Chapter 43

3.5K 127 1
                                    

Chapter 43
       
         
        
Adi's POV
      
     
Today is Monday. Kaya ibig sabihin, sportsfest na ng AU. At nandito kaming lahat sa gymnasium kung saan kasalukuyang ginaganap ang opening chuchu nila.

Ang dami pa kasing arte arte ng arete university na ito. May pa introduction number pa ng iba't ibang year.

mahigit dalawang oras ang itinagal ng opening ceremony at sunod na yung first game ng basketball. First game ang mga firstyear. Tapos sunod yung second year. Mamayang hapon pa ang laro ko sa dart. Kaya hindi ko alam kung saam ako tatambay.

"Kushina!" Nilingon ko ang isang baliw na tumatawag sakin.

"Kailangan mo?" Tanong ko habang naglalakad palabas ng gym, sumunod naman siya sa'kin.

"Manonood ka ba ng laro ng secondyear sa basketball mamaya?" Tanong niya.

"Hindi, hindi ko naman kilala yung mga maglalaro. Mamayang hapon pa yung laro ng engeeniring 2" tamad na sagot ko.

"Kilala mo naman ako, diba?" Malungkot na sabi niya kaya huminto ako sa paglalakad at tinignan siya ng nagtataka

"Ano na naman ang nakain mo at nasira na naman yang ulo mo? Tch!"

"Ang ibig kong sabihin, Maglalaro ako mamaya, at kakilala mo naman ako, kaya pwede bang manood ka?" Nakangiting sabi niya.

Kumunot ang noo ko at nagumpisa na ulit akong maglakad. "Tignan ko." Tamad na sagot ko.

"Talaga!" Tuwang tuwa na sabi niya.

"Ano pang ginagawa mo dito? Diba, dapat naghahanda ka na, dahil kayo yung second game?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya ng malapad bago sumagot "hinabol lang kita para tanungin kung manonood ka mamaya. Sige! Balik na ako! Manood ka ah!" Sabi niya at tumakbo na pabalik sa gymnasium. Tumango na lang ako bilang sagot.

Pumunta muna ako ng cefeteria para bumili ng pagkain. Nagutom kasi ako kanina dahil nabored ako.

"Adi" tumakbo palapit sakin si cayden na may dala dalang papel. "Mamayang 1pm ang laro mo sa dart. Nursing department ang makakalaban mo." Sabi niya ng makalapit na siya sakin.

"Geh." Sagot ko na lang.

"Magaling yung representative nila. Siya yung champion sa firstyear nung nakaraang taon" aniya.

Mukhang exciting to ah. Pero may hinihintay talaga akong makakalaban ko.

"Yung sa Tourism department, kailan?" Tanong ko na pinagtaka niya nung una, pero tinignan din niya agad sa hawak niyang papel ang schedule.

"Bukas ng hapon din. 2pm. Bale dalawang game ka sa dart bukas, yung isa 10 am. At may laro ka rin na chess sa 11 am...teka, mukhang ang dami mong sched bukas. Kaya mo ba?" Takang tanong niya nang mapansing halos magkakasunod sunod yung laro ko bukas.

"Bahala na si batman!" Sagot ko at ngumisi.

Tumawa naman siya ng mahina at umiling. "Basta, sabihan mo ko kung hindi mo kaya, ipapadefault ko nalang yung iba." Sabi niya.

"Wag na. Madali lang naman yan" mayabang na sabi ko kaya natawa ulit siya.

"Yabang yabang talaga!" Natatawang sabi niya.

"Hindi ako nagyayabang, nagsasabi lamg ako ng totoo" tamad na sabi ko. "Geh, punta muna ako cafeteria" paalam mo at nilampasan na siya. Hindi na siya sumunod dahil mukhang may busy talaga siya.

Scarlet Eyes [Completed]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें