Chapter 74

3.2K 110 10
                                    


Chapter 74
            
               
               
Adi's POV
     
       
        
Today is my Birthday, but I don't remember it as it is. My mind only know this day as My parents ang Dj's Death anniversary.

Alexander Montreal & Dianne Montreal

They both died on my 4th birthday, and I barely remember anything about it. Ang pangyayari kung saan lang sila pinatay ng lalakeng nakamaskara ang tanging natatandaan ko at nagpapaulit-ulit sa isip ko.

Umupo si Kuya Magnus sa tabi ko at inakbayan ako. "If they are alive now, I'm sure they are so proud of you" ani Kuya habang nakatingin sa puntod ng mga magulang namin.

"At paniguradong nagpagawa pa ng napakalaking tarpaulin si mommy para lang ipagdiwang ang unang panalo mo sa CSF" natatawang ani Kuya Ali.

"At nagpafiesta naman si Daddy" dagdag pa ni Kuya Xander kaya natawa kaming lahat.

Kumpleto kami ngayon dito, dahil ito na ang nakagawian namin taon taon. Dati ay kasama pa namin sina tito at tita, pero nasa ibang bansa silang lahat.

Sinisigurado talaga nina Kuya na wala silang schedule ngayon para magkasama kaming lahat sa araw na ito.

"But honestly. Tita and tito is so proud of you. Sa dami ng pinagdaanan mo, natin, ay nagpapakatatag ka at hindi sumusuko" nakangiting ani Kuya Jax.

"I'm jealous." Malungkot na sabi ko kaya nagtaka naman sila.

"Nagseselos ako sa inyo dahil marami kayong alala nina mommy at daddy" mapait na ngiti ang lumabas sa labi ko habang nakayuko at nakatitig lang sa puntod ng mga magulang namin.

Inakbayan naman ako ni kuya Magnus at hinawakan ang ulo ko bago ginulo gulo ang buhok ko. "Don't be sad, because the day you were born was the happiest day of their life. Naging mas masaya sila nung dumating ka" malambing na sabi niya sa'kin.

"Kaya wag ka ng malungkot dahil pumapangit ka. Baka magtaka sina mom at dad kung sino ka" natatawang umupo si Kuya Levi sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "You are the god's greatest gift to us. Kaya wag ka ng mag-isip ng ikakalungkot mo pa." Bigla ay naging seryoso na ang tono niya."I witness how happy mom is, the smile on her face, everything's different, minsan nga ay nainggit pa ako, because you were everyone's favorite. Lahat ng atensyon ay na sa'yo nung dumating ka. But then one day, while i was looking at you, at your innocent face, i just can't help but to adore you, so much that I spend hours just looking at your innocent ugly sleeping face" bagaman natatawa ay mahahalata parin ang pagiging seryoso sa mga sinabi niya.

Kinurot niya at pisngi ko at ginulo din ang buhok ko. Bakit kaya ang hilig nilang guluhin ang buhok ko?

"Okay! Tama na ang drama!" Yumuko si Kuya Xander at siningit ang ulo niya sa pagitan ng ulo namin ni Kuya Levi habang nakaakbay samin ang magkabilang kamay niya.

"Get off, Xander. You're fucking heavy!" Reklamo ni Kuya Levi pero hindi nakinig si Kuya Xander at mas binigatan pa ang katawan niya.

"Group huuuug!!!" Sigaw ni kuya Peter at tumakbo palapit sa'min galing sa likuran namin. Yayakap din sana siya tulad ng ginawa ni Kuya Xander, ngunit umiwas si Kuya Magnus kaya nasubson siya sa lupa. Kaya agad kaming nagtawanan lahat.

"Ilan nakuha mong palaka, Peter?" Hirap magsalita si Kuya Ali Kurt dahil sa kakatawa.

"May swimming pool naman tayo sa bahay, Peter. Sana ay nagpaiwan ka nalang doon kung gusto mo palang Lumangoy" natatawa paring sabi ni Kuya Gabby.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now