Chapter 65

3.2K 116 5
                                    

Chapter 65
       
        
          
    
Adi's POV
      
       
       
Ngayon na ang unang araw ng out of town activity namin. Nakahanda na ang mga gamit ko at yung bus nalang ang hinihintay.

Bawat Classroom, may nakalaan na bus para maghatid sa'min dahil hindi pwedeng magdala ng kotse, baka hindi daw sumipot ang mga estudyante. Pagdating namin sa may baybayin ng florencia, may bangka na magdadala sa'min sa maliit na isla kung saan gaganapin ang mga activites. We owned that small island, binili ni kuya Magnus para gawing private resort.

Ang Montreal Corp. Ang sponsor ng Activity na ito. Kaya pinahiram ni kuya ang isla na yun.

Kanina pa ako naghihintay dito sa living room namin, dahil sabi ni Cayden, susunduin lang daw sa bahay ang mga estudyante. Mag iisang oras na akong naghihintay sa sinabi nilang on the way na sila.

"Ms. Adrianne, anjan na ang sundo sa'yo" pumasok si mang Jules at kinuha na ang bagahe ko para dalhin sa labas.

"Sige ho, susunod na ako" sagot ko bago ako tumayo at kinuha ang maliot na bag ko.

"Nay! Alis na po ako. Pakisabi na lang kina kuya" sumilip ako sa kusina kung saan nagluluto si nanay Perla.

"Sige nak, mag ingat ka at mag enjoy ka rin doon" nakangiting sagot niya pa.

Nagmadali na akong lumabas dahil baka sigawan na naman ako ng baliw dun kung bakit ako matagal.

"Adrianne!" Biglang tawag sa'kin ni kuya Gabby na kakababa lang galing sa hagdan. Mukhang bagong gising lang siya.

"Kuya?" Lumingon ako sa kanya at nakitang kong magkasalubong ang mga kilay niya.

"Ano yang suot mo?" Seryosong tanong niya.

Tinignan ko naman ang suot ko. Wala namang masama dito ah? Sa beach kami pupunta, kaya ganitong outfit dapat ang suot ko.

"Why, kuya? May mali ba sa suot ko?" Takang tanong ko kahit alam ko naman ang dahilan.

Kahit hindi halata, conservative si kuya gabby...well, lahat naman sila ganun. Ayaw na ayaw nilang nagso-shorts ako pag lalabas ng bahay.

Akala ko, makakatakas ako, naabutan din pala. Hindi naman masyadong maiksi ang shorts ko, hanggang taas ng tuhod lang ito.

"Magpalit ka" utos niya habang naglalakad palapit sa'kin.

"Kuya naman! Hindi naman sobrang maiksi to." Pagmamaktol ko.

Sumeryoso naman ang mukha niya, na hindi mo masyadong makikita, Palabirong tao si kuya Gabby, pero pagseryoso siya, nakakatakot din.

Bakit ba kasi nakakatakot lahat ng mga kuya ko? Tch!

"Magpapalit ka, o hindi ka makakalabas ng bahay?"

"Magpapalit na! Kainis naman oh! Gusto atang mag long dress ako papuntang isla" nagmamaktol na sabi ko habang padabog na umakyat pa kwarto.

"Wag ng masyadong maraming sinasabi!" Narinig ko pang sigaw niya bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Nagpalit na ako, ang kaninang denim short ay pinalitan ko na ng White high-waist Trousers, yellow tank top at Floral longsleeves Loose Button-down na hindi naka botones.

Bumaba na ako para makita ni kuya Gabby ang suot ko.

"Is this okay?" Walang ganang tanong ko kay kuya Gabby na umiinon na ng kape ngayon sa may living room.

Scarlet Eyes [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang