Recuerdo

3.7K 196 35
                                    

CHAPTER 31

VICTORIA

“Are we there yet?” Ramcel asked whispering for the nth time.

“Ram, hindi pa tayo nakakalagpas ng EDSA.” Pinandilatan ito ni Victoria. “Matulog ka na ulit.”

“I can’t, I’m hungry,” reklamo nitong bumubulong pa din. “Can I have one more ensaymada?”

It was 4AM in the morning and they were on their way to Bataan for Jenny’s wedding. Bukas pa ng sunrise ang kasal pero nagpa-reserve ng casa ang pamilya ng couple para sa mga close friends ng mga ito at makapag-enjoy sa resort kung saan gaganapin ang event.

Madilim pa sa labas maging sa loob ng coaster na sinasakyan nila. Tulog din ang iba pa nilang mga kasama, na pawang mga pinsan nina Jenny at Joshua.

“No you can’t! You just ate three before leaving!” Victoria said glaring and Ramcel pouted. “If you don’t want to sleep, I will.” She closed her eyes and ignored Ramcel. 

She heard Ramcel mumbled something about asking Liezle for food. Victoria sighed frustratedly. Tatayo na sana ito para puntahan si Liezle na nasa bandang likuran ng coaster katabi ni Lauren, nang hawakan nya ito sa braso para pigilan. Napaupo ito ulit.

Kinuha nya ang paperbag na nasa paanan nya at inabot kay Ramcel, na lumiwanag ang mga mata nang makitang puro ensaymada ang laman niyon. Napangiti na lang sya. Agad itong kumuha ng isa saka binuksan.

Pagkatapos nang pag-uusap nila ni Ramcel sa hardin, they were closer. Hindi pa kagaya nang dati pero may progress na. Nagiging makulit na ulit si Ramcel kapag silang dalawa lang.

Nang minsang hindi ito busy, sinama sya nitong magcoffee with Liezle, Samantha, Lauren and Helena. Friendly pa rin sa kanya si Lauren dahil nakapagbonding na sila last time but she expected the other three to be hostile towards her especially Liezle but she was wrong.

Liezle was nicer. Hindi sya nito iniirapan like before. Medyo tahimik lang ito at malalim ang iniisip. Sabi ni Ramcel may sakit ang Daddy nito. She had to hide her surprise when Samantha and Helena were still friendly. Masaya sya para sa dalawa dahil going strong pa rin ang mga ito.

Kahit mga professionals na ganun pa rin kadaldal at kakulit ang mga ito pag nagsama-sama. Kung anu-ano ang pinag-uusapan ng mga ito kaya masarap lamang makinig. She could swear she heard Helena whispered something about sex and fuck buddy to Ramcel, who turned red. Tumigil lang ito nang sikuin ito ni Lauren at pinandilatan ito ni Liezle.

“Akin na lahat to?” Parang batang tanong ni Ramcel. Minsan napapatanong na lang sa sarili si Victoria kung director ba talaga ito?

“You should share it,” Victoria wanted to say but Ramcel looked adorable so she just nodded.

“Huwag ka ngang madamot.” Biglang lumitaw si Helena sa gilid ni Ramcel saka kinuha ang paperbag. Nakalimutan ni Victoria na sa likod lang pala nila nakapwesto ito kasama ni Samantha, na tumatawa. Nakasimangot si Ramcel nang kumuha ng dalawang ensaymada ang kaibigan.

“Hindi ka ba nagsasawa kakakain nyan?” Victoria asked.

Ramcel shook her head because her mouth was full. “I love your ensaymadas. I’m just trying to make up for the years I haven’t tasted it.” Medyo muffled pa ito nang magsalita but it made Victoria blushed. Buti na lang madilim sa loob ng coaster kaya hindi nito kita.

Nakadalawang ensaymada pa si Ramcel bago ito nakuntento. Pareho silang nakatulog pagkatapos nun. When Victoria woke up, Ramcel’s grayish eyes were first thing she saw. Nakatulog pala sya sa balikat nito. Ang lapit ng mukha nila sa isa’t-isa. They started at each other’s lips then at each other’s eyes.

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now