Chapter 39

3.5K 124 17
                                    

Chapter 39
          
         
       
           
Adi's POV
     
   
  
Mabilis lumipas ang araw at friday na ngayon. Next week na ang exam namin at next next week na rin ang Sportfest. Kaya excited na ang lahat para don.

"Adi!" Tawag sakin ni andrea pagkababa ko ng kotse.

Tumakbo siya papalapit sakin humawak sa kamay ko.

"Sabay na tayo" nakangiting sabi niya at hinila na ako.

Palagi nagpupunta si andrea sa room namin pag may vacant time para makipagkwentuhan sakin, kahit palagi ko siyang sinusupladahan, hindi parin siya lumalayo sakin. Ako lanv daw ang kaibigan niya dito sa AU, kaya kahit suplada ako, hindi parin siya lalayo.

"Alam mo ba, hanggang ngayon, usap usapan parin yung pagsasabay ng engineering 2 at ni Ivan na maglunch" kwento niya.

"Ganyan naman halos ang mga estudyante dito, walang ibang alam kundi ang mangchismis." Tamad na sabi ko at natawa naman siya.

"Oo nga pala, malapit na ang sportfest. May sasalihan kang sport?" Tanong niya ng maalala ang sportfest.

"Ewan. Mag isa naman akong babae samin, kaya hindi ako makakasali sa laro na pang grupo." Kibit balikat na sagot ko.

"Eh, marami namang pang isahan na sport. Tulad ng chess, at dart" aniya.

"Pag isipan ko. Baka sa dart na lang ako sasali" tamad na sagot ko. Nagulat naman siya at huminto sa paglalakad.

"Marunong kang mag dart?" Gulat na tanong niya. Tumango na lang ako bilang sagot.
      
"Speaking of dart! Naalala ko si scarlet! Ang galing din niyang tumira ng dart, walang mintis!" Natutuwang sabi niya. Umiling iling na lang ako  natawa ng mahina.
    
    
Nagpaalam ma sakin si andrea dahil nasa tapat na kami ng building nila. Kaya tinahak ko narin ang daan papuntang building 7. At halos ng nadadaanan kong estudyante at nag iiwas ng tingin sakin. Ganyan nga! Matakot kayo! Tch!

"Goodmorning, Adi!" Bati sakin nina B1 at B2 pagkaupo ko. May mga bandaid parin sila sa nga mukha nila.

"Goodmorning" bati ko rin bago ko sinasaksak ang airpods sa tenga ko. Makikinig na lang ako sa kanta ng exo, kesa marinig ang mga ingay nila.

Ilang minuto ang lumipas at wala parin si prof. Late ba siya o wala na naman kaming klase? Tch!

Mamaya maya ay pumasok si cayden ag pumunta sa harap, kaya inalis ko na ang airpods ko at nakinig sa kanya.

"Busy ang mga professors ngayon. At pinapasabi nilang, mag self review na lang muna daw tayo dito sa room" aniya at umalis na dun.

"Boring naman!" Reklamo ni perry

"Nakakatamad magreview" ani dexter

"Anong gagawin natin? Tetengga na lang ba tayo dito?" Tanong namam ni owen

"Magself review nga!" Inis na sigaw ni andrew

"Ang boring nun! Puro na nga lang tayo review! Tapos mag seself review pa! Ano ba yun?" Takang tanong ni ryle kaya binatukan siya ni cayden.

"Ayan ang napapala ng hindi nagrereview! Walang laman ang utak! Tsk!" Ani cayden pagkatapos niyang batukan si ryle na ngayon sinsapo na ang ulo.

"Laro na lang tayo!" Suhestyon ni gavin.

"Anong laro?" Tanong naman ni fred.

"Ewan! Mag isip kayo, yung pwede lang dito"sagot niya.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now