Chapter 77

2.6K 93 12
                                    

Chapter 77
       
      
        
Adi's POV
      
       
      
Nagising ako dahil sa malamig na bumuhos sa katawan ko. Unti unti kong binuksan ang mata ko at nasa parang isang lumang bahay na ako. Nakaupo ako sa upuan na gawa sa kahoy at nakatali ang dalawang kamay ko sa magkabilang hawakan nito. Mukhang alam nila na kaya kong tanggalin ang tali kaya pinaghiwalay nila ang tali ng mga kamay ko.

Inangat ko ang paningin ko at mukha agad ni Alfonso ang nakita ko. May benda na ito sa leeg dahil sa sugat na ginawa ko gamit ang gunting kanina.

"Tuso ka talaga!" Galit na galit na sigaw niya at sinampal gamit ang tungkod niya. Namanhid ang mukha ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakasamapal niya.

"Kung akala mo makakatakas ka, nagkakamali ka! Pribado ang lugar na ito, kaya hindi hindi ka makakatakas. Kaya hindi ka rin mahanap hanap ng mga kuya mo!" Aniya ng ibinaba na ulit ang tungkod niya.

Hindi ko parin siya malingon dahil nanatiling nakatagilid ang ulo ko dahil sa pagsampal niya at halos mabingi ako.

"Kahit bangkay mo ay hindi na nila mahahanap" dagdad pa niya bago may isang lalake ang pumasok dito at lumapit sa kanila.

"Boss! May naghahanap sainyo" anang lalake sa lalakeng nakamaskara na pula na si John.

"At sino naman ang maghahanap sa'yo sa mga oras na ito?" Lumingon sa kanila si Alfonso at saka naglakad palapit doon.

"Ako"

Agad na bumuhos ang kanina pang nagbabadya na mga luha ko ng marinig ang boses niya, ang boses niya na ilang araw kong hindi naririnig.

Pero, ano ang ginagawa niya dito? Bakit mag-isa lang siya? Alam kong baliw siya, pero bakit pinatunayan niya pa!

Baliw ka talaga, Zach!

"Bakit ka nakapasok dito?" Galit na sigaw ni Alfonso bago nagtungo sa kinakatuyuan ni John.

Luminga linga si Zach hanggang sa napako ang paningin niya sa'kin. Pinagkuyom niya ang mga kamao niya at galit ni nilingon si John.

"What the fuck did you do to her?!" Malakas na sigaw ni Zach at pasugod na naglakad palapit kay John. Agad naman siyang hinarangan ng mga myembro ng Red Demons, pero pinagsusuntok niya lang mga ito.

"Pigilan niyo siya" sabi lang ni John at saka naglakad palapit sa'kin.

Nanatiling kay Zach lang ang tingin ko habang pinagtutulungan siya ng mahigit sampung nakamaskara.

"Z-zach" halos hindi na lumabas ang boses ko nang sumigaw ako.

Nahawakan na siya ng dalawang nakamaskara at saka pinagsusuntok ng iba pa.

"P-please, pakawalan niyo na siya" nakayukong nakikiusap ako sa lalakeng nasa harap ko ngayon.

Yumuko siya at hinawakan ako sa mukha ko bago inangat ang ulo ko para makaharap siya.

"Madali naman akong kausap" malambing na sabi niya bago hinaplos ang pisngi ko. "Kamukhang kamukha mo talaga si Dianne" dagdag pa niya sa malambing na boses niya.

"Pero nakikita ko parin ang mukha ni Alex sa'yo!" Biglang naging seryoso ang boses niya at tumayo.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang malakas na sampal niya sa pisngi ko.

"Fuck you! I'm going to kill you!" Malakas na sigaw ni Zach na nakaluhod na ngayon habang hawak ng mga nakamaskara ang kamay niya. Duguan na ang mukha niya na mas nagpapasakit sa'kin.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now