Chapter 85

2.7K 100 11
                                    

Chapter 85
      
      
         
    
Adi's POV
 

   
    
Nakaupo na lang kami sa sahig ngayon, naghihintay ng mahihingan ng tulong. Bwisit din kasing Leo na to! Magtatago na lang, dito pa sa sirang silid. Walang ilaw pero may konting liwanag mula sa maliit na bintana sa taas.

"It's all your fault" sisi ko sa kanya. 30 minutes na kasi kaming na stuck dito, at wala paring tao na dumadaan. At kung minamalas talaga, hindi ko pa nadala ang cellphone ko, at etong Leo naman ay lowbat.

"Hindi ko kasalanang bulok ang paaralan na ito." Inis na sagot niya.

Masikip ang silid na ito kaya halos magkadikit na kami ni Leo nag umupo kami. Nakapatong ngayon ang magkabilang kamay ko sa mga tuhod ko habang nakatunganga lang ako sa maliit na liwanag na nanggaling sa labas. Kabilugan ng buwan ngayon, at sa tuwing ganito ay naaalala ko na naman ang gabing iyon. Yung mga sinabi niya, na puro kasinungalingan lang pala. Siguro nga ay malas ako sa tuwing bilog ang buwan. Sa tuwing may magagandang nangyari sa'kin sa mismong gabing bilog ang buwan ay mapapalitan agad ito ng sobrang sakit na pangyayari, hindi lang doble kundi triple ang kapalit.

O sadyang malas lang talaga ako, wala naman kasing totoong magandang nangyari sa buhay ko maliban lang sa mga Kuya ko, sila lang ang dahilan ko kung bakit pinipilit ko parin mabuhay sa kabila ng sitwasyon ko. Lahat ay hindi na totoo, puro na lang kasi may kapalit, kaya ayokong maattach sa ibang tao, dahil alam kong masasaktan at masasaktan lang din ako.

"You're crying" narinig kong ani Leo na nakatitig lang sa'kin. Hindi ko masyadong kita ang mukha niya dahil madilim at isa pa ay may mask siya kaya balewala din kahit maliwanag pa.

Agad akong yumuko at pinahiran ang luha ko na hindi ko namalayang tumulo na pala. Pero wala din silbi ang pagpahid ko dahil patuloy lang ito sa pagbuhos. Nakakainis!

"Mind sharing your problem?" Aniya kaya takang nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Well, we're both strangers to each other, so it's okay to say all your rants to me, I don't mind listening to it" sagot niya ng mapansing nagtataka ako.

He's somewhat right. Maybe if I say all my rants out loud, baka mabawasan ang bigat ng loob ko. Hindi naman kami magkakilala, kaya hindi rin niya maiintindihan ang mga sasabihin ko.

Bumuntong hininga ako bago ako tumingala ulit sa bintana.

"My parents named me Selene, which means moon. Pinili nila ang pangalang iyon dahil ako daw ang nagbigay ng liwanag sa madilim nilang gabi. At first, I can't understand that, not until now." I paused when I felt my tear's welling up.

"Ngayon ko lang napagtanto ang totoong ibig sabihin ng pangalan ko. Our life was messed up before I was born. Pero nung pinanganak ako ay mas lalo lang gumulo ang buhay namin. Their night was dark but when I came, I just lighted up an even worst conflict that's been hiding in the deepest part of it." I smiled bitterly reminiscing all the bad things that happened because of me.

"Maybe the moon doesn't like me. It hates me because I don't suit it's name. Hindi nababagay sa'kin ang pangalan niya dahil puro problema lang ang dala ko imbes na katahimikan. Kaya siguro pinaparusahan niya ako, na sa tuwing may magagandang nangyari sa'kin sa tuwing kabilugan ng buwan ay may kapalit. Kinuha niya si Dj sa'kin, kinuha niya ang bestfriend ko, at ngayon ay ang taong mahal ko ay pinaglaruan lang ako at ikakasal na sa iba. Ang saya ng buhay ko diba?" Tumawa ako kahit ang mga luha ko ay nag uunahan na sa pagbuhos, para na akong baliw na tumatawa habang umiiyak. Siguro nga ay baliw na talaga ako.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now