Chapter 95-Last Chapter

5K 135 47
                                    

Chapter 95
    
     
      
      
      
   
Adi's POV
  
  
    
"Ano'ng gusto mong kainin, Adrianne?" Tanong ni Tita Beth sa'kin.

Nasa may Living room kami ngayon, kakauwi galing sa libing ni Kuya.

Umiling lang ako bilang sagot kaya napabuntong hininga si Tita.

"Gusto mo bang ipagluto kita ng paborito mo?" Tanong naman ni Tita Lea pero umiling din ako.

"Akyat na po muna ako" paalam ko bago ako tumayo at naglakad.

Wala nagsalita kahit ni isa sa kanila. Alam kong nag-aalala sila, pero wala talaga akong ganang kumain.

Nang malapit na ako sa kwarto ni Kuya Levi ay narinig kong nagsalita si Tito Gabriel.

"Alam kong pare-pareho kayong naapektuhan ng nangyari, pero kung maari ay bantayan niyo silang dalawa" marahil ang tinutukoy niya ay kami ni Kuya Levi na parehong wala doon. Pagkarating namin kanina at nauna ng umakyat sa kwarto niya si Kuya Levi.

"Lalo na si Levi. Tahimik lang ang batang iyon, pero alam kong sobrang nasasaktan siya sa loob. Lumaki siyang palaging nakaalalay si Magnus sa kanya, at siya ang naging sandalan ni Levi sa lahat ng problema niya. Hindi ko pa siya nakikitang umiyak simula nung araw na nawala si Magnus, kaya mas lalo akong nag-aalala"

Napahinto ako at nakinig pa sa sasabihin ni Tito Gabriel.

"Wag niyong iiwan ang dalawang yun, sa inyong lahat ay silang dalawa ang pinaka nasaktan sa nangyaring ito. Alam kong mahirap, pero darating ang araw na malalampasan niyo rin ang pagsubok na ito" ani tito Francis.

"Xander, Ali, magpakatatag kayo para kina Adrianne at Levi. Masakit mawalan ng kapatid, pero kailangan niyo paring magpatuloy, kahit dun man lang ay gumaan ang loob ni Magnus. Wala siyang ibang hinangad kundi ang kaligtasan niyong magkakapatid. Hanga ako sa batang iyon, hindi niya binigo si Alex na alagaan kayong mabuti"

Bumuhos na naman ang hindi matapos tapos na luha ko. Nagpatuloy na akong naglakad papuntang kwarto ko ng mapansin kong nakabukas ng kaunti ang kwarto ni Kuya Levi. Lalampasan ko na sana iyon ng marinig ko ang maliliit na hikbi mula roon. Kaya lumapit ako at sumilip.

Nakaupo at nakasubsob siya sa libro na nasa taas ng study table niya. Gumagalaw ang likod niya kasabay ng maliliit na hikbi na naririnig ko.

Umiiyak si Kuya Levi. Tama si tito Gabriel, hindi lang pinapakita ni Kuya pero sobrang nasasaktan siya.

Hinawakan ko ang doorknob at unti unting sinara ang pinto ng kwarto niya ng hindi niya napapansin. Alam kong gusto niyang mapag-isa.

Pinahiran ko ang luha ko bago ako naglakad ulit, pero imbes na sa kwarto ko ako dumeretso ay sa kwarto ni Kuya Magnus ako dinala ng mga paa ko. Binuksan ko ito at walang pinagbago ang kwarto niya. May mga papeles parin sa mesa niya na hindi niya pa natatapos.

Naglakad ako papasok at pinagmasdan isa isa ang mga gamit niya. May mga litrato namin sa taas ng mesa niya, isang frame ay Family picture namin, karga karga ako ni Mommy na katabi si Daddy na nakatayo sa likod nina Kuya na nakaupo sa harapan. Ang isang Frame naman ay litrato naming lima, nung kaarawan ni Kuya Magnus kung kelan ko binigay sa kanya ang regalo kong relo. Pinapakita pa niya ito na para bang pinagmamalaki niya ito nung kinuhanan kami ng litrato. At ang huli ay litrato naming magpipinsan, nung Graduation ni Kuya Jax sa kolehiyo. Sobrang saya namin nung araw nayun, nagkagulo pa nga dahil sabay na dumating sa Party ang dalawang syota ni Kuya Gabby. At imbes na magsabunutan ang dalawa ay si Kuya Gabby ang sinabunutan nila. Hindi umawat sina Kuya, pinagtawanan pa nga nila dahil yun daw ang dapat sa mga playboy na katulad ni Kuya Gabby.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now