CRITERIA

419 110 0
                                    

Guys, ako na ang nagsasabi sa inyo, ito talaga ang mga pinagbabasehan ko para sa pagcritique ng libro niyo. Iba-iba tayo nang paghuhusga sa isang libro kaya ito ang paraan ko. Isa pa guys, mag aaminin ako. Ni-recycle ko lang ang karamihan sa part ng libro na ito mula sa Critique Shop ko dati. Hehehe.

10% - Book Cover
-Madalas kasi ay bumabase ang tao sa pagbabasa nang libro gamit ang mga pabalat nito. H'wag kayong maniwala sa "Don't judge a book by it's cover", lol. Ano pang silbi nang pabalat ng libro?

20% - Title
-Isa ako sa mga taong mahilig magbasa nang libro (mapakomiks, Manga, mga literaturang Ingles at Filipino, Filipino at Ingles na mga nobela), na pagnabasa ang pamagat ng libro at napansing masyadong gamit na ang pamagat ay nagkakaroon na nang masamang impresyon sa libro.

35% - Grammar (English or/ Filipino/Tagalog)
-Isa rin ako sa mga "feeling" perpekto kaya ayokong nakababasa nang mga librong may mali-maling gamit ng mga bantas at mga salita.
P.S. Kung conyo man o sadyang grammatically wrong ang karakter sa istorya ay hindi iyon isasama sa pagkritiko sa istorya.

25% - Content
-Oo! Importante rin yung nilalaman. Kung may makukuha bang aral dito o sadyang ginawa lang para sa wala. Kasama na rin dito ang mga diyalogo nang bawat karakter sa istorya at kung papaano nila dinadala ang bawat eksena.

10% - overall impact
-Kung tugma ba ang lahat-lahat (lahat-lahat talaga) sa istorya mo.

Lay's Critique Shop 2020 (OPEN)Where stories live. Discover now