dahil inilayo nito.

“Sino to? Ang ganda nya.” Buong paghangang nakatitig ito sa picture sa Instagram. “Artista ba sya?” Mabilis nitong na-scan ang mga larawan. “Ah, chef sya.” Tumingin ito sa kanya. “Sino si Victoria?”

Lalong nag-init ang pisngi ni Ramcel. “Give it back.” Na-sense ni Faith na seryoso na sya kaya ibinalik nito ang phone nya.

Pagkagising na pagkagising nya kaninang umaga, ang gaan nang pakiramdam nya. Talking to Dominique and Faith yesterday was a good thing. May mga narealized sya sa sarili. Kagaya nang laging nangyayari sa tuwing magmumulat sya ng mga mata, si Victoria ang sumagi sa isip nya. May kirot pa rin sa dibdib nya sa tuwing naaalala ito but it wasn’t that painful anymore.

She opened her Instagram and looked for Victoria. From time to time, for the past few years they were apart, Ramcel would check on her wife. Wife? Her mind teased. Wala itong recent upload. Hindi rin naman kasi ito mahilig magpost. But she couldn’t blame the netizens for tagging Victoria as Food Goddess dahil napakaganda nito. Mas lalo pa itong gumaganda habang tumatagal.

Kahit malaki ang galit ni Ramcel rito, hindi pa rin nya mapigilang humanga kay Victoria. Bukod sa mouth watering ang mga pagkaing pino-post nito, the chef herself was very enticing. Ramcel mentally scolded herself for thinking indecent thoughts over Victoria.

She’d been going over Victoria’s IG account even after taking a bath. Kahit habang kumakain ng breakfast, until Faith joined her.

“She’s nobody,” sagot ni Ramcel sa tanong ni Faith kung sino si Victoria. Walang kibuan silang kumain ni Faith. Hindi nya alam kung pakiramdam nya obligated syang magsabi ng kwento nya kay Faith dahil nagshare ito ng tungkol sa buhay nito o dahil kumportable sya rito. “She’s my ex,” maya-maya ay sabi nya rito. Tumango-tango lang si Faith. “Stop pretending like you’re not interested. I’m sure you have millions of question.”

Biglang nag-angat ng paningin si Faith at kita nya ang curiosity sa mukha nito. “Sasagutin mo ba ang mga katanungan ko?”

“Hindi.” Ramcel smirked when Faith pouted. “Hahanapan kita ng lovelife dito sa Baguio para tigilan mo ko.” At meron na syang idea kung kanino ito ipapakilala.

“Hi Ram.” Pareho silang napatitig ni Faith sa magandang mukha ni Dominique. “I’m heading back to our suite. Gusto mo bang sumabay?”

“Suite?” Bulalas ni Faith.

“Sure,” napangiting tugon ni Ramcel at hindi pinansin ang komento ni Faith na madaya ang room assignment. “Jin!” Tawag nya sa isang girl na kasama nila sa tour. Napatingin ang tinawag nya at ngumiti nang maluwang nang makita si Dominique. Naglakad ito patungo sa gawi nila.

Nakita rin nila ito kagabi kung saan sila uminom ng hot chocolate ni Dominique. Namukhaan lang nila ito kaya nag-hi na rin sila ni Dominique pagkatapos nang serious conversation nila about their failed relationship. Sakto kasing dumating ito at mag-isa lang kaya in-invite nila ito to join their table. Napansin nyang malagkit ang tingin nito kay Dominique kaya naamoy nyang katulad nya si Jin.

Makintab ang hanggang balikat na straight hair ni Jin. Naka-Vneck sweater ito at tight jeans. Makinis ang kayumanggi nitong kutis at mapungay ang medyo bilugang mata nito.

“Good morning!” Masiglang bati ni Jin particularly kay Dominique, na ngumiti lang.

“Jin,” pukaw ni Ramcel sa atensyon nito dahil nakatitig pa rin ito kay Dominique. Medyo annoyed syang binalingan ni Jin, na kagabi pa nakikipagkumpetensya sa kanya para makuha ang atensyon ni Dominique. “Have you met Faith?”

“Faith?” Medyo na-confused nitong sabi. Napatingin ito kay Faith, na noo’y sinasamaan ng tingin si Ramcel. Napatitig si Jin sa dalaga.

“Hi, I’m Jin.” Inilahad ni Jin ang kamay kay Faith, na napatitig din sa pretty face ng kaharap. “Kapag nahulog ba ako sayo, sasaluhin mo ko?” Napatanga si Faith.

Gustong tumawa ni Ramcel sa reaksyon ni Faith pero wala na syang pagkakataong marinig kung anong response nito dahil sumama na sya kay Dominique palabas ng hotel restaurant.

“What was that?” Tanong ni Dominique.

“Nothing. I’m just playing cupid.”

Hindi masyadong enthusiastic si Ramcel na mag-tour around Baguio since halos narito sya tuwing summer vacation during her college days. Minsan kasama nyang umakyat sina Lauren. Wala ng tourist spot rito na hindi pa nya napuntahan.

