Chapter 5

6.5K 182 15
                                    

Chapter 5
Gangs

Adi's POV

Anong ginagawa ng taong to dito?

"What the fuck did you do to her, silver?" Halatang galit na galit ang boses niya. Pero walang expression ang mukha niya. Hindi mo alam kung galit ba talaga siya o ano. Basta nakakatakot ang aura niya.

"Problema mo? Bakit bigla bigla ka na lang nanununtok?" Galit na tanong ni silver daw. Yun ang tinawag sa kanya eh.

"I am asking you! Wag mong ibalik sakin ang tanong!" Seryosong sabi niya

"Oh come on zach! Ano bang pakealam mo?" Natatawang tumayo si silver at inayos ang maskara niya.

Biglang lumapit si zachary sa kanya at saka kwinelyohan.

Ano bang problema nitong zachary na to? At bakit siya napunta dito?

"Answer me! you son of a bitch! O baka gusto mong matulog at magising sa susunod na buwan!" May halong pagbabanta na sambit ni zachary.

"Zachary! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Para mapunta sakin ang atensyon niya. Baka kasi kung ano pang gawin nito kay silver.

Pero hindi siya sumagot at mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ni silver.

"E-easy zach! H-hindi ako ang gumawa s-sa kanya niyan. Niligtas ko pa nga siya eh" halatang hirap na sa pagsasalita si silver.

Binitiwan na siya ni zachary at agad na naghabol ng kanyang hininga si silver.

Magsasalita pa sana siya ng may lumabas galing sa lumang classroom.

Yung tatlong kumidnap sakin. Wala na silang maskara ngayon at puno na pasa ang mukha. Humabol naman yung ibang naka clown mask na bumugbog sa kanila.

Lumapit sila kay silver at lumuhod.

"B-boss patawarin mo na kami! H-hindi namin alam na kakilala mo pala siya. Napag utusan lang kami, at kailangan din namin ng pera" pagmamakaawa ng isa sakanila.

"Sinong nag utos sa inyo?" Lumapit si zachary sa nagsalita at kwinelyohan saka tinayo.

"Z-za-zach!?" Gulat na may halong takot ang makikita sa itsura ng lalake.

"Tinatanong kita kung sinong nag utos sa inyo?" Seryosong sambit ni zachary

"S-si--

"Si bibyan!" Ako na ang sumagot sa tanong niya. Kaya nilingon nila ako na parang nagtataka.

"Sinong bibyan--What the fuck!" Hindi ko alam kung natatawa ba siya o galit.

"Bakit naman gagawin ni bib-- vivian yun?" Tanong niya, hindi ko alam kung kanino pero sumagot na lang ako

"Siya lang ang nakasagutan ko dito sa au."

"Nag away kayo ni vivian?" Tanong ulit niya, at alam kong ako ang tinatanong niya dahil sakin siya nakatingin. Haha

"Nakasagutan nga lang diba? At ayokong makipag away sa katulad niya. Cheap!" Naiinis kong sabi.

"Hahahahhahahahahahhahahahaha" biglang tumawa si pilak

"Anong nakakatawa?" Inosenteng tanong ko.

Pero hindi niya pinansin ang tanong ko at patuloy parin sa pagtawa. Baliw.

"Let's go!" Ani zachary at hinila na ko.

Hindi na ko pumalag at nagpatianod na lang. Tinignan ko ang kamay ko na hinawakan niya. Magkahawak kamay kami ngayon. Ang awkward tignan. Kasi hindi naman kami close tapos kung makahawak sa kamay ko akala mo boyfriend ko. At idagdag mo pa yung kanina. Bakit siya napunta dun? Bakit galit na galit siya?. Ay ewan ko.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now