Chapter 54

3.3K 135 8
                                    

Chapter 54
       
           
         
      
Adi's POV
      
       
       
Monday na naman, at may pasok na. At dahil first monday ito ng buwan, may swimming class na naman ang mga second year. Once a month may swimming class ang lahat, magkakaiba lang ng schedule. Hindi ko alam kung anong silbi nitong swimming class na'to, magagamit ko ba to sa paghahanap ng trabaho? Tch!

Medyo masama parin ang pakiramdam ko, pero hindi ko na sinabi kina kuya, dahil baka mag alala pa sila. Pakiramdam ko magkakalagnat ako eh. Kainis. Tinamad ako at gusto kong matulog na lang.

Nakapagpalit na ako ngayon ng swimming suit at papunta na ako sa may swimming pool area. Marami ng estudyante dito at ang ingay ingay.

"Adi!" Tawag sa'kin ni Andrea. Nakabihis na rin siya at nakangiting tumatakbo palapit sa'kin "okay ka lang?" Takang tanong niya habang nakatitig sa'kin.

"Yeah, Okay lang ako" sagot ko na lang para hindi na siya magtanong.

Ngumiti naman siya at hinawakan na ako sa kamay"Tara na. Andun na ata silang lahat" sabi niya bago ako kinaladkad papunta sa may pool.

Apat na kurso ang nandito ngayon at mamaya naman ang apat. Engineering, Criminology, Computer Science at ang mga Tourism. Ibig sabihin nun, andito sina kaitlyn at bibyan. Kaya ayoko nitong swimming class eh. Marami lang plastic ang maglulutangan sa pool.

"Bakit mainit ang kamay mo?" Tinaas ni Andrea ang kamay ko na hawak niya at hinawakan niya pa ito ng isa niya pang kamay. "Ang init. May lagnat ka ba?" Tanong niya at hahawakan na sana niya ang noo ko pero agad akong umiwas.

"Wala, mainit lang ang panahon." Iwas na sagot ko at nauna ng naglakad palapit sa isang bench para maupo.

"Sigurado kang okay ka lang, Adi? Gusto mo, dalhin na kita sa clinic?" Alalang tanong ni Andrea at naupo narin sa tabi ko.

"Okay lang ako, drey. Wag kang oa" tamad na sabi ko sa kanya.

"Pag ikaw, may lagnat, lagot ka talaga sa'kin! Isusumbong kita sa kuya magnus mo!" Banta niya.

"Kung may lagnat man ako, hindi mo yun malalaman, dahil hindi ko naman sasabihin sa'yo" natatawang sabi ko sa kanya.

"Ikaw!" Inis na sabi niya at papaluin na sana ako.

"Sige ka! Nag-aalala kang may lagnat ako, tapos papaluin mo lang ako" inis na sabi ko rin.

Inirapan niya lang ako at nagcrossarm na parang bata na nagtatampo, kaya natawa ako sa itsura niya.

"Hi ladies" biglang sumulpot sa harap namin ang dalawang itlog na sina B1 at B2 na walang damit pantaas at shorts lang pang swimming.

"Ano ba yan! Wala namang abs! Alis nga kayo jan sa harap namin" taboy sa kanila ni Andrea.

"Anong walang abs? Meron no! Tignan mo" mayabang na sabi ni Ryle at sabay sila ni Kris na pinanipis ang tyan nila at nagflex ng biceps nila na wala naman. Hahaha.

"Asan?" Takang tanong ko at tinignan at buong katawan nila para hanapin ang sinasabi nilang abs.

"Ewan ko sa inyo! Mga walang mata!" Padabog na sabi ni Kris at saka naupo sa tabi ko. Sumunod naman si Ryle sa kanya at nakisiksik pa. Bale apat na kaming nakaupo dito sa iisang bench na nasa tabi ng pool.

"Bakit parang ang init mo, Adi?" Tanong ni Kris dahil siya ang katabi ko.

"Matagal na akong Hot, Kris." Tamad na sagot ko kaya tumawa naman si Andrea at Ryle.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now