Jealous

4K 172 10
                                    

CHAPTER 28

RAMCEL

Gustong hampasin ni Ramcel ng laptop ang mga kaibigan nya dahil bigla na lamang dumating ang mga ito sa condo nya on a Monday morning. Abala syang nagbabasa at nagre-revise ng script para sa isang pelikula nang guluhin sya ng mga ito para lang tanungin tungkol kay Victoria. Siguradong binalita ni Jenny sa mga ito ang pagbabati nila ni Victoria.

“Nagkabalikan na kayo?” Tanong ni Lauren habang naglalagay ng peach colored nail polish.

“Napatawad mo na sya?” Usisa naman ni Liezle na nakakunot ang noo.

“Nag-kiss na kayo?” Kinikilig si Samantha.

“Nagsex na kayo?” Namimilog ang matang tanong ni Helena, na pinukpok ni Samantha sa braso.

Sabay-sabay syang tinatanong ng mga ito.  Ramcel tried to ignore them but they were really annoying. Hindi na sya makapagconcentrate sa ginagawa.

“Ano ba?! Bakit ang gulo-gulo nyo?” Inis nyang singhal ngunit hindi man lang natinag sa masamang tingin na ipinukol nya sa mga ito. “Hey, put that away!” Inilayo nya ang mga papers kay Lauren dahil baka mapatakan nang ginagamit nitong nail polish.

“So, nagkabalikan na nga kayo?” Ulit ni Lauren.

“Nagsex na kayo?” Singit din ni Helena.

“Lunes na lunes, guys. Wala ba kayong mga trabaho?!” Ramcel frowned. Kung minsan hindi sya makapaniwalang magaling na Engineer sina Helena at Samantha.

“I called in sick,” Samantha answered.

“Me too. This is more important,” Lauren said. “Cancelled lahat ng appointments ko today.”

Ramcel couldn’t believe her friends. Akala mo mga hindi professionals. Pati ang abogadong si Lauren at head ng Metro Art Magazine na si Liezle ay nakikisali sa kalokohan.

“Nagsex na nga kayo?” Persistent talaga si Helena.

“Sakit kayo sa ulo, alam nyo ba yun? Bakit ba interesadong- interesado kayo?” Naiiling na sabi ni Ramcel at tuluyan nang isinara ang laptop dahil hindi sya titigilan ng mga ito. Nakatingin ang mga ito sa kanya at naghihintay ng sagot. “Hindi kami nagkabalikan,” she looked at Lauren. “No, we didn’t kiss,” she told Samantha. “We decided to start as friends.”

“Hindi kayo nagsex?” Helena quipped.

“What the hell is wrong with you?!” Gusto na nyang ibuhos ang malamig ng kape nya sa ulo nito. “Friends lang kami.”

“Pwede naman yun ah. Friends with benefits!” Helena retorted but Ramcel ignored her.

“Napatawad mo na pala sya,” Liezle commented coldly. Sa lahat ng kaibigan ni Ramcel, ito ang pinakagalit kay Victoria dahil na rin siguro may pagtingin ito sa kanya.

“Not exactly. Pinili ko lang magsimula kaming muli. Pagod na akong magalit, Liz. And I admit, nabawasan yung bigat sa dibdib ko,” she said honestly. “We are friends but it doesn’t mean we are going back together.”

“May pag-asa bang magkabalikan kayong muli?” Samantha asked.

“I really don’t know. Sa ngayon, wala sa isip ko yan.”

“Open ka sa idea na magkabalikan kayo? Akala ko ba gusto mo nang magfile ng divorce?” Kita na sa mukha ni Liezle ang iritasyon. “Pagkatapos nang lahat ng ginawa nya sayo, papapasukin mo sya sa buhay mo nang ganun lang?”

“Will you just chill?” Awat ni Helena kay Liezle, na lalong sumimangot. “Bitter lang? Ikaw ba ang nasaktan at iniwan?” Dugtong pa nito. “Masyado mong inaalagaan yang hacienda mo ng ampalaya. Magtanim ka naman ng iba, like atis. Para magkaroon ka naman ng tamis sa katawan.”

