Dreams

3.4K 183 9
                                    

CHAPTER 10

VICTORIA

“Why are you working? This is supposed to be a vacation?!” Narinig ni Victoria na sinita ni Jenny si Ramcel, na noo’y nakasalampak sa sahig ng living room habang nagsusulat sa notebook nito. Kita naman nya ang mga ito mula sa kusina kung saan sya nags-slice ng pork na ima-marinate nya para i-barbeque nila mamayang hapon sa gilid ng pool.

“I’m working on my book. I just thought of an idea and I have to write it down or else I’ll forget it,” sagot nito habang patuloy ito sa ginagawa.

Pagkatapos nilang mag-almusal, agad na umalis ng hapag-kainan si Ramcel. Napasimangot si Vi nang sinabi nitong lalabas para hanapin si Crystal, ang maharot na babaing inuwi nito sa villa nila kagabi. Buti na lang napigilan ito ni Jenny, na humirit na magbonding silang tatlo sa private pool sa likod.

Ramcel wanted to invite Crystal and Victoria was secretly elated when Jenny sternly said no. Alam nyang hanggat maaari iiwasan sya ni Ram pero wala itong nagawa nang pandilatan ito ng kaibigan nila.

“Tumulong ka nga dun sa kusina,” nakapameywang na sabi ni Jenny.

Nag-angat nang tingin si Ramcel at nginitian nang nakakaloko si Jenny. “Are you sure? Gusto mo bang maglasang fish ang pork barbeque?”

Natawa si Jenny. “Hayaan na natin si Vi sa barbeque. Tulungan mo na lang ako sa cheese sticks. Mag-slice ka ng cheese. Ako na ang bahalang magwrap.” Kinuha nito ang kamay ni Ramcel, na napilitang tumayo nang hilain ni Jenny.

They both joined Victoria on the kitchen counter. Lumakas ang tibok ng puso nya nang umupo sa tapat nya si Ramcel at nahagip ng ilong nya ang pabango nito. It took all of her strength not to pull Ramcel towards her and kiss her lips. Tinabihan naman ito ni Jenny na pinukpok ang kaibigan dahil agad na isinubo ni Ramcel ang makapal na kesong hiniwa nito.

“Ano ba yan Ram! Wag mong kainin yan!” Angil ni Jenny nang magslice ulit ng makapal na cheese si Ramcel sabay subo. Nang-aasar pa itong pumikit na tila ninanamnam nito. “Nakakainis ka talaga.”

Dahil tila walang balak tigilan ni Ramcel ang cheddar cheese, nagbukas na lang ng panibago si Jenny at ito na ang naghiwa ng gagamitin nito sa cheese sticks.

“So, saan tayo pupunta pagkatapos dito sa isla?” Tanong ni Jenny.

Pinukulan ito nang masamang tingin ni Ramcel. “Ikaw ang nagyaya sa bakasyong to. Wala ka man lang ginawang itinerary?”

“Ang sungit mo! Gusto ko kasing maging spontaneous tayo. Kung ano na lang maisipan natin. Kung gusto natin mag-HongKong tomorrow, pwede naman,” depensa ni Jenny.

“Pwede namang umuwi na lang tayo so I could get back to work. Marami akong iniwang trabaho,” umirap na sabi ni Ramcel.

“That’s not true! Alam kong tapos na ang mga projects mo. At next month pa mag-uumpisa ang mga bago mong projects dahil sinabi sakin ni Olivia,” ganting irap na sabi ni Jenny. “Kaya wala kang takas.”

Ramcel didn’t answer. Padabog itong tumayo at iniwan sila sa kusina.

“Ramcel, come back here!” Singhal ni Jenny at susundan na sana nito ang kaibigan pero pinigilan ni Victoria.

“Jen, hayaan mo na sya. We both know why she’s being like that.” Nag-iinit ang mga mata ni Vi pero pinigilan nyang umiyak. “Let’s take it one day at a time. Bakit hindi muna tayo magbonding today? Magmovie marathon muna tayo habang nagma-marinate ang meat o kaya let’s go swimming at the beach.” 

“Okay. Let’s just stay indoor. Ilang araw na tayong babad sa araw. Baka hindi na ako makilala ni Joshua pagbalik sa sobrang itim ko,” natatawa nitong sabi. “Wala ka bang balak sabihin ang tungkol sa…”

Since Nine Book 3: ShatteredUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum