Unconditionally

3.9K 205 20
                                    

CHAPTER 38

VICTORIA

A loud crash filled the kitchen when Victoria accidentally dropped a cup of coffee when she was about to sip from it. “Sorry,” she muttered. Agad na lumapit sa kanya si Travis dala-dala ang walis ting-ting at dustpan para tanggalin ang kalat.

“Okay ka lang?” Nag-aalalang tanong sa kanya ni Verna, ang isa sa mga volunteers na kasama nya. “Magpahinga ka kaya muna. Wala ka pang masyadong tulog mula pa nung isang gabi.”

“I’m fine. Dumulas lang sa kamay ko.” Victoria gave her an assuring smile. “Tatapusin ko lang tong sopas saka ako magpapahinga. Baka nagugutom na kasi ang mga tao.”

Nasa kitchen sila ng St. John the Baptist Church, kung saan sila sa nakisilong kasama ng mahigit isang daang evacuees galing sa bundok noong kasagsagan ng malakas na hangin at ulan.

On the first night, they heard the wind whistled outside as heavy rain pounded the church. Hindi sya nakatulog sa sleeping bag nya. Napakalakas ng bagyo ngunit mabilis rin itong humupa. Ayon sa balita sa transistor radio na dala ng isa sa mga evacuees, palabas na raw ang bagyo.

Wala pa ring kuryente dahil maraming mga poste ang natumba. Battery empty na ang cellphone nya noong isang araw pa kaya hindi na sya nakapag-update sa Mama nya. Buong gabi ring nasa isip nya si Ramcel. Miss na miss na nya ito. Ni hindi sila nito nagkita bago sya nagtungo sa Nueva Vizcaya.

May kung anong kabang umusbong sa puso nya nang maalala si Ramcel. Sana nasa maayos itong kalagayan maging ang pamilya nito.

Dahil hindi makatulog, nagpresinta sya kay Father Francis na magluto ng agahan para sa lahat. Mabuti na lang at handa ang simbahan sa bagyo kaya nakapagstock ng mga kakainin.

Tinulungan sya ni Travis at ng ilang mga evacuees para magluto ng chicken soup. Tulong-tulong din silang nagsalin sa styrofoam bowl habang ang iba naman ay nagdi-distribute sa mga tao.

“Dumating na ang tulong galing sa Studio 11. Sakto, may dala-dala silang mga tinapay,” pagbabalita ni Rico.

Victoria smiled and thought that Olivia was very admirable. Bukod sa isa sa mga Executives ng Studio 11 Network, si Olivia ang head ng The 11 Foundation. Kung noon pinagseselosan nya ito dahil close na close ito at si Ramcel, napalitan iyon ng paghanga dahil likas sa dalaga ang pagiging mabuting tao. Matulungin ito at laging iniisip kung paano makakatulong sa kapwa. Kaya nung tawagan sya nito kung gusto nyang magvolunteer para magturo ng pagluluto ng mga masusustansyang pagkain, pumayag sya kaagad.

“Anong maitutulong namin?” Focused sya sa paglalagay nang mainit na sopas sa mga bowl nang marinig nyang tanong ng isang volunteer.

“Dalhin mo na lang itong tray ng mga sopas para madistri…” Sagot nya at natigilan nang mag-angat sya ng tingin. Her mesmerizing grayish eyes were fixed on her intently. “Beautifully disheveled,” she thought as she took in Ramcel’s presence. Nakaponytail ang mahabang buhok nito. There were lose strands which probably ruffled by the wind outside. “W-What…?” Ilusyon lang ba ito? Resulta ba ito ng gutom at antok kaya kung anu-anong nakikita nya?

“Am I that beautiful?” Ramcel teased.

“You’re really here,” wala sa sariling sabi nya.

Ngumiti sa kanya si Ramcel kaya napatitig sya sa mga labi nitong mapanukso. Kung hindi lang pumasok sa loob ng kusina si Father Francis kasama sina Olivia, Helena, Samantha, Liezle at Jenny, kanina pa nya hinalikan si Ramcel sa labi.

“I’m so glad you’re safe,” Jenny said and pulled her into a tight hug. Bumeso rin sa kanya sina Olivia at ang ibang kaibigan nila even Liezle, who gave her a warm hug and a kind smile. Nagtaka sya sa ikinilos nito pero hindi na lang nya pinansin lalo nang hinila sya ni Ramcel at ikinulong sa mga bisig nito.

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now