Liezle sighed. “I’m sorry, Ram. I have to go.” Tumayo na ito saka dire-diretsong lumabas ng condo.

Ramcel glared at Helena then followed Liezle. Nahabol pa nya ito sa labas ng pinto. “Wait.” Hinawakan nya ito sa braso para pigilan. “What’s wrong?”

“Nothing.”

Pinagmasdan nya ang magandang mukha ng kaibigan. Punong-puno ito nang pag-aalala. Malamlam din ang mga mata nito at tila wala pa itong tulog. “You can tell me anything.”

Naghesitate pa ito noong una. “Inatake sa puso si Dad kagabi.” Saglit na natigilan si Ramcel sa narinig. Hinila nya si Liezle palapit sa kanya para yakapin nang magsimulang tumulo ang luha nito.

“How’s the General now?”

“He’s okay. Stabilized but still being monitored. According to his doctor, if he’s not careful, the next one would be fatal.” Pinupunasan na nito ang mga luha gamit ang panyo. “I’m on my way to the hospital. Dumaan lang ako dahil may importante daw pag-uusapan sabi ni Helena.”

Ramcel rolled her eyes. “Sorry kung nadamay ka sa kalokohan ng mga yun.”

“Are you really okay, Ram?” Nakuha pa rin nitong maging concern sa kanya. “I don’t like Vi but if you are happy being friends with her again, then I support you. Don’t let her hurt you though. You’ve been through a lot.”

When writing and directing movies and TV series couldn’t keep her mind off Victoria, she would call Liezle or Lauren even in the middle of the night and ask to join her for a drink. Pupunta sila kay Tita Marie para uminom o kumain ng masarap na pancit. Liezle was always there for her.

They almost kissed during one of their drinking sessions. Liezle was her friend and she didn’t plan to ruin it by being stupid. Ramcel knew her friend loved her but she didn’t want to take advantage of that. If she could only teach her heart.

“I am okay. I feel better now after a long time,” she assured her. “Wala kang dapat ipag-alala sa akin. Ang dapat nating focus ngayon ay ikaw. Ihahatid na lang kita sa ospital. I can’t let you drive when you’re like that.”

“I’m fine, Ram. May kasama akong driver.”

“Send me the details then para mapuntahan ko naman sya.”

Tumango ito. “I have to go, Ram. Pakisabi na lang sa kanila.” Bumeso muna ito sa kanya saka umalis.

Naguilty si Helena nang sabihin nya sa mga ito ang kalagayan ng Dad ni Liezle. Since ginulo na ng mga ito ang pananahimik nya, napagkasunduan nilang sumunod sa hospital para damayan ang kaibigan. Nagpasalamat sa kanila ang Mom ni Liezle dahil nagdala rin sila ng pagkain para sa mga ito. Tulog ang Heneral kaya sa labas ng kwarto lang sila nagstay para makipagkwentuhan sa kaibigan. 

Nagpaalam si Ramcel before Lunch dahil pupunta sya sa House of Elondres para makipagkita kay Jenny roon at nang masukatan para sa susuoting gown. She agreed to be the Maid of Honor. Victoria convinced her to do it.

Speaking of Victoria, she could still feel pain within her whenever she thought of her but that extreme anger was gone. May konting galit pero normal na yun. Hindi na siguro yun mawawala. In a way, natanggap na nyang hindi sila nito para sa isa’t-isa kaya nangyari ang mga nangyari.

“Ayaw mo na ba talaga?” Her mind teased.

Hindi sya magkukunwaring hindi nya ito namiss. Nang yakapin sya nito, natigilan sya. The whole world stopped. Having Victoria in her arms like that again made her heart pound hard. But she couldn’t let her feelings swept her away like that. Kailangan nyang kontrolin ang sarili.

Ngunit paano makakalma ang puso nya kung tila paganda nang paganda si Victoria sa tuwing makikita nya ito? Tila ito isang mala-anghel na diyosa nang maabutan nya ito sa atelier ni Miranda Elondres. Nakasuot ito ng very stylish dusty rose halter gown made of chiffon.

