Just Friends

3.7K 181 15
                                    

CHAPTER 29

VICTORIA

After Victoria had Lunch with Travis and her friends, she didn’t see Ramcel anymore. Natapos na kasi ang bakasyon nito at back to work na ulit ito. Natuwa naman sya nang nagsabi ito sa group message nila nina Jenny na nasa Bacolod ito at nagsho-shoot ng pelikula.

Nahihiya sya noong unang mag-direct message dito. Paano kung i-seen lang sya nito? Nagbakasali na lang sya. Nagchat sya rito isang gabi. She only sent her “Take care and don’t skip meals”. Hindi sya umasang magre-reply pa ito dahil alam nyang busy ito at baka hindi pa ito kumportableng makipag-usap sa kanya.

She was very grateful because Ramcel accepted her as a friend but she also knew it was still awkward between them. Buti na lang hindi sya napahiya rito nang niyakap nya ito noong nasa Wind farm sila. Miss na nya ang mga yakap nito. But she also had to refrain herself from doing so. She had to take it slow.

Her heart skipped a beat when Ramcel replied. “I won’t. Too bad I don’t have cheesy ensaymada.” At may sad emoticon pa itong kasama. Napangiti tuloy sya. Kung malapit lang talaga ang Manila sa Bacolod, dadalhan nya ito kaagad.

“I’ll make lots of them when you get back,” she told Ramcel.

“Promise?”

“Promise.” Natatawa sya. She could imagine Ramcel’s hopeful face.

“Does it come with a full course meal?” Ramcel asked her again.

“Sure, Ram. Just let me know when.”

“Okay. I’ll see you soon. I hope.” May kasama ulit itong sad emoji. Alam ni Victoria kung gaano ka-hectic ang schedule nito. Sunud-sunod ang magiging projects nito pagkatapos nitong maging Grand Slam Best Director.

Victoria was proud of Ramcel. Natutuwa syang nakamit na nito ang mga pangarap. It was time for her to realize her dreams too. Kaya inabala din nya ang sarili sa catering nya at sa pagpa-plano ng sarili nyang restaurant.

Kabi-kabila ang mga orders sa kanya at may Fiesta Week pa sya tuwing weekends kaya naman nakakatulog na sya agad sa gabi dahil sa pagod. There were times she would still wake up in the middle of the night after a bad dream. Ngunit hindi na iyon madalas.

“Open pa ba yung offer mo ng lots of cheesy ensaymada with full course meal?” Lumukso ang puso ni Victoria nang makita ang message ni Ramcel after a month.

“Yes. When are you available?” Nakailang ulit pa sa pagta-type si Victoria bago maka-reply dahil sa sobrang excited nya, may mga typos.

“I’m free this Friday night.”

It was still Monday but Victoria already planned the four course meal she would prepare.

Nagset-up sya ng dinner for two sa bahay nya sa Makati. Para bigyan sila ng privacy, sa hotel natulog si Monica at ang Mama nya. But to her disappointment, nagcancel si Ramcel. May emergency meeting daw ito sa Studio 11. Sinabi nyang maghihintay sya kahit late na but Ramcel told her they’d do it next time instead.

Ilang beses silang nagset-up nito but Ramcel would always cancel. Kung wala itong meeting, workshop, biglaang out of town, sinasabi nitong masama ang pakiramdam kaya hindi makakarating.

“Pakiramdam mo ba, ginagantihan ka nya?” Tanong ni Monica, nang minsang hindi na naman dumating si Ramcel dahil may kailangan daw itong tapusing script.

“I don’t know what to think. Kung ganti man nya ito, I deserve it,” malungkot nyang sabi. Hindi nya ma-enjoy ang Baby Backribs na niluto nya. “But I know Ramcel. She’s a good person. I don’t believe she’s doing this for revenge.”

“Maybe she’s still hesitating? She decided to be friends with you again but she’s still afraid to get close to you,” komento ni Monica.

“I guess so,” Victoria said softly.

“Ligawan mo kaya,” sabi ni Monica. “Kung gusto mong magkabalikan kayo, bakit hindi mo sya suyuin ulit like you originally planned?”

“Nilinaw na nya sakin na ayaw na nya.” Paulit-ulit pa rin nyang naririnig ang sinabi ni Ramcel sa kanya noong nasa isla pa sila. Na pagod na itong mahalin sya.

“Susuko ka na lang ba, Vi? Tinanggap ka na nya ulit. That’s a start. Gamitin mo ang pagkakataong ito para mapalapit ulit sa kanya. If she wants to be friends, then be her friend. Busy syang gumagawa ng script di ba? Bakit hindi mo dalhin sa kanya ang pagkaing hinanda mo? Baka hindi pa sya kumakain,” nangingiting sabi nito.

Pumasok na sa isip nya iyon ngunit nag-aalangan sya. Paano kung excuse lang pala ni Ramcel na busy ito dahil ang totoo, hindi nito kayang makasama sya?

“You are a brave woman. Don’t give up on Ramcel.” Monica held her hands gently. “Sasamahan kita.” She smiled at her encouragingly.

Monica was able to convince her. Nagpack sya ng pagkain para kina Ramcel at Arianna, ang dating assistant nito sa New York at syang sinabi nitong kasamang gumagawa ng script. Sinigurado rin nyang marami syang dalang cheesy ensaymada.

She thought of wearing one of her beautiful dresses but decided against it. Baka isipin ni Ramcel na nagpapaganda sya para rito. Well, totoo naman kaso they were only supposed to be friends right? She needed to act natural if that was even possible. Victoria just put on a simple sleeveless blouse, jeans and high heels.

Kinakabahan sya kaya si Monica ang nagpresintang magdrive. Paminsan-minsan sya nitong tinatapunan nang nanunuksong ngiti. Nag-iinit tuloy ang mukha nya sa hiya. But she was glad Monica was there for her. Naging malapit pa rin sila nitong magkaibigan kahit natapos na ang kalbaryo nila sa isla ni Hector. She was very thankful that Monica survived. Akala nya mawawala na ito.

She suddenly felt nostalgic when she entered the condo’s lobby. The place used to be hers and Ramcel’s home. Nang marating nila ang pinto ng condo ni Ramcel, hindi nya magawang pindutin ang doorbell kaya si Monica na ang gumawa nun.

Ang lakas nang kabog ng puso nya. Natatakot at nae-excite sya at the same time na makitang muli si Ram. Siguradong maso-sopresa itong makita sya.

Ngunit sya ang nasorpresa nang makita kung sino ang nagbukas ng pinto. It was the same woman Ramcel was flirting with on the island. Crystal was it?

“H-Hi!” Nasorpresa rin ang babae nang makita sya. Crystal gave her an awkward smile. Ngayong napagmasdan itong mabuti ni Victoria, napakaganda nito kahit nakasuot lang ito ng damit- pambahay. No wonder she caught Ramcel’s attention. Wait, bakit nakapambahay lang ito? “P-Pasok kayo. N-Nasa kwarto lang si Ramcel.” Medyo nag-aalangan ito sa kanya. Alam nito kung sino sya.

At alam rin ni Victoria kung ano sya sa buhay ni Ramcel, kaya pinilit nya ang sariling ngumiti. “Hi. Mukhang nakaistorbo yata ako sa inyo.” She did her best to sound apologetic. Parang kinurot ang puso nya nang mapansing t-shirt ni Ramcel ang suot ni Crystal.

She couldn’t help but think of them being intimate. Parang sasabog ang puso nya kaya pinaalalahanan nya ang sariling kumalma dahil wala syang karapatan.

“Naku hindi naman. Ako nga ang…”

“Hindi na kami magtatagal. May kailangan pa kasi kaming puntahan. Dumaan lang talaga ako rito para ibigay kay Ramcel to.” Inabot nya kay Crystal ang malaking paperbag na dala nya.

“Hindi na ba kayo papasok? Wait lang, tatawagin ko si Ram…”

Bago pa nito matawag si Ramcel, mabilis nang hinila ni Victoria si Monica para makaalis na sila agad roon. Sakto ring bumakas ang elevator. Sa pagmamadali nyang sumakay, nabangga pa nya ang isang babaing palabas naman. She said sorry without looking at the woman. Nakayuko na sya dahil unti-unti nang pumatak ang kanyang mga luha.

“Vi?” A familiar voice called her.

Pasara na ang pinto ng elevator nang mag-angat sya ng tingin. Nakita nya si Arianna na nag-aalalang nakatingin sa kanya.

Tahimik lang syang lumuha habang sakay ng kotse. Hinayaan na lamang sya ni Monica at hindi na ito nagkomento pa.

Hindi na sila nagkita pa ni Ramcel. Nalaman nya kay Jenny, na noong una’y reluctant pang sabihin, na lumalabas-labas na si Ramcel kasama ni Crystal.

It was painful to know that but she had to endure it. She had to get use to the idea, that she and Ramcel were just friends. Wala syang magagawa kung makipagdate man ito sa iba.

To avoid thinking of Ramcel all the time, Victoria distracted herself on taking a lot of orders. Kahit ang Mama nya ay sinabihan syang maghinay-hinay. Maging si Monica ay pinapagalitan na sya dahil alam nitong sinasadya nyang magpakapagod.

“Since gusto mong magpakamatay sa pagod, we have another order,” Monica said while reading the official email of Victoria’s Kitchen on a laptop. Nasa kusina sila ng bahay at katatapos lang nilang magdinner. Nauna nang matulog ang Mama nya. “This one wants Seafood Paella, Porchetta, Croquette and Macaronnes con Chorizo good for 10 pax. May special request pa.”

Napatingin si Victoria rito habang nagsasalin sya ng red wine sa kopita. “What request?”

“You deliver it personally.”

Napakunot ang noo nya. Kapag wala syang masyadong ginagawa, kasama syang nagde-deliver pero nang maging in demand ang mga dishes nya, mga tauhan na lamang nya ang naghahatid.

“Gusto ka raw nyang makita at makausap in person,” pagtutuloy ni Monica. Lumapit sya sa laptop at tinignan ang address kung saan ito ide-deliver. Reichter Park. Isa itong newly built subdivision within Makati. “Kailangan daw nila by 7PM two days from now.”

Tumango na lamang si Victoria.

Kasama si Monica at ang tatlo pa nyang mga crew, Victoria found herself infront of a large all white modern house in Reichter Park after two days. Matapos magpakilala ni Monica sa guard na nagbabantay, binuksan nito ang gate para maipasok ang van.

Malawak ang garden ng bahay. Maliwanag nyang nakikita ang ibat’ibang klaseng mga halaman at bulaklak dahil nagkalat ang Japanese lanterns, which gave a delighful effect.

May sumalubong sa kanilang dalawang babae na tauhan marahil ng may-ari ng bahay nang huminto ang van sa driveway. Tinulungan sila ng dalawa para maibaba sa van ang mga tray ng pagkain. Didiretso na sana sya kasama ng mga ito sa dining room kung saan dadalhin ang mga pagkain nang tawagin sya ng isang pamilyar na tinig.

“Hi, Victoria. I’m glad pinagbigyan mo ang request ko,” nakangiting sabi ni Reese.

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now