Chapter 48

3.4K 133 8
                                    

Chapter 48
         
          
        
Adi's POV
       
     

"Bye bye! adi! Balik na lang kami bukas" paalam ng mga kaklase ko bago lumabas ng pinto ng kwarto ko sa ospital.

"Kahit hindi na!" Habol na sagot ko sa kanila.

"Kahit ayaw mo, babalik parin kami" natatawang sabi ni Fred bago sila tuluyan makalabas.

Wala silang ibang ginawa kundi mag ingay lang dito. Tulad din nung dati, ilang beses na kaming pinasok ng mga nurse para pagsabihang wag mag ingay dahil dinig dinig sa labas ang mga boses nila. Naisipan lang nilang umuwi ng dumating na sina kuya Ali.

"How are you feeling?" Tanong ni kuya Ali pagkalapag ng dala niyang bag.

"Okay naman ako, OA lang si kuya magnus at pina-admit pa ako dito!" Sagot ko bago ako humiga ulit.

"You're not okay! Ang dami dami mo ngang mga pasa." Sagot ni zach na nakaupo sa mahabang sofa na kaharap ng kama ko.

Kanina pa siya dito at hindi siya sumamang umuwi sa mga alagad niya, dahil binilin daw ni kuya magnus na bantayan ako.

"Oi! Ikaw. Bakit hindi ka pa umuwi. Nandito na sina kuya para magbantay sa'kin" inis na sabi ko sa kanya.

"Si Magnus ang nag utos sa'kin na bantayan ka. Kaya siya lang ang pwedeng magpauwi sa'kin" sagot naman niya at sinabayan ang masamang tingin ko sa kanya.

"Bawal ang LQ sa ospital, kaya tumahimik na kayong dalawa" natatawang saway samin ni kuya peter.

"We're not lovers!" Inis na sabi ko at si kuya peter ang binalingan ko ng masamang tingin na tinawanan lang niya.

"Don't do that again, Adi" seryosong sabi ni kuya Xander na umupo sa monoblock chair na nasa tabi ng kama ko.

"Do what?" Takang tanong ko.

"You, being over confident kahit sa ganong sitwasyon. Minsan, kailangan mo ding bawasan ang yabang mo. Paano kung hindi kami dumating?" Sermon niya sa'kin.

Minsan lang ako sermonan ni kuya Xander. Pero, nakakatakot din siya pag galit. Madalas siyang maloko, pero pag nagalit siya, naku, isa ding halimaw!

"Alam kong dadating kayo" sagot ko na lang.

"Wala kang kasiguraduhan, adrianne. Paano kung hindi ka namin na locate?" Giit niya.

"Para mo namang sinabi na papalpak ang mga gawa ni kuya ryan" tamad na sagot ko.

"Tch" singhal niya.

"At isa pa. Alam ko namang hahanapin niyo kahit sa anong paraan." Nakaniting sabi ko.

Ginulo ni kuya Ali ang buhok ko at bahagyang natawa. Nakatayo siya ngayon sa isang tabi ko.

"Paano kung natagalan kami ng dating kanina, ano nalang ang mangyayari sayo?" Tanong naman niya.

"Edi, tigok" natatawang sagot ko.

Ako lang ang natawa sa sagot ko, dahil naging masama ang tingin nilang lahat sa'kin.

"Alam mong bata ka! Ang sarap sarap mong kutusan!" Nanggigil na sabi ni kuya Ali at hinulo ulit ang buhok ko.

"Pero, hindi yon mangyayari, Alister." Napunta kay kuya peter ang atensyon namin.

"What do yo mean?" Takang tanong ni kuya Kurt.

"Kasi, diba kanina. Halos lilipad na ang kotse ni Zach papunta dun, hindi na nga pinansin ang mga traffice lights eh. Kaya imposibleng mahuhuli tayo ng dating--

Scarlet Eyes [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora