Chapter 56

3.3K 122 9
                                    

Chapter 56
           
          
         
Levi's POV
     
       
     
"Bakit iba ang tinatahak mong direksyon? Malapit lang ang Lokasyon ni adrianne dito" takang tanong ko dahil niliko ni Ryan ang kotse niya kahit nasa kabila ang tinuturong lokasyon ni Adi.

"Mali yan. Patungong Victoria lokasyon ngayon ni Adi, kaya kailangan nating harangan sila" Seryosong sagot niya habang nasa daan ang paningin at sobrang bilis na pinapatakbo ang kotse niya.

"What do you mean, Ryan?" Takang tanong ni Magnus na nasa front seat.

"Kinausap ako ni Adrianne kahapon. Nagpapagawa siya ng bagong tracking device na ako lang daw ang dapat na may access"

"What?,..Why?" Gulat na tanong ko.

Bakit siya nagpapagawa ng bago, eh hindi pa naman sira ang ginagamit niya.

"Adi thinks, na may traydor sa Empire na nakakaalam tungkol sa tracking device. That's why he asked me to make another tracking device, incase na makuha siya ng mga dela cuesta at baka itapon ang tracking device na nasa hikaw niya. At hindi ko akalain na mangyayari agad ito. Buti na lang at tinapos ko yon kahapon at naibigay ko na sa kanya kanina. The old tracking device is at the other location dahil tinapon na nila ito para madistract tayo. But they didn't know na may isa pa palang tracking device na nasa kwintas niya." Paliwanag niya habang nagdadrive.

"Pero, bakit hindi niya sinabi sa'min?" Tanong naman ni Magnus.

"Nakiusap siya, na kung pwede, wag ko daw sabihin sa inyo, lalo na sayo, dahil marami ka na raw iniisip. But, she promised me, na kung makukumpirma na daw niyang may traydor sa Empire. Sasabihin niya rin naman daw agad sa'yo to." Sagot ni Ryan

"Tayo lang at sina Aldrin at Steven ang may alam tungkol sa tracking device. Ibig bang sabihin, nasa dalawang yun ang traydor?" Tanong ko at tumango naman si Ryan bilang sagot.

"Kahit ako, ayaw kong maniwala nung una. Pero dahil sa nangyaring to, Napatunayan lang na tama nga ang hinala ni Adi" sagot ni Ryan at mabilis na niliko ang kotse niya sa masukal na daan "kailangan na'ting harangan sila." Sabi niya bago binilisan ang pagpapatakbo ng kotse.

Tahimik lang si Magnus at mukhang malalim ang iniisip. Mahirap isipin na may traydor sa dalawa mong kaibigan na itinuturing mo nang kapatid. Kilala na namin si Aldrin, hindi pa nangyayari ang mga gulong to. Siya ang unang una na naging kaibigan ni Magnus, dahil simula pa noon, marami ng takot kay magnus. Presensya niya lang, nakakatakot na. Kaya iniiwasan siya ng mga ibang bata.

"Sakto!" Ani Ryan kaya sabay kaming napatingin ni Magnus sa unahan.

May humaharurot na Van ang makakasalubong namin at mukhang wala silang pakealam na may nakaharang na kotse sa unahan nila.

"I'll take care of that" seryosong sabi ni magnus at kinuha ang baril niya bago lumabas ng kotse at pumagitna sa daan.

Tuloy tuloy parin ang takbo ng Van kahit nasa gitna na ng daan si Magnus.

Itinaas na niya ng hawak niyang baril at magkakasunod na pinaputukan ang Van. Tumama ito sa Gulong ng Van kaya nagpagewang gewang ito at bumangga sa malaking kahoy. Agad kaming lumabas ng kotse ni Ryan at tumakbo papunta sa Van.

Duguan ang driver nito at ang isa pang kasama nito sa front seat. Dumeretso agad kami sa likod at binuksan ito. Isa lang ang lalaleng nandito at hawak niya ngayon si Adi.

"Sige! Lumapit kayo! Gigilitan ko ang leeg nito" Banta ng lalakeng may hawak kay adrianne habang may nakatutok na kutsilyo sa leeg nito.

Gising na si Adi at parang nagtataka sa nangyari. Kunot noo siyang nakatingin sa'ming tatlo "k-kuya?" Naguguluhan sabi niya bago tinignan ang kutsilyo na nakatutok sa leeg niya.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now