Kaya habang namamasyal ang mga kasama ni Ramcel, nagkasya na lang syang umupo somewhere at magsulat. She also took her free time to call her family. Nagpromise syang magpipirmi sa bahay bago bumalik ulit sa trabaho para makabawi sa mga ito. Lagi syang absent kapag may okasyon sa bahay dahil busy sya.

Tinawagan rin nya si Jenny na kasalukuyang nagsa-sun bathing kasama si Joshua. Binanggit rin nitong on the way na si Victoria sa Spain kasama ni Chef Alejandro.

“Don’t worry. Food expo lang yun. She’ll be back after a week. She’s not staying there for good,” Jenny said.

“I’m not worried,” nakakunot ang noong sabi ni Ramcel but she felt relieved hearing it.

“Hmmmn, okay. Sabi mo eh,” nang-aasar na sabi ng kaibigan saka ito tumawa. “Kidding aside. I hope this vacation would clear your mind.”

“I hope so,” sabi na lang nya bago magpaalam.

“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap,” sabi ni Faith sabay pumuwesto sa upuang nasa harapan nya. Nakaupo sya sa isang local café na nasa Botanical Garden. Hindi na sya nag-ikot pa dahil she knew the place like the back of her hands. Mas minabuti nyang magsulat na lang.  “Nauuhaw na ako. Painom naman.” Wala nang nagawa pa si Ramcel nang kinuha ni Faith ang iniinom nyang Strawberry shake.

“Feeling close talaga tong babaing to,” naisip ni Ramcel habang sinasamaan ng tingin si Faith at isinara ang pinagsusulatang notebook. “Sayo na yan. Baka mahawa pa ako sa sakit mo.”

“Wala akong sakit! Healthy kaya ako.” Inirapan sya nito pero tuloy pa rin ang pagsipsip nito sa shake na inangkin nito. “Saka bakit mo ko ipinakilala kay Jin?”

“Bakit? Anong problema sa kanya? Mukha namang nag-e-enjoy kang kasama sya. Magka-holding hands pa nga kayo eh,” Ramcel pointed out and Faith blushed furiously.

“Pinakilala mo ko sa kanya para hindi kita kulitin ano?” Tila nagtatampo nitong sabi.

“Oo naman! Buti alam mo,” nangingiti nyang sabi dahil sumimangot ito. Maya-maya umalis ito tangay-tangay ang shake nya dahil tinawag na ito ni Jin para maglibot-libot ulit.

Umorder sya ulit ng shake. Maya-maya si Dominique naman ang lumapit sa kanya at ipinakilala ang pinsan nitong si Mary. Gusto sana nyang mapag-isa pero wala na syang nagawa when they joined her table. Nakipagkwentuhan na lang sya sa mga ito habang kumakain ng bucket of fries while sipping cool shakes.

Buong araw silang nag-ikot sa Baguio at kinabukasan dumaan muna sila sa Strawberry farm bago tumuloy- tuloy sa Sagada. Wala syang chance kahit umidlip man lang dahil maya-maya, tinatabihan sya ni Faith para daldalin o kaya naman ni Dominique and talked about different art museums they visited. Nang akala nya makakatulog na sya, si Kristine naman ang sumunod na pumunta sa tabi nya to update her about Pris’ condition.

By the time they arrived in Sagada, Ramcel fell asleep as soon as her body hit the bed after taking a warm bath. She was starving when she woke up early morning the next day. Madilim pa lang nagtungo na sila sa Kiltepan Viewpoint. She forgot about her hunger, her pain, her loneliness, even the world around her when she saw one of the most beautiful sunrise she had ever laid her eyes on.

“Beautiful isn’t?” She heard Dominique whispered beside her.

Ramcel nodded. She was speechless. She felt something grow inside her. Was it hope? She didn’t know. But something lifted off her chest. She’d been living in the dark for a very long time and she saw the door cracked and got a glimpse of light. This time, it’s reachable. All she had to do was to touch the knob and open it.

Marahang naglandas sa pisngi nya ang mga luha. But it wasn’t for despair. Was it for happiness? Freedom from pain? She was unsure. Ang alam nya, gumaan ang pakiramdam nya.

Nakita nyang nagpupunas rin ng luha nito si Dominique. Maging sina Jin at Faith, na nakatayo sa may di kalayuan ay mas mukhang maaliwalas. “This is indeed a broken hearts tour,” natatawang isip ni Ramcel.

Sabay-sabay nagbreakfast ang lahat sa isang local restaurant. Tinawag sya ni Kristine to join her table. She found herself sitting infront of Dominique, who still looked sad but there was a spark of hope on her eyes.

“To new beginnings?” Dominique said to her smiling.

“To new beginnings.” Ramcel smiled back. They toasted it using their cups of black coffee.

Since Nine Book 3: ShatteredOn viuen les histories. Descobreix ara