Pagdating na pagdating nya pinadiretso na sya sa loob ng isang assistant kung saan naroon sina Jenny at Victoria, na kasalukuyang isinusukat ang gown na susuotin nito sa kasal. Pagpasok pa lang nya sa sa kwarto, si Victoria agad ang nakaagaw ng pansin nya. Hindi na napigilan ng mga matang pagmasdan ang magandang kabuuan nito. Nakaharap ito sa full length mirror at nagtama ang kanilang mga mata sa reflection. Victoria’s tied jet black hair was a contrast to her fair skin.

For a moment, Ramcel was transported on the the day of their wedding in California. Victoria looked so radiant and stunning. Ramcel swore to herself at that instant, as Victoria walked down the aisle, she wouldn’t let go of her.

“You didn’t let go. She did,” she reminded herself. Nagawa nyang tanggalin ang pagkakatitig rito.

“Oh my god, Vi! You look  beautiful,” bulalas ni Lauren. Nakalimutan ni Ramcel na kasama pala nya ang kaibigan.

Naiwan sina Samantha at Helena sa hospital at nagpresintang sumama sa kanya si Lauren. Malamang para obserbahan sila ni Victoria. Sigurado syang magre-report pa ito real time sa iba nilang mga kaibigan.

For some reason, Lauren and Olivia were hopeful that she and Victoria would get back together someday.

“It doesn’t make sense. Parang imposibleng mawawala nang ganun lang ang pagmamahal nya sayo,” she could remember Lauren saying.

“Puntahan mo kaya ulit si Vi. That Hector is very shady,” Olivia said. Nag-iinuman sila noon sa isang bar sa Pasig. That was few days after Victoria broke up with her in Batangas. “He reminded me of Domino.” Olivia was referring to her psychopath ex- boyfriend.

“Domino is very shady indeed. Who would name their son after a pizza?” Ramcel retorted sarcastically and it earned her a death glare from Liv.

Ngunit kinabukasan nun, bumalik si Ramcel sa Batangas. Kinain nya ang pride nya para lang magmakaawa sana kay Victoria na huwag syang iwan ngunit bigo sya dahil wala na ito. Ayon kay Maristela, nag-out of the country sina Hector at Victoria para magtour sa Europe.

“We should have coffee sometime to catch up.” Lauren’s enthusiasm broke Ramcel out of her reverie.

“Bakit hindi tayo maglunch after ng fitting ni Ramcel?” Jenny suggested and everyone agreed. Ramcel didn’t have a choice anyway.

Sinimulan syang sukatan. Pinasuot din sa kanya ang halter gown para ma-alter according to her size. Her’s was a little darker than Victoria’s. She earned admiring comments from her friends. Ramcel felt herself blushed because Victoria was staring at her intently.

Nawala sya sa mood nang tumawag si Travis kay Victoria. Inaanyayaan ng lalaki si Vi para maglunch. Lalo pang nainis si Ramcel nang sabihin ni Jenny na sumama na lang ito sa kanila.

“Who’s Travis?” Pabulong na tanong ni Lauren habang inaayos ni Ramcel ang pagkakabutones ng button down shirt nya.

“Ewan.” Nakasimangot nyang sabi.

Lauren studied her face then smirked. “Manliligaw ni Vi?” Nanunukso nitong tanong. Sinamaan nya ito nang tingin. “Selos ka?”

“Of course not,” tanggi nya.

Magkahiwalay na kotse silang pumunta sa restaurant na napagkasunduan nilang kainan. Ramcel’s heart sank when Victoria’s face lit up when she saw Travis. Nagyakap pa ang dalawa. Ipinakilala ni Jenny ang lalaki kay Lauren, who shook hands with him.

Jenny looked at her strangely but she ignored it. Dahil parang kinurot ang puso nya nang kumapit pa si Victoria sa braso nang lalaki papasok ng restaurant.

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now